PINAS

Xiaomi balik Pilipinas na

Ni: Jonnalyn Cortez

MULING nagbalik sa Pilipinas ang pang-apat sa pinakamalaking tatak ng smartphone sa mundo, ang Xiaomi. Ito ay pagkatapos mawala ng nasabing kompanya sa bansa sa loob ng dalawang taon.

Kasabay ng pagbabalik nito ay ang paglulunsad ng dalawang bagong smartphones na kayang tapatan ang malalaking pangalan sa ganitong kalakalan.

Sa katunayan, mula nang umalis sa bansa ang Xiaomi noong 2016, maraming kompanya ng smartphone ang dumating sa Pilipinas. Ilan na nga rito ang Huawei, Oppo at Vivo.

Ang pag-alis sa Pilipinas

Umalis ang Xiaomi sa bansa dahil sa napakabilis na paglago nito, ngunit may napakaliit na kita. Noon, humigit-kumulang 1,000 empleyado lamang ang meron ito.

“In the beginning, our headquarters only had a thousand people. For a thousand people to run a multibillion-dollar business is impossible. Instead of [being present] everywhere, we decided to just go big in one place,” ayon kay overseas business development manager ng kumpanya na si John Chen.

Mula noong umalis ang kompanya sa Pilipinas, tinuon nito ang pansin na mamuhunan sa lugar kung saan mabilis ang paglago ng merkado – sa India.

“That is why back in 2015, we decided to go to India and grow our market there,” dagdag nito.

Kumpara sa Pilipinas, ang India ay may mas malaking populasyon na may mallit na market penetration.

Mabilis na naakyat ng kumpanya ang tagumpay at naging isa pa nga ito sa pinakakilalang tatak ng telepono sa naturang bansa.

“We have seen the success in the last few years. In India, we are number one. Now, we are confident that our plan will work in other countries,” dagdag pa ni Chen.

Sa katunayan, noong huling quarter ng 2017, humalili ang Xiaomi bilang pinakanangungunang tatak ng telepono sa India laban sa Samsung Electronics.

Bunsod nito,  mula sa 1,000, meron na itong 10,000 empleyado ngayon. Plano na rin nitong palakihin ang market share nito sa Pilipinas at sa buong Southeast Asia.

Pagpapalawak ng negosyo sa bansa

“The Philippines has been on my radar for some time because internally, our organization also has developments. That’s why we want to come back to the Philippines and make sure there’s a steady growth,” ani Chen.

Simula Pebrero, nagbukas na ng dalawang sangay sa bansa ang Xiaomi. Plano rin nitong magdagdag pa ng tatlong sangay sa iba’t-ibang lugar.

“We are looking at ano-ther one in Manila and possibly another two in other cities, probably in Cebu and in Davao,” pagbubunyag ni Chen.

Sa kabuuan, plano ng Xiaomi na magkaroon ng limang opisyal na tindahan sa Pilipinas ngayong taon. Kasalukuyang meron na itong sangay sa TriNoma sa Quezon City at SM Megamall sa Mandaluyong City.

Dagdag pa ni Chen, nagtatatag na ng kumpiyansa ang Xiaomi sa mga mamimiling Pilipino. “If you look at the Philippines market, there’s still a lot of vibrance,” anito.

Bukod sa paglunsad ng dalawang bagong smartphones, inanunsyo rin ng Xiaomi ang paglagda nito para sa isang kolaborasyon kasama ang Grimalkin Corporation. Nakatakda ang naturang kumpanya na ipamahagi, ilagay sa merkado, at suportahan ang mga makabagong produkto ng Xiaomi sa bansa.

Inanunsyo rin nito ang pakikipagsosyo sa mga online shopping sites sa Pilipinas na Lazada at Shopee. Pareho itong magkakaroon ng opisyal na online store ng mga produkto ng Xiaomi.

“Our online store will help Xiaomi products reach the farthest corners of the Philippine archipelago, while brick-and-mortar shops will help us connect with those who want to touch and feel the products before they buy,” ani Chen. “All official channels will offer products with official warranties so consumers will have peace-of-mind with every purchase of Xiaomi pro-ducts.”

Iba pang plano upang makilala sa buong mundo

Plano rin ng Xiaomi makipagusap sa mga naglalakihang kumpanya ng telekomunikasyon sa bansa, ang PLDT Incorporated at Globe Telecom Incorporated, para sa isang posibleng kolaborasyon.

“We are looking for ways to work with them, [to check] whether we can get some exclusive offers for them. It is something we will do this year,” ani Chen.

Sa ngayon, may hawak ng operasyon ang Xiaomi sa mahigit 70 na bansa at rehiyon. Kasama na rito ang Pilipinas, Thailand, Myanmar, Cambodia at Laos.

“We didn’t set a limit on how far we wanna grow. In all markets, we want to be number one. But what’s important for us is we’re doing right instead of just asking the numbers. We want to do things in [the] right way to achieve our targets,” paliwanag ni Chen.

Target naman ng Xiaomi na hindi lamang sa Pilipinas maging market leader kundi sa buong mundo.

“Worldwide, we are the only brand that is currently seeing a growth. Customers are smart. They are continuously searching for the best value in the market. We are not afraid of the competition. I think our only competitor is ourselves,” pagtatapos ni Chen.

Pananaw ng Xiaomi para sa bansa at mga Pilipino

Nagsimula ang Xiaomi noong taong 2010 sa pangunguna ng CEO nito na si Lei Jun kasama ang mga iba pang co-founders. Ginawa nitong inspirasyon sa pagsisimula ang pananaw na makabagong ideya para sa lahat.

Kilala ang mga produkto ng Xiaomi sa pagiging epektibo at high-tech na mabibili sa abot-kayang halaga. Bunsod nito, sinasabing ang mga plano ng kompanya para sa Pilipinas ay magsisilbing tulong para sa mga mamimiling Pilipino na naghahanap ng dekalidad na produkto.

Sa ngayon, mabibili ang iba’t-ibang produkto ng Xiaomi sa mga otoritadong Mi Stores sa bansa at sa mga opisyal na online stores nito sa Lazada at Shopee.