Paano kayo tumugon kung pagkatapos ninyong gumawa ng kabutihan sa kapitbahay, kayo ay sinubukan at naging kaaway ninyo siya? Makipag-away rin ba kayo sa kanya?
Kung may isang taong napopoot sa inyo? Kapupootan niyo rin ba siya? Sa sandaling tumugon kayo sa isang sitwasyon, lagi ninyong tanungin, “Ang aking pagtugon ba ay isang karnal o isang espirituwal? Ang aking lengguwahe ba ay karnal o espirituwal?”
Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi sa Mateo 5:44 “Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, Ibigin niyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo’y nagsisiusig.”
Ganyan ba kayo tumugon? Kapag ganito ang inyong tugon, kayo ay nagsasalita ng espirituwal na lengguwahe.
ANG DEMONYO ANG INYONG PINAKAMALAKING GAGAMBA
Ngunit kapag inaway kayo ng inyong kaibigan, naging marahas siya sa inyo at tinugunan niyo rin siya ng mas marahas pa, iyan ay isang karnal na pagtugon. Nilamon kayo ng apoy. Bagsak kayo sa pagsusulit. Nagbigay kayo ng maling sagot. Lahat ng inyong sagot ay ekis. Ngunit kapag kayo ay tumugon sa espirituwal, ang lahat ng inyong sagot ay tama.
Ang laman ay karnal. Ang pagiging karnal ay kamatayan. Ang mga nasa laman ay hindi makalulugod sa Diyos. Ang mga lumalakad sa laman ay hindi makalulugod sa Diyos. (Taga-Roma 8:8)
Kaya mag-ingat na ang inyong mabuting gawa ay hindi masunog. Alalahanin na ang ating pangunahing doktrina sa Kaharian ay “Ang Inyong Kalooban ang masusunod” ngunit bago kayo makapagsabi ng ganyan, ay wariin niyo at sabihing, “Hindi ang aking karnal na kalooban ang masusunod, ngunit ang Inyong Espirituwal na Kalooban ang masusunod.”
HUWAG MABITAG SA MAPAMBITAG NA SAPUT NG KAWALANG KATUWIRAN
Kagaya ng saput ng gagamba, nililinlang ng demonyo ang tao sa pamamagitan ng pagligaw sa kanya ng maling paniniwala at relihiyon na tumatangay papalayo mula sa katotohanan.
2 Mga Taga-Tesalonica 2:10: “At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka’t hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila’y mangaligtas.”
Juan 8:44: “Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito.”
HUWAG MAGPALINLANG
Binibitag ng mga gagamba ang kanilang mga biktima ng kanilang mga saput at tunawin sila ng katas upang sila ay kanilang makakain. Ang mantika sa katawan ng gagamba ay nagpapanatili sa insekto upang hindi mabitag ng sariling saput nito.
Kaya ang mga mismong gumagawa ng saput o web ay hindi pinadadala ang kanilang mga anak na maging adik sa anumang kanilang ginagawa sa web. Kanila silang pinunasan ng mantika upang hindi sila mabitag. Habang kayong mga tao sa mundo ay mga biktima. Iyan ang gawain ng demonyo na siyang pinakamalaking gagamba sa lahat.
Sumasandal ang gagamba sa saput upang hulihin ang kanyang biktima. Ang saput ay ginagamit sa paghuli at pagkatapos ay talian ang biktima nito. Ito ay nakapanlilinlang na atraksyon, dahil ito ay may magandang mga disenyo. Kapag basa, ito ay kumikinang sa sikat ng araw. Ito ay malinaw at hindi kaagad makikita ng biktima nito. Ito rin ay sumasagisag sa makamundong saput na masalimuot, kumplikado, mahiwaga, puno ng intriga kagaya ng saput ng panlilinlang, saput ng kahiwagahan, at maging ang world wide web.
ANG INYONG CELLPHONE AY ISANG NATUTULOG NA GAGAMBA
At ito ay nasa inyong bulsa. Lahat kayo ay may cellphone sa inyong bulsa, meron kayong natutulog na gagamba diyan sa loob. Huwag ninyo itong gisingin dahil maaari kayong maging susunod na biktima.
Mga kabataan, mga millennial, mga pastoral, mga kabataan sa Keepers’ Club ng Kaharian, mga kabataan na wala sa Kaharian, kayo ba ay nakikinig? Siguro ang inyong panloob ay kinain na ng gagamba at wala nang natitira sa loob. Ang inyong laman-loob ay kinain na ng gagamba. Natitira na lamang sa inyo ay kalansay. Ang natitira na lamang sa inyo ay isang kahon na naglalakad, walang utak, walang kaluluwa. Kaya kapag sinasabi ng demonyo, “Kumuha ng baril at barilin silang lahat!” gagawin ninyo ito dahil kung ano ang nasa loob ninyo ay siyang nakikita ninyo sa inyong laro.
Ito ang mga world wide games na nilalaro ninyo. Makakapaglaro kayo kasama ng isang tao na mula sa Africa, mula sa Europe o mula sa Asia. Nakikilala ninyo ang bawat isa. Kayo ay konektado. Hindi magtagal, wala na kayo sa realidad, ngunit kayo ay nawawala sa isang virtual reality, na sa katagalan ay maging inyong pisikal na realidad.
Kung sa inyong mundo sa virtual ay kayo ang palaging nananalo. Napapatay ninyo ang lahat ng inyong mga kaaway. Gumugugol kayo ng walong oras, sampung oras diyan sa virtual reality. At kapag bumalik kayo sa inyong pisikal na realidad, at pagkatapos ay magtungo sa paaralan, at may isang taong nang-aasar sa inyo, ano ang gagawin ninyo? Nasanay na kayong pumapatay ng inyong mga kaaway, kaya inisip ninyo, “Babalikan kita. Maghintay ka lang!” at bumalik kayo sa paaralan na may dalang assault rifle at nagsimula kayong barilin ang bawat tao, hinahanap ninyo ang inyong kaaway. Ito ay naging balita sa CNN: “Mga estudyante minasaker!” iyan ay isang klasikong kaso ng virtual na nagiging pisikal.
Ngunit marami na ang namatay sa espirituwal dahil sa World Wide Web. Narito ako upang gisingin kayo saan man kayo, hindi lamang mga Kingdom Citizen, ngunit sa buong mundo.
(Itutuloy)…