PINAS

Sports programs sa mga brgy. at schools

Ni: Noli C. Liwanag 

INILUNSAD ng MILO Philippines ang mga bagong sports programs tulad ng MILO Champ Camp at Barangay MILO Liga sa buong bansa.

Hangad ng programang MILO Champ Camp, na turuan ang mahigit isang milyong mag-aaral sa buong bansa ng mga sports tulad ng basketball, volleyball, at football.

Nais naman ng Barangay MILO Liga na magpagawa ng 300 barangay courts upang mabigyan ng oportunidad ang mga kabataang maging aktibo sa sports.

Katuwang ng MILO ang Department of Education (DepEd), kung saan inumpisahan ang MILO Champ Camp para sa 300 public schools sa buong bansa at aabot naman sa 500,000 residents mula sa 300 barangays ang  papasukin ng Barangay MILO Liga.