BAKA ang inyong loob ay kinain na ng gagamba at wala nang naiwan sa loob. Ang inyong mga laman loob ay kinain na ng gagamba. Ang naiwan na lamang sa inyo ay ang kalansay.
Isaiah 59:5-6
(5) Sila’y pumipisa ng mga itlog ng ahas, at gumagawa ng bahay gagamba: ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay; at ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong.
(6) Ang kanilang mga bahay gagamba ay hindi magiging mga kasuutan, o magsusuot man sila ng kanilang mga gawa: ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan, at ang kilos ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay.
Ano ang mas magandang bersikulo na talakayin nitong modernong panahon upang ilarawan ang Internet kaysa Isaiah 59: 5-6
Sila’y pumipisa ng mga itlog ng ahas lahat ng mga laro na naroroon ay mga itlog ng ahas.
O gumawa ng bahay gagamba o spider web. Lahat ng mga atraksyon ay naroroon sa web.
Lahat ng kumain ng mga itlog nila ay mamamatay. Kayong mga manlalaro kayo ay mamamatay.
Marami akong mga itlog, isang basket ng mga itlog, kapag kinain ninyo ang aking mga itlog, kayo ay mabubuhay. Ngunit kapag kinain ninyo ang mga itlog ng gagamba, ang inyong mga kaluluwa ay mamamatay.
At ang mga itlog na mabibiyak ay magdulot ng mga ahas na lalamon sa inyo.
Bersikulo 6: Ang kanilang mga bahay gagamba ay hindi magiging mga kasuutan, o magsusuot man sila ng kanilang mga gawa: ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan, at ang kilos ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay.
Nakita ninyo iyan? Lahat ng porma ng pambu-bully ay nasa internet. Ang lahat ng mga pekeng mga balita ay maaaring matagpuan doon. Lahat ay mga itlog ng ahas. Lahat ng mga paninirang puri ay matatagpuan doon. Ako ay siniraan ng personal sa maraming pagkakataon sa internet.
At ang mga ito ay magpipisa ng karagdagang itlog na maging ahas. Isang desenteng babae ang nasungkit at kumuha ng selfie ng kanyang sarili at ipino-post ito sa web – mga ahas na napisa.
Nakakasagwang bagay upang talakayin ngunit ito ay isang pagbubunyag. Kaya mga magulang, kung mayroong kailangang kayong bantayan ay ang inyong mga anak, bantayan kung paano nila ginagamit ang kanilang mga gadgets.
Nakakamatay na pag-klik sa “Ipinagbawal na Prutas”
Bawat panahon na ang tao ay tumatanaw sa isang pinagbawal na bagay sa internet, napuputol ang koneksyon niya sa Dakilang Ama. Isang klik na tutungo sa isa pa hanggang sa siya ay lubusan nang naputol mula sa espirituwal na relasyon.
Pinagbawal na Prutas
Nagklik kayo sa internet. Tiningnan ninyo ito. Sa kalaunan ay may isang nagpop-up – ang pinagbawal na prutas! Nagsimulang manginig ang inyong mga kamay at si Satanas ay bumubulong, “Sige! Maganda ito!”
At kapag kini-klik ninyo iyan, nagsimula kayong kumain! Ang inyong kaluluwa ay namamatay. Maya-maya ay kayo ay isang adik, Kayo ay napariwara. At kapag kayo ay dumating dito, kayo ay isang katawan na walang kaluluwa. Kapag nakinig kayo sa akin, ang inyong mata ay walang kabuhay-buhay.
Hindi na ninyo maintindihan ang aking lengguwahe dahil kayo ay nakain na ng ahas. Iyan ang ahas na nasa internet.
Anong sinasabi ng Gene-sis 3: 3-5?
Genesis 3:3-5
(3) Datapuwa’t sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hipuin, baka kayo’y mamatay.
(4) At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay
(5) Sapagka’t talastas ng Dios na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.
Sa araw na i-klik niyo ‘yan, kayo ay mamamatay
“Alam ng Panginoon na hindi kayo mamamatay, ngunit kayo ay magiging mga panginooon na kagaya niya na nakakakilala ng mabuti at masama.” Iyan si Satanas na si Lucifer ang demonyo.
Mga Kingdom Citizens, patibayin ang inyong mala-yang pagpili. Piliin ang siyang mabuti.
Ngunit kapag kayo ay hinog na kagaya ko, maaari ninyong makaharap ang mismong demonyo at walang mangyayari sa inyo. Ngunit para sa lahat na hilaw pa, at ang inyong buhay espirituwal ay nasa sanggol pa lamang, huwag kailanman makuha sa mga ganyan. Mga magulang, kapag ang inyong mga anak ay bata pa, sa pisikal o sa espirituwal, huwag silang bigyan ng gadgets. Mapariwara sila sa internet. Sa kalaunan, hindi na ninyo sila anak dahil sila ay naging anak na ni Satanas.
Mga magulang kahit sa labas ng Bansang Kaharian, makinig sa akin. Ang mundong ito ay puno ng mga panganib. Ang mundong ito na ating tinitirhan ay isang nakapipinsalang mundo. Ito ang mundo na kung saan ang bawat tao, bawat isa, ay nagnanais ng inyong kaluluwa at ang may akda nito ay ang demonyo mismo. At gagawa siya ng bagay na nakakaakit sa inyo upang kayo ay masira.
Ang internet ay nakakaakit. Kung nakakabagot ang internet, walang sinumang titingin dito ngunit bakit narito lahat ng mga adik? Dahil ito ay nakakatawag pansin.
Ito ang uri ng mundo na ginagalawan natin. Ang aking pangunahing kaaway, si Satanas na si Lucifer ang demonyo, ay gumagamit ng napakaraming kasangkapan upang hatakin ang inyong atensyon at gawin kayong maging adik sa ga-nyang atensyon. Mga Kingdom Citizens, alam ninyo ‘yan lahat.
Ang pangangalunya sa espiritu ay napakasama
Sa ating isipan ay nakahimlay ang Holy of Holiest. Dito sa ating ulo ay ang Holy of Holiest. Lahat ay nangyayari dito. Kaya nais ng demonyo na makapasok sa Holy of Holiest, ang inyong utak, at gagawin niya itong sariling tirahan, at magdulot ng napakaraming itlog ng mga ahas sa utak. Diyan naroroon ng inyong kaluluwa.
Kapag ang tao ay tumatanaw sa pinagbawal na larawan, ang larawan ay itinanim sa isipan sa film ng utak, na kagaya mismo sa pagtayo ng idolo sa loob sa pinakabanal na lugar. Kapag nadungisan ang utak, nadungisan na rin ang kaluluwa, at ang tao ay naging malayo mula sa kanyang Tagapaglikha. Ang espiritu ng katuwiran ay tumakas mula sa taong iyan, dahil ang kabanalan at ang karumihan ay hindi maaaring namamalagi na magkasama.
Kaya huwag mangangalunya sa demonyo sa espiritu, Huwag hayaang ang karumihan ng gadgets ay pumasok sa inyong utak at kayo ay maadik dito dahil kapag ginawa ninyo iyan, hindi na ninyo kaharap ang gadget, kaharap ninyo ang espiritu – ito ang espiritu ni Satanas na si Lucifer ang demonyo, na nakipangalunya sa inyong kaluluwa upang dungisan kayo at ilayo kayo mula sa kalinisan at kapayakan ng Panginoon na siyang naglikha sa inyo upang kayo ay maging kagaya Niya.
2 Taga-Corinto 6: 14-16 ay nagsasabi,
(14) Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka’t anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? O anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?
(15) At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? O anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?
(16) At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? Sapagka’t tayo’y templo ng Dios na buhay, gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan.
(Itutuloy)