Ni: Rommel Placente
Walang nagawang pelikula last year si Bea Alonzo. Pero this year ay bumawi siya, mapapanood siya sa tatlong pelikula. Ang una na nga ay sa “Kasal,” mula sa Star Cinema. Ipinaliwanag ni Bea ang dahilan kung bakit hindi niya nagawang gumawa ng pelikula noong nakaraang taon.
Sabi ni Bea,”Because I was busy doing “A Love To Last” (ang seryeng pinagbidahan niya). Na-extend yung soap opera kaya po buong taon, yun lang ang pinagkaabalahan ko. And almost everyday po kaming nagti-taping, so wala po talagang room sa schedule ko to to do a film,”
Masaya na nakatrabaho ulit si Derek
Nakagawa na ng pelikula si Bea with Derek years ago. Una silang nagsama sa “One More Chance” (2007), na sinundan ng “And I Love You So” (2009), both from Star Cinema. How is it working with Derek again after so many years?
“It feels good na makatrabaho ulit si Derek,” sagot ni Bea.
“Kasi ewan ko, may iba sigurong chemistry, yun ang napi-feel ko at least, when doing a scene together. Parang napi-feel ko ang dali ng lahat, nagkakaintindihan kami. And nung napapanood ko sa monitor, pag preview, natutuwa ako. Sabi ko, nami-miss ko talaga si Derek sa isang Star Cinema movie. At lagi kong sinasabi sa past interviews ko, na si Derek is born to be a leading man. Kasi ang gwapo, oozing with sex appeal and he’s a good actor. Parang may mga tao talaga na ganyan, born to be an actor, to be a leading man.”
Working with Paulo
Si Paulo naman ay first time lang nakatrabaho sa pelikula ni Bea.
“First time naming magkatrabaho sa big screen. Iba rin, iba siya rito, iba ang binigay ni Paulo rito. Nakakatuwa kasi iba ang binigay niyang energy sa set.”
Si Bea ang sinasabi ng marami na new generation’s Movie Queen. At mula rin mismo sa dating binansagang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, sinabi niya na si Bea Alonzo ang Movie Queen ng kanyang henerasyon. At ang reaksyon ni Bea tungkol dito?
“Siyempre nakaka-flatter po pag naririnig ko. Pero para sa akin kasi marami namang queen, movie queen of this new generation. Nandiyan si Angel Locsin, si Angelica Panganiban. Pero of course, nakaka-flatter kasi sa totoo lang, first love ko talaga ang paggawa ng pelikula. Ito talaga yung medium na nai-enjoy ko talaga. So I guess, all I can say is thank you,”
Ang isa pang pelikula ni Bea na natapos niya ng gawin ay ang horror na “Eerie”, na kasama niya rito sa unang pagkakataon si Charo Santos-Concio. Mula ito sa direction ni Mikhail Red. Ang Eerie ay co-production ng Pelikula Red at Media East, at idi-distribute ng Star Cinema.
Bukod sa unang pagsasama sa pelikula nina Bea at Charo, ito rin ang kauna-unahang horror film ng aktres. Excited si Bea na nagkuwento tungkol sa first horror film niya.
First time sa horror movie
“Ay siyempre excited ako, kasi nga ito ang first time na nakagawa ako ng horror film, sa tagal ko sa showbiz. At natutuwa ako na nakatrabaho ko si Ms. Charo. I’m really overwhelmed.”
“I feel so blessed and I am so grateful na sa puntong ito ng buhay ko, nagdadatingan ang mga dati kong pinangarap. I’m very, very grateful.”
Aminado naman si Bea na natatakot siyang manood ng horror movies, pero heto at may natapos nga siyang ganitong tema ng pelikula.
“Di naman sa di fan, it’s just I’m so scared to watch.
“I’ve seen The Exorcism of Emily Rose, The Ring, it takes a lot of courage for me to watch.
“Unlike yung iba na ‘Ay masaya ito,’ I have to think about it nang matagal bago ako manood.
“Pero sabi nga nila, do something that scares you and this project scares me a lot. This project scares me.”
Malapit na ring simulan ni Bea ang pelikulang pagsasamahan naman nila ni Aga Mulach, mula pa rin sa Star Cinema.
“I will be working with Kuya Aga and Paul Soriano. Itong pelikula naman na ‹to will be shot in Canada, totally different characters.
“Yun na nga sinasabi ko, overwhelming yung blessings. “Gusto kong i-enjoy, to live in the moment”.
“Ayoko na maunahan ng kaba or maunahan ng pressure, gusto ko lang i-enjoy every moment.
“Parang tumayming nga, I’m so hungry for opportunities like this.”