Imbes na baseball at soccer na karaniwang nilalahukan ng mga batang kalalakihan, iba ang sports na nais pasukin ni Kieran Behan, ito ay ang gymnastics. Simula pa noon, buo na ang kanyang loob na ito na ang pangarap na kanyang nais simulan.
Para sa paslit na si Kieran, malinaw na sa kanya kung hanggang saan siya maaring dalhin ng tagumpay at husay. At upang marating ito gumugugol siya ng maraming oras para magsanay. Walang tigil sa pagsailalim sa routines si Kieiran upang mas mapalawak ang kanyang kakayahan, hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan.
Pagsubok sa batang atleta
Noong sampung taong gulang si Kieran ay nadiskubre ang lumalaking tumor sa kanyang binti. Pagkatapos ng operasyon ay ilang buwan na nakawheelchair ang batang atleta, sa puntong iyon hindi pa malinaw kung isangdaang porsyento na makakabalik siya sa dating lakas at husay.
Sumailalim sa therapy session si Kieran para manumbalik ang lakas ng kanyang binti at balanse sa pagtayo. Makalipas ang 15 buwan, sa unang pagkakataon muling tumapak sa gym si Kieran para magsanay ng paunti-unti.
Napuno muli ng saya at sigla si Kieran nang muling maipagpatuloy ang kanyang pangarap, ngunit tila hindi pa tapos ang kapalaran sa pagsubok sa kanya.
“Freak Accident”
Pagtungtong ng 12 taong gulang, sa kasagsagan ng kanyang training sa high bar, nangyari ang isang ‘freak accident’. Tumama ang likod ng kanyang ulo sa apparatus habang ginagawa ang routine. Nagdulot ito ng matinding damage sa kanyang utak na nakakaapekto sa kanyang pagbalanse at paggalaw.
Labis na kalungkutan at pagkabigo ang naramdaman ni Kieran dahil kahit simpleng pag-upo at paglingon ay hirap miyang magawa. Alintana ng pasilit na unti-unting nilumpo ng kanyang kondisyon ang kanyang pangarap.
Sa unti-unting pagsuko ni Kieran, hindi naman tumigil ang kanyang pamilya na gawin ang lahat ng paraan para muling manumbalik ang kakayahan ng kanilang anak. Sinailalim nila si Kieran sa maraming therapy sessions at tinutukan ang pagpapabuti sa kalusugan ng anak.
Mahirap mang tanggapin ang sinapit ng anak, ginawa ng kanyang magulang ang lahat para muling makalakad at mapagpatuloy ng anak ang kanyang buhay at pangarap.
Tumigil sa pagtatrabaho ang ina ni Kieran na si Bernie Behan upang ibuhos ang kanyang atensyon sa recovery ng anak.
“He kept telling the doctors, ‘I can walk — tell them, Mom, that I can walk, I’d go to the car park and cry my eyes out, then walk back and say: ‘Yes, Kieran, you can do this. We can do this. I believe you, son,’” kwento ni Bernie. Dagdag niya wala pang mas sasakit pa sa makita ang anak na nagdudusa. Makalipas ng dalawang taon, namumbalik ang eye at hand coordination ni Kieran, kinagulat naman ito ng mga doktor at binansagan siyang “miracle boy”.
Nagtuloy-tuloy ang recovery ni Kieran, habang patuloy din sa paghahanap ng pantus-tos ang kanyang magulang, pinagsabay-sabay nila ang pagbebenta ng pastries, candies at pagpasok sa car wash business para mairaos ang recovery expenses ng anak.
Pagbalik sa pangarap
Matapos nakatanggap ng go signal sa doktor na maari na muli sumabak sa gym si Kieran, hindi na muli pinalampas ng atleta ang pagkakataon na muling magpahagis-hagis sa ere at liparin ang kanyang pangarap.
At noong 22 gulang siya,0 sumabak ito sa Gymnast World Cup at nag-uwi ng tatlong medalya, isa dito ang gintong medalya na kauna-unahang nasungkit ng Ireland sa larangan ng gymnastics.
Naging daan din ang kanyang pagkapanalo para marating ang London Summer Olympics.
“I felt like I was in a fairy tale when I got here, all I could think about was: ‘Is this a dream? Tell me this really happening.’ ”
Inuwi ni Kieran ang gold medal sa category ng vault, the horizontal bar at floor exercise. Hindi lamang ‘yon dahil walang kaalam-alam si Kieran na umukit siya sa kasaysayan ng sports ng gymnastics bilang pangalawang Irish gymnast na nakapasok sa Olympic games.
“To think years and years ago I was told ‘you’re never going to be able to walk again let alone do gymnastics’ to find out I’m going to the Olympic Games is something that dreams are made of. To come from all that and everything that’s happened with injuries I’ve got the luck of the Irish on my side most definitely.”
“I wouldn’t be here now if it wasn’t for my friends and family and coaches and everyone who has stuck around and been there supporting me,” pahayag ni Kieran na walang pagsidlan ang kasiyahan.
“I think it’s probably just in my blood, of this astounding resiliency. I was just born to do this.”