Ni: Aileen Lor
IKAW ba ay mahilig o nahihilig sa mga latest gadgets ngunit walang sapat na budget o cash para makabili nito? Huwag mangamba dahil narito ang plan na tiyak na swak sa iyong budget at masisigurado mong mapapasaiyo ang gadget na inaasam-asam sa pamamagitan ng Layaway Plan. Ngunit, ano nga ba ang Layaway Plan na usong-uso ngayon lalung-lalo na sa mga social media sites? Alamin kung paano makaka-avail nito.
ANG SIMULA NG LAYAWAY
Taong 1930 nagsimula ang Layaway service o plan sa bansang Amerika. Hindi na-ging madali ang pag-usbong ng Layaway Plan sapagkat natatabunan o nabawasan na ang mga gumagamit ng credit cards, kaya naipahinto ang paggamit ng Layaway Plan noong taong 1980s. Samantala, ang KMart naman sa United States ang tinaguriang pinakamatagal na Layaway provider na tumagal ng halos apatnapung taon. Kabilang din ang mga nag-lalakihang negosyo gaya ng Toys “R” Us, Burlington Coat Factory, Marshalls, Sears, and T.J. Maxx ang ilan sa mga gumamit ng Layaway Plan. Sa Canada naman, gumamit din ang ilang mga Jewellery store at bike shops ng ganitong serbisyo.
Marami ang naengganyo sa paggamit ng Layaway dahil bukod sa wala itong interest gaya ng paggamit sa credit card, ay hindi rin nagbabago ang presyo nito.
LAYAWAY SA PILIPINAS
Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging madiskarte sa buhay. Kaya naman kahit pa ikaw ay nagtatrabaho bilang construction worker, nagtitinda ng fishball, quial egg sa tabi-tabi ay pwede ka ng magkaroon ng gadget na iyong ninanais. Sa Pilipinas, nauuso na ang Layaway Plan. May mga naglipanang mga online shops na nag- ooffer ng ganitong plan. Kagaya na lamang ng isang Iphone seller sa instagram na may account name na sellphonesph.
Nagsimula pa noong taong 2010 ang negosyong ito na magpahanggang ngayon ay patuloy na nagbibigay pag-asa sa mga customers uapang magkaroon ng gadgets na kanilang inaasam na maaaring mapasaiyo ang gadgets na inaasam.
Kadalasan sa binebenta dito ay mga Iphones at Samsung. Kapag oorder ka din ay may freebie din ito na free delivery, free tempered glass at casing.
Isa din ang online shop ni Ms. EC Sison na nag-ooffer ng Layaway Plan sa Pilipinas. Kadalasan naman na makikita sa kanyang online shop ay ang mga brands na Oppo at Samsung. Nagsimula ang ganitong uri ng kanyang negosyo taong 2016 na kasabay din ng kanyang online paluwagan.
Hindi maipagkakaila na tayong mga Pilipino ay mahirap magtiwala lalu pa’t online basis ito. Ngunit, hindi naman ito naging hadlang para maitaguyod o maipagpatuloy ni Sison ang ganitong negosyo. Mula noon hanggang ngayon, ay patuloy siyang nagkakaroon ng mga trusted customers dahil subok na ang kanilang tiwala dito.
MAGTIWALA, MAG LAYAWAY
Hindi madali ang pagkakaroon ng Online Layaway program, lalo na sa Pilipinas. Dahil gaya din ito ng ibang online shops, marami ang tinatawag na “joy reserver” o mga taong nagpapareserve pero sa kalaunan ay hindi na tinutuloy ang nasimulan. Kaya naman, wala ng ibang options ang mga sellers kundi ang ibenta na lamang ulit ang item na pinareserve sa ibang customers na mas deserving nito.
Ayon kay Sison, ang kanyang Layaway plan ay nag-rerequire lamang ng P500, para mapareserve ang naturang items.
“P500 po down payment for Layaway para ma-reserved ang item hanggang matapos ang hulugan”, ayon kay Sison.
Ang isang kagandahan sa Layaway plan na nakikita ng mga customers ay wala itong interest na gaya ng credit cards kung gagamitin mo itong pambili ng mga bagay na iyong gusto.
Samantala, sa sellphonesph naman ay P1, 000 ang kanyang reservation fee at walang deadline as long as ikaw ay naghuhulog, magiging okay ang lahat. Kadalasan na binebenta sa sellphonesph ay mga Iphones at Samsung brands na gadgets. Dahil mahirap at hindi madali ang online layaway, bilang pagpapakita ng appreciation sa kanilang customers, kanya-kanyang pakulo ang mga sellers gaya ni Sison.
Nagpaparaffle siya ng mga gamit na available sa kanyang shops, gaya ng linoleum, unan at marami pang iba. Pero, para makapag-reserve ka ng slots mo ay magbabayad ka ng amount na itinakda ng seller. Ganun din naman ang ginagawa ng sellphonesph.
Gayunpaman, kahit ano pa man ang iyong negosyo ay ibayong pag-iingat pa rin ang nararapat na pairalin. Bago maglabas ng perang iyong pinaghirapan, kailangan ng masusing pagreresearch kung legit o scam ang ganitong uri ng negosyo. Dahil pagod, puyat at pagtitiyaga ang puhunan mo para makapag-ipon at makuha ang inaasam na bagay.