PINAS

Maja Salvador, pasok sa International Music

 

Ni: Melrose Manuel

MASAYA si Maja Salvador dahil unti-unti nang nabubuksan ang oportunidad nito at sa ilang mga Pinoy artist para mapasok sa International Music Industry.

Naungusan naman ng aktres ang mga kritiko nito dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na maka-duet ang sikat na Thai pop singer na si Tor Saksit sa kantang “Falling for You”.