Pinas News
HINDI na itutuloy ni US President Donald Trump ang nakatakda sanang pagpupulong nito kay North Korean Leader Kim Jong-un.
Nakatakda sana sa Hunyo 12 ang Trump-Kim Summit na gaganapin sa bansang Singapore.
Dahil sa masamang mga pahayag ng North Korea sa Estados Unidos dahilan upang kansekahin ni Trump ang makasaysayan sanang pagpupulong ng dalawang bansa.
Tila nagbabala naman si Trump ng sabihin nito na nakahanda ang kanilang military sakaling gumawa ng di kaaya-aya ang North Korea.
Nagbigay naman agad ng reaksyon ang North Korea sa naging hakbang ni Pres. Trump.
Ayon kay North Korean Vice Foreign Minister Kim Kye Gwan bukas pa rin ang kanilang bansa na matuloy ang Trump-Kim Summit.
“We even inwardly hoped that what is called “Trump Formula” would help clear both sides of their worries and comply with the requirements of our side and would be a wise way of substantial effect for settling the issue.” – North Korean Vice Foreign Minister Kim Kye Gwan
South Korea at Singapore, nanghinayang sa pagkaunsyami ng Trump-Kim Summit
Nagpahayag naman ng pagkahinayang si South Korean President Moon Jae-In sa pangyayari.
Magugunitang isa ang South Korea sa tumutlong para matuloy ang summit.
“It is very regretful and disconcerting that the US-NK Summit will not happen as planned.” – Pres. Moon Jae-In, South Korea
Maging ang Singapore, kung saan sana gagawin ang summit ay nagpahayag din ng panghihinayang at umaaasa na ito ay matutuloy pa rin sa hinaharap.
“Singapore hopes that the dialogue and efforts to find lasting peace and stability on the Korean peninsula will continue.” – Singapore Ministry of Foreign Affairs
Tila kinampihan naman ni Russian President Vladimir Putin ang North Korea sa pangyayari.
“Kim Jong-un on his part did everything he promised to do, even blew up some tunnels on their sites and after this we hear the us is canceling the meeting.” – Pres. Vladimir Putin, Russia