PINAS

Proposal ni Luis Manzano kay Jessy, abangan

Ni: Melrose Manuel

HINIHINTAY ng marami ang gagawing proposal ni Luis Manzano kay Jessy Mendiola dahil naging matunog ang espekulasyon tungkol sa magkasintahan makaraang nagsama-sama ang buong pamilya ni Luis noong birthday nito.

Waiting for the perfect time daw umano ang dalawa. Sinabi ni Jessy na wala pang naganap na proposal sa kanila pero ready set go naman na siya para rito at naghihintay nalang siya sa magiging moves ng partner para rito.

May assurance naman daw na ibinigay si Luis kay Jessy about proposal and sure na daw ito na sa kanya magpropose. Sigurado na din si Jessy na si Luis ang kanyang maging groom to be.