• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Tokhang vs Wang wang

May 18, 2018 by Pinas News


Ni: Quincy Joel Cahilig

Bukod sa mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot, pwede na rin ma-”tokhang” ang mga pasaway na motorista.

Inanunsyo ng Philippine National Police Highway Patrol Group (HPG) ang muling paglulunsad ng kampanya na magdidisiplina sa mga moto-ristang iligal na gumagamit ng emergency blinkers at sirena o “wang wang” upang makapanlamang sa pagmamaneho sa kalsada. Ito ang “Oplan Tokhang vs. Wang-wang”.

Sa ilalim ng naturang kampanya, gagawin ng pulisya ang pamamaraan ng kampanya kontra droga na “Oplan Tokhang” kung saan sila ay magbabahay-bahay para sitahin ang pasaway na motorista at pakiusapan na isuko ang wang-wang nito.

Ayon sa hepe ng PNP-HPG na si Chief Supt. Arnel Esco-bal, ang naturang hakbangin ay bahagi ng kanilang programa na “Oplan Disiplinado Driver”, na naglalayong ipa-laganap ang disiplina sa mga motorista para mapababa ang bilang ng mga aksidente sa mga lansangan na isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng maraming Pilipino.

“Lahat ng maire-report sa amin at lahat ng makikita ng aming operatives, on the spot ginamit ang illegal sirens, we will immediately apprehend,” wika ni Escobal.

Tatanggapin din ng PNP-HPG ang mga sumbong ng mga concerned citizens sa pamamagitan ng kanilang hotline 744-4474, na ibe-beripika nila sa Land Transportation Office (LTO) ayon kay Escobal.

“Pupuntahan namin sa kanilang bahay, kakatukin namin na kung puwede i-surrender nila ‘yung kanilang wang-wang. If not, aabangan namin sila sa labas. ‘Pag lumabas, we will apprehend so better na tanggalin nila so they will not be inconvenienced anymore,” aniya.

Ayon naman kay PNP Chief Oscar Albayalde, makikipagtulungan ang PNP sa LTO upang bantayan ang sasakyan na may nakaka-kabit na di otorisadong sirena at ilaw.

“Nakikita natin na naabuso talaga itong mga wang wang at naiinis na rin ang ating mga kababayan,” aniya.

Wika pa ni Albayalde, pinagbabawalan naman talaga ng batas ang mga motorista na gumamit ng wang wang, nguni’t hindi ito mahigpit na naipatupad sa mga nakalipas na taon. Kaya ngayon magiging mas istrikto na ang PNP-HPG sa paghuli sa mga pasaway na motorista.

Nitong Marso lang, libu-libong LED Lights, sirens, blinkers at iba pang illegal accessories ng sasakyan ang nakumpiska ng PNP-HPG, na pinagsisira sa Camp Crame sa pamamagitan ng bulldozer.

Subalit aminado ang ahensya na kulang sila sa tao sa ngayon at mangangailangan pa ang PNP-HPG ng karagdagang 7,000 personnel upang lubusang maipatupad ang kanilang mandato, na sa kasalukuyan ay isinasagawa ng nasa 1,500 tao.

Wakasan ang Utak Wang Wang

Bago ang paglulunsad ng “Oplan Tokhang vs. Wang-wang”, una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy niya ang “no wang wang” policy na sinimulan ni dating Pangulong Noynoy Aquino III.

Nakakatanggap kasi ng ulat ang Pangulong Duterte na may mga pulitiko, kawani ng gobyerno, at mga pribadong indibidwal na gumagamit ng wang wang para makalusot sa trapik.

“Ngayon sabi nila na ano bumabalik na daw ‘yung siren, there is an order … kay Aquino pa ‘yan, and I’d like to maintain that policy. Lalo na taga-gobyerno kayo,” wika ng Pangulo sa kaniyang talumpati sa pamamahagi ng mga titulo ng lupain sa mga magsasaka sa Mulanay, Quezon kamakailan.

Nakasaad sa batas na ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines, PNP, National Bureau of Investigation, LTO, fire engines na gamit ng mga bumbero, at mga ambulansya lamang ang pwedeng gumamit ng wang wang.

Sa mga opisyal naman ng gobyerno, tanging ang Pa-ngulo, Pangalawang Pangulo, Pangulo ng Senado, at Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang maaaring gumamit ng wang wang.

Noong 1973, ay ibinaba ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Presidential Decree 96 na ipinagbabawal ang hindi awtorisadong paggamit ng sirena, kampana, pito, busina, at iba pang mga paingay na ikinakabit sa mga sasakyan.

Sa pag-upo sa pwesto ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong 2010, isa sa mga una niyang inanunsyo ang pagbabawal sa paggamit ng wang wang, na simbulo umano ng mentalidad ng ilang opisyal ng gobyerno na gamitin ang kanilang kapangyarihan upang makakuha ng pabor. At kahit siya mismo ay hindi gumamit nito sa pagbyahe sa mga lansangan.

Lagot ang mga abusado

Ang pagbabawal sa paggamit ng wang-wang ay, marahil, simpleng batas lamang sa tingin ng ilan ngunit masasabi na isa itong pagpapakita ng sinseridad na kitilin ang mga binhi ng pang-aabuso at kurapsyon sa gobyerno, bagay na ginagawa ni Pangulong Duterte.

Sa katunayan, nasa 16 na mga opisyal ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ang kaniyang sinibak sa pwesto sa mga nakalipas na buwan dahil sa mga alegasyon ng misconduct at kurapsyon, gaya ng “junketeering” o ang labis na paggastos sa mga di mga pagbiyahe  gamit ang pera ng bayan.

Kung si Pangulong Duterte ang tatanungin, mas gugustuhin umano niya na magbitiw na lamang sa pwesto ang sinomang kurap na opisyal kaysa pahiyain ang mga ito sa publiko. Aniya, ang pagsugpo sa kurapsyon ang isa sa mga pangakong kanyang binitawan, na inaasahan ng taumbayan na kanyang tutuparin.

 “I was the only one car-rying the message that was appropriate at that time: corruption, drugs. I won’t hold back on that, my God. If you are into corruption, just leave. I’ll give you time. For those who are into it now, in go-vernment, published or otherwise, may you have the sense just to tender the resignation,” wika ng Pangulo sa isang pagtitipon ng mga guro sa Davao City.

Ayon sa Pangulo, ayaw niya na magpahiya ng mga kurap na opisyal dahil iniisip din niya ang kanilang mga pamilya.

“There was this one guy that I fired. When I started to read the report, (I learned that) he has children who are lawyers,” wika niya.

Nguni’t nagbabala siya sa mga tiwaling opisyal na hindi niya kukunsitihin ang mga maling gawain sa ilalim ng kanyang administrasyon upang luminis ang imahe ng gobyerno tungo sa progreso ng bansa.

“I said corruption, drugs, they are not allowed. I cannot tolerate that… You leave. You will really die. You will really die,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Related posts:

  • Abot-kayang presyo ng bigas para sa Pinoy
  • Media workers, protektado ng Duterte admin
  • Gaano kasiguro ang employment situation sa Pinas?
  • Sa pagpasok ng 3rd Telco, lahat panalo
  • Dapat na bang gawing legal ang marijuana?

Pambansa Slider Ticker Armed Forces of the Philippines Chief Supt. Arnel Esco-bal Ferdinand Marcos Land Transportation Office (LTO) Mulanay Quezon Noynoy Aquino III Oplan Disiplinado Driver PINAS PNP Chief Oscar Albayalde PNP-HPG Quincy Joel Cahilig Tokhang Wang wang

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.