PINAS

Derrick Monasterio, inspirado sa trabaho

Ni: Wally Peralta

NGAYONG taon ay hindi akalain ni Derrick Monasterio ang biglang pagbulusok ng kanyang showbiz career. Taon 2016 nang mabigyan ng pagkakataon na maging leading man sa isang proyekto ng GMA-7 si Derrick, sa comedy show na “Tsuper Hero”  na nasundan ng “Mulawin  Vs Ravena” last 2017. Pero ngayong taon ay nagfullblast ang kanyang karir. Sunod-sunod ang na­ging projects ni Derrick sa first quarter month of the year pa lang. Andiyan ang movies, magazine cover, concert, ang bago niyang teleserye na humataw ng husto sa ratings sa first day of airing nito, ang “Inday Will Always Love You” nila ni Barbie Forteza.

“Salamant sa Itaas and feeling blessed talaga ako,” ang masayang bungad ni Derrick.

“Hindi ko po akalain na magkakasunod-sunod ang mga offers sa akin. Anidyan yung movie namin ni Barbie na “Almost A Love Story”, a concert na naging successful, “Oh Boy, Oh Lol” kasama sina Jak Roberto, Rocco Nacino at Dave Bornea. Siyempre andun din ang nagbigay ng komedya na sina Super Tekla at Donita Nose.”

“First time ko rin po na magkaroon ng isang malaking billboard sa EDSA para sa isang clothing material.”

Loyalty remains

Ang ibang artista na nagsisimula pa lang kapag hindi nabibigyan ng magandang break ng kanyang mother network ay nag-oober da bakod para doon hanapin ang kanyang kapalaran sa showbiz. Dumating kaya sa punto ni Derrick noon na lumipat na sa kabilang istasyon gayung matagal-tagal din siyang hindi nabibigyan ng show pagkatapos noong ng “Tween Hearts” na ginawa niya last 2012 kasama sina Barbie at Bea Binene?

Habang kasagsagan naman ng karir nina Barbie at Bea, si Derrick noon ay bibihira nang mabigyan ng show sa GMA-7. Madalas ay guestings lang siya.

 “Hindi ko po naisip gawin yun.”

 “Basta ako naghintay lang talaga ng oportunidad na ibibigay sa akin.”

 “Habang waiting ako ay nagworkshop ako para mas mahasa pa ang aking acting tapos nag-gym para lumaki ang katawan.”

Daan sa tagumpay

Naging agaw-pansin na nga si Derrick nang mas lumaki ang kanyang katawan, mas lalong naging sexy and hunk ang dating. Kaya nalinya na rin si Derrick sa mga sexy role. Kahit pa sabihin na comedy o drama ang kanyang ginagawa ay may halong kaseksihan ni Derrick. Tulad na lang sa bago niyang teleserye na “Inday Will Always Love You”?

“Ha ha ha ha. Hindi naman po pinilit lang na basta lang maghubad ako ng damit at ipakita ang aking katawan.”

“Sa eksena, natapunan ni Barbie Forteza ng sauce ng lechon ang damit ko, so I had to take it off.”

“Hindi ko naman ginawa yun just for the heck of it.”

Hindi naman kaya naiilang si Derrick pag tuwina ay pinaghuhubad siya ng damit o shirtless ang eksena niya?

“Hindi naman!”

“Anywhere I go now, parang ini-expect na nga nila na laging tatanggalin ko ang shirt ko, ha ha ha ha.”

“Anyway, naghihirap ako sa gym to get this kind of well-toned body, so okay lang ipakita ko sa harap ng kamera ang fruits of my hard work.”

“Tulad na rin doon sa Bench billboard ko sa EDSA, kung saan ay nasa kayak ako may hawak na sagwan and shirtless.”

Karangalan masampal

Acting wise naman ay hindi rin nagpapahuli si Derrick sa kanyang mga co-actors sa bago niyang teleserye lalo na sa magaling na aktres  na kasama niya na si Gladys Reyes. May eksena pa nga silang dalawa na kung saan ay dumapo sa mukha niya ang isang matunog na sampal mula sa palad ni Gladys, hindi lang isang beses kundi dalawang magkasunod na makatotohanang sampal pa.

Ano naman kaya ang reaksyon ni Derrick sa masakit na sampal ni Gladys?

“Okay lang po.”

“Its part of my job and also an honor na masampal ako ng isang magaling na aktres. Isang magaling na kontrabida at isa sa hinahangaan kong artista  si Ms. Gladys.”

“I knew na totohanin ni Ate Gladys ang sampal but kahit pala prepared na ako, eh masakit pa rin, ha ha ha ha.”

Lalaban ng aktingan

Hindi rin kaila kay Derrick na pawang mga award winning actors na ang kasama niya tulad nina Barbie at Gladys, siya ay wala pang acting award na napapanalunan.

“I’m really working hard para sa karir ko. Gusto kong magtagal sa bisnis.”

“Kailangan ibigay ko ang lahat ng makakaya ko, ang best ko. Wala akong choice kundi galingan pa talaga ng husto. Magagaling sila, kasama pa si Tito Ricky Davao. Sa sobrang galing nila ay ayoko naman mapag-iwanan nila ako pagdating ng mga eksena namin.”

“Lagi kong binibigay ang best ko pagdating sa acting ayoko naman kasing ‘lamunin’ ako sa aktingan ng aking mga co-stars.”

Walang dapat kainsekyuran

Hindi na rin naman lingid sa kaalaman ng marami na minsan ay niligawan ni Derrick si Barbie, hindi lang isang beses kundi dalawang beses pa. Pero nauwi rin sa friendship ang panliligaw niya. Mga teenager pa sila noon, pero iba na ngayon, mas matured na silang dalawa. Ang kaibahan lang, may syota ngayon si Barbie, si Jak Roberto samantalang loveless pa rin si Derrick.

Hindi kaya maging mitsa ng selosan sa pagitan nina Jak at Barbie ang madalas na pagsasama nila ni Barbie?

“Walang dapat ikabahala si Jak!”

“Kasi he knows na he can trust me and his girlfriend will be in good hands!” ang pagtatapos pang say ni Derrick.