ANG huling pagsusulit bago ang gloripikasyon ay ang paglipol sa laman.
1 Mga Taga-Corinto 15:24-26
(24) Kung magkagayo’y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaha-rian ng Dios, sa makatuwid baga’y sa Ama; pakalilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.
(25) Sapagka’t kinakailangang siya’y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway.
(26) Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan. Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan. Gloripikasyon.
ANG GLORIPIKASYON AY MANGYAYARI
Sinabi ko na sa inyo kung paano ito mangyayari, saan ito mangyayari, kailan ito mangyayari. Isa lamang ang kulang, ang taon.
Alam ko ang araw na magloripika ako – Abril 25
Saan? Sa Tamayong.
Paano? Sasaluhin ako ng mga ulap.
Anong taon? Iyan ang hindi ko alam. Kaya anoman ang nasasabi ay matutupad, “Kahit na siya ang Anak, hindi niya alam ang oras, hindi niya alam ang taon.” Kahit na ganun paman ay inihayag ito sa akin. Dati hindi ko alam ang petsa. Hindi ko alam ang buwan at ang araw. Naging mabuti ang Ama sa akin dahil lagi ko Siyang tinatanong, “Ama, kailan kaya ito? Kailan ang nakatakdang taon Ama? Kung maaari po sana Ama.” Ang Ama ay hindi na sumagot. Siguro magising nalang ako isang araw na matagpuan na natagumpayan na ang kamatayan. Ako ay nagloripika. Ang Ama ay nagsabi, “Nga-yong araw, nakita mo ba ‘yan? Iyan ang araw. Hindi kita sinagot, ngunit iyan ang aking sagot.”
Sino ang aking sasabihan kapag ako ay nagloripika na? Walang sinuman. Walang akong sasabihan na kahit sinuman.
ANG LAHAT NG KAPANGYARIHAN AY SASAILALIM SA ANAK
Kaya, narito tayo ngayon, at nais sa atin ng Ama na makaahon tayo sa ating Jordan, sa ating Jericho, sa ating Kitbog, sa ating Tamayong, patungo sa espirituwal na paglago dahil diyan tayo papunta. Nais ‘yan pigilan ni Satanas na si Lucifer ang demonyo. Nais niyang maantala ito. Nais niyang pigilin ito ngunit hindi niya magagawa dahil ito ay nangyari na.
Ang Ama ay magpapatuloy sa Kanyang huling plano ng paggawa ng Kanyang Kalooban sa sanlibutan nga-yon. Alalahanin, Abril 13, 2005 ay ang simula ng Paghahari ng Ama sa pamamagitan ng Kanyang Hinirang na Anak.
1 Taga-Corinto 15:54-56
(54) Datapuwa’t pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan. Iyan ang panahon na sasabihin natin,
(55) Saan naroroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?
(56) Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan.
Kapag iyan ay mangyayari, ang katawang nagloripika ay mamamahala sa sanlibutang ito ng isang libong taon, at ito ay nagsimula Abril 13, 2005.
Ang lahat ng kapangyarihan dito sa sanlibutan – politikal, ekonomikal at relihiyon ay mawawala; ang lahat ay mahuhulog. Ang politikal at ekonomikal na kapangyarihan ay sasailalim sa kapangyarihan ng Anak. Mayroon lamang isang batas sa buong mundo. Ang batas na meron tayo dito sa Kaharian ay magiging batas sa buong mundo.
Ang Ama sa pamamagitan ng Anak ang maghahari. Mga mananampalataya sa relihiyon at denominasyon, hindi ninyo makikita si Jesus Christ; tanging ang Anak lamang ang maaaring makakita sa Kanya, ang Anak na siyang Kanyang ginagamit at kungsaan Siya ay nananahan ay mamamahala sa buong mundo. Nakikita ninyo ito. Kahit na hindi pa ako na gloripika, nasasaksihan ninyo ang pamamahala ng Ama dito sa sanlibutan. Ito ay mabuti. Walang kasakiman, walang katakawan at walang sariling personal na interes. Lahat ng ito ay para sa interes ng pagluwalhati sa Ama para sa kapakanan ng sangkatauhan. Ito ang orihinal na plano ng Ama nang nilikha niya ang tao.
Kung hindi lamang nagkasala sina Adan at Eba, mapapareho sana sila sa akin ngayon. Lahat ng tao sa mundo, ang pitong bilyon, may parehong kaisipan kagaya ng sa akin. Isipin niyo iyan. At ang kanilang batas ay pareho ng sa mga batas ng Kaharian – ibigin ang bawat isa. At kapag ang bawat isa ay gumaganap sa Kalooban ng Ama, may mananatili pa bang digmaan? May mananatili pa bang karukhaan? Walang mananatili.
Ang Hinirang na Anak ng Panginoon ay magwawakas sa karukhaan hindi lamang sa Pilipinas ngunit sa buong mundo, saanman ito matatagpuan.
NARITO ANG HINIRANG NA ANAK UPANG TULIGSAIN AT LUPIGIN ANG LAMAN
Juan 1: 14
At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan Mga Taga-Romans 8:3 Sapagka’t ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan:
Juan 8: 34-36 (34)
Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan.
(35) At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpa-kailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man.
(36) Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo’y magiging tunay na laya.
Kaya dinadala ko kayong lahat sa ikatlong “S” – Mga anak na lalaki at anak na babae. Kaya tayo ay malaya sa pagsunod sa Kanyang kalooban. Isipin na kayo ay malaya na kagaya ko. Wala sinumang magtuturo na sa akin. Ako ay malaya na sa pagsunod sa Kalooban ng Ama kahit saan ako magpunta. Dito ko kayo dinadala –sa ikatlong antas ng paglago sa espiritu upang kayo ay magiging kagaya ko. Ako ang inyong modelo. Ako ang kaunahang natapos na produkto. Huwag tumuon sa ibang tao. Tumuon lamang sa akin. Ako ang modelo sa lahat ng bagay.n
(Wakas)