Pinas News
KUNG nais ng ating pamahalaan na hindi mapag-iwanan sa lumalakas na ekonomiya ng mga karatig bansa sa Asya ay dapat na magkaroon ito ng political will na maipatupad ang kamakailan lang na nilagdaan na Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business Act.
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang batas upang makatulong ito na maiwasan ng mga mamamayang nais mag-renew o magtayo ng negosyo sa bansa mula sa hindi matiis na mahabang paghihintay at pagpila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Paiiksiin ng bagong batas ang processing time ng mga government agencies at ng state owned and controlled corporation ng tatlong araw para sa mga simpleng tran-saksyon, pitong araw para sa complex transaction habang 20 araw naman para sa highly technical transactions.
Sa naturang batas ay ipa-tutupad ng lahat ng local government units (LGUs) na gumawa ng isang unified business application form para sa maraming proseso ng pag-isyu ng mga permit, clearance at iba pang uri ng otorisasyon at magtayo ng one-stop-shops upang mabilis ang aplikasyon ng business permits.
Magkakaroon din ng Phi-lippine Business Databank na magbigay sa mga LGUs at mga national agency na magkaroon ng access sa impormasyon upang i-verify ang data ng mga negosyo.
At marami pa ang napapaloob sa batas na malaking tulong upang mapabilis ang pro-seso ng pag-renew at pagtayo ng negosyo na napapanahon na talagang maisakatuparan.
Ayon sa ulat ng World Bank, bumaba ang antas ng Pilipinas nakaraang taon sa ease of doing business na pumuwesto sa ika-113 mula sa ika-99 noong 2016. Kamakailan lang din ay naipaulat na pang-50 ang Pilipinas sa 63 bilang ng ekonomiya sa mundo sa World Competitiveness Yearbook (WYC) ranking ng International Institute of Management Development (IMD) mula sa ika-41 nakaraang taon.
Bunsod na rin siguro ito upang tuluyan nang ipasa ang naturang batas.
Kapag ang batas ay mai-patutupad at hindi hanggang sa paglagda lamang, malaking tsansang maraming mga fo-reign investment ang papasok sa bansa.
Isa na rin sa naging hadlang para sa mga foreign investor na pumasok sa bansa ay ang napakaraming proseso ng business registration na nagpapabagal sa lakaran maliban pa sa bureaucratic red tape, mga pagpapaliban, mataas na gastos ng pagproseso at kurap-syon kaya naman ay umiiwas ang mga may potensyal na mga mamuhunan sa bansa.
Nararapat na mabilis ang pag-implementa ng pamahalaan sa batas at kailangan lamang nito ang isang political will.