Mga Kingdom Citizens at sa lahat ng nakikinig sa akin at sumusunod sa aking mga mensahe sa buong mundo: tibayin ang inyong malayang pagpili.
Ang malayang pagpili ay ang imahe ng Panginoon sa tao na nagbibigay sa atin ng kapangyarihan upang maging Kanyang mga anak na lalaki at anak na babae. Palaging piliin ang pagsunod sa Kalooban ng Ama.
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay tatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Ang simbahan ba ay gusali, organisasyon ng relihiyon na nalalaman ninyo? Iyan ay maling kaalaman. Ang simbahan ay ang Hinirang na Anak. Ito ang katawan na sumusunod sa ulo.
Mga Taga-Roma 8:31
Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?
Lucas 10:18-19
(18) At sinabi niya sa kanila, Nakita ko si Satanas, na nahuhulog na gaya ng lintik, mula sa langit.
(19) Narito, binigyan ko kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa’y hindi kayo maaano.
Si Satanas ay natalo na. Wala na siyang kapangyarihan sa mga anak na lalaki at anak na babae ng Ama. Kung may kapangyarihan pa siya, hindi ako makapangaral ng kagaya sa paraan ng pangangaral ko ngayon. Kahit na ang Salita ng Hinirang na Anak at ang Kanyang Mensahe ng Pagsisisi ay hindi mapahintulutang mapakinggan. Sa layo ng sampung talampakan, si Satanas ay gagawa ng isang bagay laban sa akin, kapag may kapangyarihan siya. Ngunit tingnan ninyo, ako ay nasa buong mundo. Mayroong mga oposisyon at kahirapan ngunit walang silbi sila sa atin. Walang makapagpasira sa atin. Ang mensahe ng Hinirang na Anak ay sumisira sa lahat ng gawain ng demonyo saanman sila matatagpuan. Tayo ay nagtatayo ng mga sentinel ng liwanag saanman tayo tutungo.
DAIGIN ANG INYONG DIGMAAN
Kaya nga ang tunay na pagsusulit bago ang kaluwalhatian ay ang daigin ang laman.
Kapag kayo ay naglilingkod sa Ama kasama ko, sinusunod ninyo ang anumang aking sinabi. Kayo ay dadaan sa pamamagitan ng apoy. Hindi ako makadadaan sa apoy para sa inyo. Kaya mahalaga sa atin ang lumago sa espiritu. Ang iba ay hindi lumago sa espiritu. Nais nilang manatiling mga sanggol. Ito ang ibang porma ng adiksyon. Ito ay tinawag na Attention Deficiency Syndrome. Lagi silang naghahanap ng atensyon.
Kapag kayo ay lumago sa pagkagulang at nakumpleto kayo sa kaalaman sa katotohanan ng Mana ng Kapahayagan, hindi na ninyo kailangan ang atensyon. Kayo na ang magbibigay ng atensyon. Hindi na ninyo kailangan pang serbisyuhan, ngunit kayo na ang magbibigay ng serbisyo.
Kailangan ninyong daigin ang inyong digmaan dahil bawat isa sa atin ay may digmaang lalabanin. Ipinakita ko na sa inyo ang daan. Ako ang inyong tagaturo. Ako ang unang nanalo sa aking digmaan kaya ako ay naging modelo para sa inyong lahat. Kaya nga ako ay tinawag na Hinirang na Anak ng Panginoon.
Nais ko rin kayong maging hinirang na mga anak na lalaki at anak na babae ng Panginoon.
TATLONG KATEGORYANG NANINIRAHAN SA BAHAY NG PANGINOON
May tatlong katergorya lamang ang naninirahan sa Bahay ng Ama.
- Mga alipin. Noong unang panahon, tayo ay kagaya nito. Sinisilbihan lamang natin ang ating layunin sa buhay. Dati tayong mga alipin ni Satanas at hindi natin ito nalalaman. Hindi natin nalalaman ang Kalooban ng Ama. Kaya tayo ay alipin ng ating sariling kalooban. At iyan talaga ang tunay na pagkaalipin dahil kapag kayo ay mamamatay, tutungo kayo diretso sa impiyerno.
Tunay na kalayaan ang sa atin. Ngunit ito ang iniisip ng mga tao sa mundo, “Wala na kayong kalayaan sa Kaharian. Wala kayong kalayaan kagaya ng kalayaan na meron kami. Hindi na kayo makapagsigarilyo, hindi na kayo makapagdroga, hindi na kayo makararating sa mga lugar kungsaan naroroon ang pangangalunya, at mga bisyo.” Iyan ang tinatawag nilang kalayaan. Nilinlang sila ni Satanas. Iyan ang maling kalayaan. Iyan ay pagkakaalipin dahil kapag kayo ay mamamatay, tutungo kayo diretso sa impiyerno. Ang sa atin ay ang tunay na kalayaan–kalayaan sa paggawa sa Kalooban ng Ama.
Natural na lamang sa atin na hindi gagawin ang mga ganyang bagay. Iyan ang tinawag na tunay na kalayaan dahil kapag ginagawa ninyo ang Kalooban ng Ama, at kayo ay may kalayaan na gawin ito, kapag kayo ay mamamatay, kayo ay tutungo sa langit. Iyan ang tunay na kalayaan.
Kaya kapag ang mga tao ay pupunta rito, sasabihin nila, “Meron pa bang mga tao na kagaya ninyo dito sa sanlibutan?” May nagsasabi pa nga, “Ang inyong ugali ay wala sa sanlibutan ngunit pareho ng nasa langit.” Ang kanilang ibig sabihin talaga ay, “Dapat wala na kayo dito sa sanlibutan.”
Bakit tayo ay narito? Dahil ang Kaharian ng Langit ay dinala rito sa sanlibutan. Kung paano ang langit ay gayundin dito sa sanlibutan. “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang inyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.” (Mateo 6:10)
- Mga alila. Kapag kayo ay nagsisisi, kapag kayo ay nabinyagan, at kayo ay tumungo sa Kitbog at Tamayong, kapag kayo ay patuloy na tinuturuan patungkol sa Kalooban ng Dakilang Ama, kayo ay tinatawag na alila. Hindi na kayo alipin, kayo ay nasa loob ng bahay bilang alila.
Hangga’t kayo ay isang bata, kahit na kayo ay tagapagmana na kagaya ko, wala kayong pagkakaiba mula sa alila dahil kayo ay nasa ilalim ng mga tagaturo at mga gobernador. (Taga-Galacia 4:1-2)
Kapag ang itinalagang panahon ng Ama ay darating, at hindi kayo dumaan dito, hindi kayo tumalon mula sa kamatayan patungo sa pagkabuhay, hindi kayo lumago mula sa pagkamusmos patungo sa pagkagulang, kayo ay nasa panganib, kayo ay isang sanga na walang bunga. Kayo ay mapuputol. May panahon na itinalaga para sa inyo na lumago. Kapag dumating na ang panahon para sa inyo na lumago at hindi kayo lumundag sa pagkagulang, kayo ay nasa panganib.
Iwanan ang lahat ng mga bagay na parang bata. Ang inyong mga pag-aalburuto na parang bata, ang inyong paghahanap ng atensyon, ang inyong attention deficiency syndrome. Iwanan ninyo ang mga iyan, maging mature. Kahit na kayo ay binigyan ng atensyon o hindi, kapag ang inyong mga bunga ng espiritu sa loob ay naging ganap, kayo ay kontento.
Kapag kayo ay binigyan na ng lahat ng pagkakataon at ang Dakilang Ama ay walang nakukuhang anomang bagay na maganda sa inyo, kayo ay isasantabi. Kaya lahat ng bagay na ginawa ninyo rito, huwag aasahan na lahat ng ito ay mabuti, at hindi na kayo susubukan, patuloy na kayo ay susubukan.
Ang inyong pagtugon ay siyang magsusukat kung kayo ay nanatiling bata o isang anak na lalaki at anak na babae na nasa hustong gulang. Kapag kayo ay sinubukan at ang inyong lahat ng katugunan ay espirituwal, kayo ay dadalhin sa ikatatlong lebel. Iyan ay ang adopsyon.
Anak na lalaki/Anak na babae. “Kayo na ang aking Anak na babae.” “Kayo na ang aking Anak na lalaki.” Kahit binigyan kayo ng atensyon o hindi, hindi sasama ang inyong loob, at alam ninyo kung paano umugnay sa ibang tao. Magagawa na ninyong makiisa sa lahat ng mga anak ng Ama hindi alintana kung saan sila nanggagaling. Dito sa Kaharian wala nang mga Pilipino, walang mga Amerikano, walang Russians, walang Ukrainian, walang Japanese, wala ng Chinese. Bawat isa dito ay mga anak na lalaki at anak na babae na gumagawa lamang sa Kalooban ng Ama.
(Itutuloy)