PINAS

Kakaibang flower business

Ni: Aileen Lor

SINO nga ba ang makakatanggi sa taglay na kagandahang dulot ng isang bulaklak. Kaya naman hindi nawawala sa isang okasyon ang presensya nito; birthdays, kasal o maski sa binyag. Pero mas nakakamangha ang ganda ng isang bulaklak lalo na sa kasal, na mas nagpapaganda sa isang bride at mga entourage nito.

 

MAKULAY NA SIMULA

Kahit na anong ganda ng isang bulaklak, hindi pa rin maiiwasan na mayroong mga taong may takot sa totoong bulaklak. Ang tawag dito ay anthophobia. Pero kung mayroon namang takot sa bulaklak ay mayroon din namang gustong-gusto ito.

Kagaya na lamang ni Ms. Dianne Ifchelle Cruz. Simula pa noon ay mahilig na talaga si Ms. Cruz sa kahit na anong klase ng bulaklak. Totoong bulaklak o plastic. Nakilala si Ms. Ifchelle Cruz bilang flower crafter dito sa Pilipinas.

Pagbabalik-tanaw ni Ms. Cruz, nagsimulang umusbong ang kanyang pagmamahal sa flower crafting nang mayroon siyang nakitang flower girl na may hawak na malaking rosas taong 2015, sa pamamagitan ng social media na Pinterest. “I saw a flower girl carrying a big, single rose. It’s so huge and pretty that I even question myself if is there’s really a rose as big as that,” pagsisimula ni Ms. Cruz.

At dahil hindi siya mapakali hangga’t hindi malaman ang totoo, sa tulong din ng internet ay nalaman niyang ito ay gawa sa isang crepe paper. At simula noon ay nagsimula nang umusbong ang pagmamahal niya sa crafting. Narealize niyang posibleng gumawa ng isang bulaklak gamit ang crepe paper.

Para mas madagdagan ang kanyang kaalaman tungkol dito, nagresearch ito at nalaman na may nagsasagawa ng workshops tungkol sa flower crafting dito sa Pilipinas. Sumali siya at unti-unti siyang natutong gumawa ng iba’t ibang klase ng bulaklak. Hindi nagtagal ay nahumaling na siya sa crafting dahil sa kaligayahang dulot nito sa kanyang puso. Naging hobby na ni Ms. Cruz ang paper crafting kaya kapag may okasyon sa pamilya ay gumagawa siya nito at para na din sa kanyang mga kaibigan.

 

HINDI INAASAHANG TAGUMPAY

Tunay ngang hindi mo masasabi ang iyong magiging kapalaran sa buhay. Hindi inakala ni Ms. Cruz na magiging simula na din pala ito ng kanyang munting negosyo. Kwento ni Ms. Cruz na ang kanyang kaibigan na isang event organizer ang nagtulak sa kanya para gumawa ng kanyang kauna-unahang buoquet ng bulaklak para sa bride.

“I was hesitant at first since making paper flowers then, was just a hobby for me. I accepted the challenge and made the flowers for the bride’s bouquet; white paper roses mixed with real million stars flowers and giant paper roses for the entourage,” pag-alala ni Ms. Cruz.  Mula noon, ang simpleng hobby ay nauwi sa passion project.

Nagsimula na rin siyang gumawa ng social media account sa instagram na pinangalanang, Love Paper Florist. Ngayong taon lamang ng buwang Pebrero naisipan ni Ms. Cruz na gawing negosyo ang hobby. Dahil marami na ang nakakakita sa kanyang mga gawang bulaklak, nagdesisyon na din siyang magsagawa ng workshops para na din makatulong sa mga kagaya niyang gustong matuto sa larangan ng flower crafting.

“People started appreciating my work and ordering for their events. I started holding workshops as well to share my love for paper flowers to others,” pagkukwento ng Love, Paper Florist owner.

Nagkakahalaga naman ang mga crepe flower ni Ms. Cruz simula P120-P1,200  depende sa klase at laki ng bulaklak. Nagsimula siya  sa kapital na P5,000.

 

PASSION ANG SUSI

Samantala, ang ganitong uri ng negosyo ay hindi naging madali para sa kanya. Hindi naman talaga sumagi sa isipan niya na gagawin niya itong full-time business. Isa sa naging pagsubok niya noon ay ang pagkakaroon din ng regular na trabaho. Kapag  may free time ito ay naisisingit niya ang paggawa ng crepe flowers. Pero dahil mahal niya ang kanyang ginagawa, hindi niya alintana ang hirap at pagod dahil kagaya nga ng kasabihan; do what you love doing.

“It’s important that we do things with passion and that’s what I think made me to keep on going.Because then, I also have a full time job. I make paper flowers on weeknights and weekends,” pahayag ni Ms. Cruz.

Dahil baguhan palang sa ganitong klase ng negosyo, mayroon din namang mga pagkakataon na marami siyang orders at mayroon din namang wala. Kung inaakala ng ilan na madali lang ang ganitong negosyo, nagkakamali kayo. Kinakailangan ng mahabang pagtitiyaga sa ganitong klase ng negosyo. Hindi biro ang paggawa ng crepe paper flowers dahil ayon sakanya, kailangan mo pang i-cut ng naaayon sa hugis ng bulaklak at ididikit mo din gamit ang iyong mga kamay.

Ngunit hindi iyon ang naging dahilan para siya ay sumuko bagkus naging inspirasyon pa niya ito upang siya ay magpursige sa tulong na rin ng kanyang mga kaibigan na may malaking pagtitiwala sa kanyang kakayahan.

“It’s fulfilling that through the paper flowers I make, I get to inspire other people. Some people say seeing my paper flowers in their feed gives them instant good vibes”. It’s also a happy feeling knowing that I become part of other people’s special moments thru my paper flowers – weddings, birthdays, bridal showers and other special events,” kwento ni Ms. Cruz.

Kahit bago pa man sa negosyo si Ms. Cruz, may payo siya sa mga gustong mag negosyo pero walang lakas ng loob para magsimula. “To those who wants to start a business, just do it. You’ll never know until you try. God has a great plan for all of us. All we need to do is keep the faith, believe in ourselves, work hard and do everything with love, patience and passion,” pagtatapos ni Ms. Cruz.