Ni: Angelyn G. Muli
ISA sa mga pinakaaabangan sa National Basketball Association (NBA) games ngayong taon ay ang paglalaro ni LeBron James ng Cleveland Cavaliers na maituturing na isa sa pinakamahusay na basketball player sa kasaysayan na umani ng 4 na MVP awards at 3 titulo sa championship.
Hindi kinakaila ang husay at kasikatan ni LeBron Raymone James sa larangan ng basketball. Noong sophomore pa lamang siya ay marami nang mga basketball scouts ang nakapansin sa kaniyang kakayahan at nais siyang bigyan ng oportunidad upang maglaro sa NBA. Bago pa makapaglaro si James ng kaniyang kauna-unahang regulation game para sa NBA ay naging endorser na siya ng mga sikat na produkto ng iba’t ibang mga korporasyon. Nakilala ang kaniyang pangalan sa mundo ng basketball at madalas siyang ikinukumpara kay Michael Jordan, maging mga manunulat ng sports ay tinatawag siyang James “The Chosen One,” at inaasahang siya ay mapapabilang sa “most elite players in history” ng Basketball Hall of Fame.
Nang magtapos ng highschool si James, agad siyang sumabak sa NBA drafting. Pinili ng kanyang home team na Cleveland Cavaliers bilang ang kanilang “no. 1 pick” noong 2003 NBA draft. Hindi sila nakapasok agad sa championship ngunit dumoble ang bilang ng panalo ng Cavaliers sa tulong ni James, at sa pagtatapos ng 2003-04 season, siya ay pinarangalan ng “Rookie of the Year” award sa edad na 20 anyos.
“I don’t want to be a cocky rookie coming in trying to lead right off the bat…. If there’s one message I want to get to my teammates it’s that I’ll be there for them, do whatever they think I need to do.”
Sa kabila ng kaniyang kasikatan, nanatiling mapagkumbaba si James at isang team player. Sa isang artikulo sa Knight Tribune, sinabi ni Dru Joyce II, isa sa mga naging coach ni James noon, ang pagbago ng kaniyang istilo sa paglalaro ng basketball.” I started telling LeBron about passing the ball, how great players make their teammates better. I talked about getting his shots in the flow of the game,” wika ni Joyce. “That was the last time I ever had to talk about LeBron shooting too much.”
Patuloy si James sa paglikha ng kasaysayan sa mundo ng basketball. Noong 2005, siya ang naging pinakabatang manlalaro na magkaroon ng 50 puntos sa isang laro lamang. Noong 2006, nanalo ang Cleveland Cavaliers laban sa Washington Wizards sa unang round ng playoff action. Si James ay mayroong average na 26.6 points kada laro sa postseason matchup, ngunit hindi ito sapat upang manalo ang kaniyang team. Hindi nakasama ang Cavaliers sa top rankings ngunit patuloy padin ang kasikatan ni LeBron sa basketball.
Noong 2006, nanalo ang Cavaliers laban sa Detroit, at sa 2007-08 season, patuloy ang pagtulong ni James sa kaniyang team upang masigurado ang kanilang standing sa Eastern Conference. Nakapasok ang Cavaliers sa semifinals subalit natalo ito ng Boston Celtics. Ngunit base sa indibidwal na performance ng bawat miyembro, si James ang nagtala ng pinakamataas na average na 30 puntos kada laro. Ito na ang highest average sa NBA regular season.
Pagsapit ng 2008-09 season, bagama’t wala siyang sinasabi ay ipinaparamdam na ni James ang kanyang nais na maging free agent sa susunod na taon.
Paglipat sa Miami Heat
Pagkatapos maging free agent, opisyal na sumali si James sa team ng Miami Heat. Muling lumikha ng kasaysayan si James nang siya ang naging pinakabatang manlalaro na magkaroon ng 20,000 puntos sa edad na 28, nilagpasan niya ang record ni Kobe Bryant ng Lakers na nagawa ring magkaroon ng 20,000 points sa edad na 29. Si James ang naging ika-38 na manlalaro sa NBA na nakagawa nito. Nanalo din ang ang Miami laban sa Warriors.
Noong 2012-13 season ay muling nanalo ang Miami sa NBA championship.
Pagbalik sa Cleveland Cavaliers
Pagkatapos ng kaniyang kontrata sa Miami Heat, napagpasyahan niyang bumalik sa Cleveland Cavaliers noong 2014. Bagamat nagkaroon siya ng karamdaman sa kaniyang likod at tuhod ay nagawa parin ni James na dalhin ang kaniyang team sa NBA finals, subalit natalo padin ito ng Golden State Warriors.
Noong 2015-16, nakamit ng Cavs ang kanilang kauna-unahang championship win, kung saan pinarangalan din si James na Most Valuable Player o MVP ng NBA. Nanalo ang Cavaliers laban sa Warriors na may final score na 93-89 sa game 7.
Sa lahat ng titulo at tagumpay na nakamit ni LeBron James, siguradong siya ay mapapabilang na sa Basketball Hall of Fame tulad ng mga tanyag na basketball superstars na si Michael Jordan at Shaquille O’Neal.