Ni: Noli C. Liwanag
NAGSIMULA na ang panahon ng tag-ulan!Inanunsiyo na ng state weather bureau na Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.
Bukod sa bagyo, kung tag-ulan na, sari-saring mga basura tulad ng plastic, karton, shopping bags, sirang sapatos, gulong ng sasakyan, kutson, sirang plastic na silya, mga sako, balat ng buko, mga sanga at dahon ng kahoy, styrofoam, pinagbalatan ng pagkain at marami pang iba ang inaanod sa Pasig River papuntang Manila Bay at lalantad sa dalampasigan ng Baywalk, Roxas Boulevard ng lungsod na tinaguriang “The Pearl of the Orient”.
Ang mga basurang itinapon sa mga ilog ay dadalhin sa dagat at ibabalik naman ito ng dagat mismo sa mga dalampasigan. Totoo ang kasabihang “Basurang itinapon mo, babalik din sa’yo.”Upang huwag na nating danasin ang ganitong mga problema, may mga programa ang pamahalaan upang maisaayos ang kagandahan ng Ilog Pasig at Look ng Maynila at sa suporta ng mga mamamayan na maging responsable sa pagtatapon ng basura, maisasakatuparan ang mga proyekto.
MASTER PLAN SA LOOK NG MAYNILA
SA kasalukuyan, ang mga lupain sa paligid ng lawa, mula sa Bataan sa kanluran hanggang sa Bulacan at Pampanga sa hilaga, Metro Manila sa silangan, at Cavite sa katimugan, ang marahil ay pinakamaunlad at pinakaabala sa bahaging ito ng Pinas. Sa bungad ng lawa ay mayroong ilang isla, na ang pinaka-popular ay ang Corregidor. Sa Maynila, ang paglubog ng araw sa Manila Bay ang pinakatanyag na tourist attraction.
Gayunman, ang pangunahing batid ng marami ay ang matinding polusyong nakakulapol sa Manila Bay, kaya naman noong 2009 ay naglabas ng pasya ang Korte Suprema na nag-aatas sa 13 ahensiya ng pamahalaan “[to] clean up, rehabilitate, and preserve Manila Bay, restore and maintain its waters, make them fit for swimming, skin-diving, and other forms of contact recreation.”
Gayunman, ipinagbabawal na ngayon ang paglangoy sa Manila Bay dahil sa maru-ming tubig. Ang lahat ng ilog at sapa sa Metro Manila ay umaagos sa Pasig River, at dumidiretso sa Manila Bay. Sa malaking bahagi ng mga lugar sa paligid ng mga tubigang ito ay nakapaligid ang mga pabrika at kabahayan na ang mga basura ay direktang itinatapon sa mga ilog at sapa, kaya naman ang Manila Bay ay naging “one big sewer”, tulad na rin ng paglalarawan ni dating Manila Mayor at Environment Secretary Lito Atienza.
REHABILITASYON NG LOOK
NANG magsimula ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, kumilos ang pangulo upang malinis ang Laguna de Bay at ang libu-libong fish pen na nakapag-aambag sa polusyon na umaagos sa Pasig River at Manila Bay. Gumawa ng hakbangin ang pamahalaan upang tuluyan nang tuldukan ang ilang dekada nang suliranin sa polusyon ng lawa. Lumagda ng kasunduan ang National Economic Development Authority (NEDA) sa Netherlands, sa pamamagitan ni Ambassador Marion Derckx, sa pagkuha ng serbisyo ng mga consultant na bubuo ng Manila Bay Sustainable Development Master Plan.
Kilala sa mundo ang mga Dutch sa kanilang kaalaman at karanasan sa pagbibigay proteksyon sa mga dalampasigan mula sa lumalaking dagat. Sa bisa ng kasunduan, tutulong ang Netherlands sa pagbuo ng master plan para sa pagsasaayos sa kabuuan ng lawa, kabilang na ang proteksyon sa pampang, pangangasiwa sa basura, pinagkukunan ng tubig, at transportasyon.
Magkakaloob ang gobyernong Dutch ng P75 milyon grant na idadagdag sa P250 milyon ng ating pamahalaan para sa master plan.
KATUWANG NA MGA AHENSIYA
MAY kautusan na ang Supreme Court na dapat linisin ang Manila Bay sa pamamagitan ng 13 ahensiya ng pamahalaan na magtutulong-tulong. Sa writ of continuing mandamus na ipinalabas ng Supreme Court, inatasan nito ang Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Budget and Management (DBM), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police-Maritime Group, Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Ports Authority (PPA), Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), at Local Water Utilities Administration (LWUA) na magsagawa ng mga coastal clean-up.Inihain ni Senator Cynthia Villar ang Senate Resolution No. 690 upang alamin ang mga pagsisikap sa paglilinis, rehabilitasyon at preserbasyon ng Manila Bay.
ESTERO, PAGAGANDAHIN
INIDINETALYE ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang kanilang plano sa isang kilometrong Estero de Magdalena. Balak itong punuin ng mga halaman at kalyeng madadaanan ng publiko. Pero giit nila, magagawa lang nila ito pag nalipat na ang lahat ng informal settlers. Ayon sa PRRC, P17 milyon ang pondong inilaan ng gobyerno para sa isang taong rehabilitasyon.
Lahat ng ilalagay dito ay may pakinabang tulad ng mga halaman, tiles, at solar-powered street lamps.
Pagmamalaki ng PRRC, 15 estero na ang kanilang nade-