PINAS

Lilinisin sa basura Ilog Pasig, Manila Bay gagawing Eco Park

Ni: Noli C. Liwanag

NAGSIMULA na ang panahon ng tag-ulan!Inanunsiyo na ng state weather bureau na Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PA­GASA) ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.

Bukod sa bagyo, kung tag-ulan na, sari-saring mga basura tulad ng plastic, karton, shopping bags, sirang sapatos, gulong ng sasakyan, kutson, sirang plastic na silya, mga sako, balat ng buko, mga sanga at da­hon ng kahoy, styrofoam, pinagbalatan ng pagkain at marami pang iba ang inaanod sa Pasig River pa­puntang Manila Bay at lalantad sa dalampasigan ng Baywalk, Roxas Boulevard ng lungsod na tinaguri­ang “The Pearl of the Orient”.

Ang mga basurang itinapon sa mga ilog ay dadalhin sa dagat at ibabalik naman ito ng dagat mismo sa mga dalampa­sigan. Totoo ang kasabihang “Basurang itinapon mo, baba­lik din sa’yo.”Upang huwag na nating danasin ang gani­tong mga problema, may mga programa ang pamahalaan upang maisaayos ang kagan­dahan ng Ilog Pasig at Look ng Maynila at sa suporta ng mga mamamayan na maging responsable sa pagtatapon ng basura, maisasakatuparan ang mga proyekto.

MASTER PLAN SA LOOK NG MAYNILA

SA kasalukuyan, ang mga lupain sa paligid ng lawa, mula sa Bataan sa kanluran hanggang sa Bulacan at Pam­panga sa hilaga, Metro Ma­nila sa silangan, at Cavite sa katimugan, ang marahil ay pinakamaunlad at pinakaaba­la sa bahaging ito ng Pinas. Sa bungad ng lawa ay mayroong ilang isla, na ang pinaka-popular ay ang Corregidor. Sa Maynila, ang paglubog ng araw sa Manila Bay ang pinakatanyag na tourist at­traction.

Gayunman, ang pangu­nahing batid ng marami ay ang matinding polusyong nakakulapol sa Manila Bay, kaya naman noong 2009 ay naglabas ng pasya ang Korte Suprema na nag-aatas sa 13 ahensiya ng pamahalaan “[to] clean up, rehabilitate, and preserve Manila Bay, restore and maintain its waters, make them fit for swimming, skin-diving, and other forms of contact recreation.”

Gayunman, ipinagbabawal na ngayon ang paglangoy sa Manila Bay dahil sa maru-ming tubig. Ang lahat ng ilog at sapa sa Metro Manila ay umaagos sa Pasig River, at dumidiretso sa Manila Bay. Sa malaking bahagi ng mga lugar sa paligid ng mga tubigang ito ay nakapaligid ang mga pabrika at kabahayan na ang mga basura ay direktang itina­tapon sa mga ilog at sapa, kaya naman ang Manila Bay ay nag­ing “one big sewer”, tulad na rin ng paglalarawan ni dating Manila Mayor at Environment Secretary Lito Atienza.

REHABILITASYON NG LOOK

NANG magsimula ang ad­ministrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, kumilos ang pangulo upang malinis ang Laguna de Bay at ang libu-libong fish pen na nakapag-aambag sa polusyon na umaa­gos sa Pasig River at Manila Bay. Gumawa ng hakbangin ang pamahalaan upang tu­luyan nang tuldukan ang ilang dekada nang suliranin sa po­lusyon ng lawa. Lumagda ng kasunduan ang National Eco­nomic Development Authority (NEDA) sa Netherlands, sa pamamagitan ni Ambassador Marion Derckx, sa pagkuha ng serbisyo ng mga consultant na bubuo ng Manila Bay Sus­tainable Development Master Plan.

Kilala sa mundo ang mga Dutch sa kanilang kaalaman at karanasan sa pagbibigay pro­teksyon sa mga dalampasigan mula sa lumalaking dagat. Sa bisa ng kasunduan, tutulong ang Netherlands sa pagbuo ng master plan para sa pag­sasaayos sa kabuuan ng lawa, kabilang na ang proteksyon sa pampang, pangangasiwa sa basura, pinagkukunan ng tubig, at transportasyon.

Magkakaloob ang gobyer­nong Dutch ng P75 milyon grant na idadagdag sa P250 milyon ng ating pamahalaan para sa master plan.

KATUWANG NA MGA AHENSIYA

MAY kautusan na ang Su­preme Court na dapat linisin ang Manila Bay sa pama­magitan ng 13 ahensiya ng pamahalaan na magtutulong-tulong. Sa writ of continuing mandamus na ipinalabas ng Supreme Court, inatasan nito ang Metro Manila Develop­ment Authority (MMDA), Department of Environ­ment and Natural Resources (DENR), Department of Edu­cation (DepEd), Department of Health (DOH), Department of Agriculture-Bureau of Fisher­ies and Aquatic Resources (DA-BFAR), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Bud­get and Management (DBM), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police-Maritime Group, Department of Interior and Local Govern­ment (DILG), Philippine Ports Authority (PPA), Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), at Local Wa­ter Utilities Administration (LWUA) na magsagawa ng mga coastal clean-up.Inihain ni Senator Cynthia Villar ang Senate Resolution No. 690 upang alamin ang mga pag­sisikap sa paglilinis, reha­bilitasyon at preserbasyon ng Manila Bay.

ESTERO, PAGAGANDAHIN

INIDINETALYE ng Pasig River Rehabilitation Com­mission (PRRC) ang kanilang plano sa isang kilometrong Estero de Magdalena. Balak itong punuin ng mga hala­man at kalyeng madadaanan ng publiko. Pero giit nila, magagawa lang nila ito pag nalipat na ang lahat ng infor­mal settlers. Ayon sa PRRC, P17 milyon ang pondong ini­laan ng gobyerno para sa isang taong rehabilitasyon.

Lahat ng ilalagay dito ay may pakinabang tulad ng mga halaman, tiles, at solar-powered street lamps.

Pagmamalaki ng PRRC, 15 estero na ang kanilang nade-