Ni: Vick Aquino Tanes
Paglalagay ng “aloe egg mask” sa buhok. Ito ay pinaghalong puti ng itlog (hindi luto) at aloe vera. Ang dami ng itlog ay depende sa haba ng buhok. Ihiwalay ang pula (yolk) at gamitin lamang ang puti ng itlog. Ang aloe vera naman ay kailangang kunin ang gel o katas nito.
Paghaluin ang nakuhang puti ng itlog at katas ng aloe vera. Ipahid sa buhok ang mixture at hayaan ng 20-30 minuto na nakababad dito ang ulo. Pagkatapos ay banlawan ng malinis na tubig ang buhok. Gawin ito 2-3 beses sa isang linggo. Subukang gawin sa loob ng dalawang buwan o hanggang may makita ng magandang resulta sa buhok.
- Gumamit ng mild shampoo at conditioner.Basahin ang label ng binibiling produkto para sa buhok. Mayroon ka-sing mga shampoo na hindi naaayon sa klase ng buhok.
- Bigyan ng masahe ang anit gamit ang essential oils.Maaaring pagpilian ang virgin coconut oil at olive oil. Alin man dito ay maganda para sa buhok. Gawin ang pagmamasahe sa ulo tatlong beses sa isang linggo. Ito ay para mapanumbalik ang natural na kalagayan ng anit at para maging makapit ang buhok at patuloy na masuportahan ang paghaba nito.
- Kumain ng maber-deng gulay at mga pagkaing mayaman sa bitamina at protina. Ang pagkain ng masustansya ay tumutulong upang maging maganda ang daloy ng dugo sa katawan, gayundin sa anit. Kapag dumadaloy ng maayos ang dugo sa anit, madaling makakarecover ang buhok na napinsala.
- Bawasan ang paggamit ng mga hair styling equipment.Kung minsan akala ng iba ay makabubuti ang gumamit ng hair dryer o hair straightener sa nasirang buhok. Ang hindi alam ng marami ay mas lalo lamang nitong dinaragdagan ang damage sa buhok at mas pinalalala ang panlalagas. Kaya hangga’t maaari ay iwasan ang paggamit ng mga ito kapag maraming buhok ang nalalagas.
- Uminom ng dalawang litro ng tubig araw-araw.Ang sim-pleng pag-inom ng tubig ay may kagalingang dulot sa buhok. Magiging mas madali ang pagtubo, magiging malusog at makintab ang buhok kapag ang katawan ay di kinukulang sa tubig.