PINAS

Mga dapat gawin kapag nalalagas ang buhok

Ni: Vick Aquino Tanes

Paglalagay ng “aloe egg mask” sa buhok. Ito ay pinaghalong puti ng itlog (hindi luto) at aloe vera. Ang dami ng itlog ay depende sa haba ng buhok. Ihiwalay ang pula (yolk) at gamitin lamang ang puti ng itlog. Ang aloe vera naman ay kailangang kunin ang gel o katas nito.

Paghaluin ang nakuhang puti ng itlog at katas ng aloe vera. Ipahid sa buhok ang mixture at hayaan ng 20-30 minuto na nakababad dito ang ulo. Pagkatapos ay banlawan ng malinis na tubig ang buhok. Gawin ito 2-3 beses sa isang linggo. Subukang gawin sa loob ng dalawang buwan o hanggang may makita ng magandang resulta sa buhok.