PINAS

Mobile Apps para sa visually-impaired at hirap makarinig

Ni: Ana Paula A. Canua

PINADADALI ng teknolohiya ang halos lahat ng ating gawain, gaya na lamang sa paglalakbay, pagbibilang at pakikipag-usap. Dahil dito hindi maikakaila na marami sa atin ang nagiging dependent dito, malaking bahagi ng ating pamumuhay ang nakaasa sa bilis at ginhawang dala ng ng ating cellphones, computers, smartwatch at ilan pang gadgets.

At dahil para sa lahat ang teknolohiya gaya ng lubos nating pakikinabang dito,   gayundin ang dala nitong kaginhawaan lalung-lalo na  sa mga may espesyal na pa-ngangailangan gaya ng mga may problema sa paningin at pandinig. Bagamat may sariling sistema ang mga may kapansanan, hindi  rin naman masama kung susubukan ang technological assistant advancements na ito. Kaya naman narito ang mga mobile apps na maaring idownload upang makatulong sa kanila na masigurado ang kanilang kaligtasan at kasiguraduhan.

Para sa mga may problema sa paningin at bulag: LookTel at Nant Mobile Money Reader

Parehas na money identi- fying app. Kailangan lamang na itapat sa camera ang pera at matutukoy na ng app ang halaga nito. Sa pamamagitan ng voice-command nito sa-sabihin ng app ang denomination  ng pinakitang pera. Sa ngayon tanging 20 currencies pa lamang ang suportado ng dalawang app: ang US Dollar, Australian Dollar, Bahraini Dinar, Brazilian Real, Belarusian Ruble, British Pound, Canadian Dollar, Euro, Hungarian Forint, Israeli Shekel, Indian Rupee, Japanese Yen, Kuwaiti Dinar, Mexican Peso, New Zealand Dollar, Polish Zloty, Russian Ruble, Saudi Arabian Riyal, Singapore Dollar, at United Arab Emirates Dirham. Ang magandang balita hindi na kailangan ng internet connection para magamit ang apps na ito.

Say Text app

May kakayahan ang app na iscan ang text sa makikita sa camera gaya halimbawa ng billboards, street signs, restaurant menus, at label sa mga gamot. Sa pamamagitan ng Optical Character Recognition utility nababasa ng app ang mga text na nakasulat at binibigyang boses ito  para marinig ng gumagamit.

GreenGar Studios’ Color Identifier at Color ID Free

May kakayahan naman na malaman ng dalawang app na ito ang kulay na itatapat mo sa camera at isaboses ito. Sa tulong nito hindi na muling makapagsusuot ng maling pares ng medyas ang gumagamit. Maari ring matukoy ng app ang kulay ng kalangitan, gaya na lamang kung makulimlim o pababa na ang sikat ng araw.

Nearby Explorer, The Seeing Eye GPS App, BlindSquare, at WalkyTalky mula sa  Eyes free project

Bukod sa walking stick at service dog, malaking tulong rin ang mga sumusunod na apps para malaman ang direksyon at destinasyon na nilalakad ng user. At kapag lumiko sa maling direksyon, magvivibrate ang cellphone at sasabihin kung saang direksyon ito dapat lumiko para marating ang tamang daan.

Talk back

Bahagi ng Google Android Accesibility Service ang app na ito. Pumunta lamang sa Settings pindutin ang Accesibility at i-enable ang talkback. Sa pamamagitan nito bibigyan ng boses ng inyong cellphone ang lahat ng options at apps na inyong pipin-dutin gayundin ang inyong pagbabasa at paggawa ng mensahe.

Learning ally Audio  at Kindle Audio books

Hindi lamang sa pamamagitan ng braille maaring makabasa at makapag-aral. Sa pamamagitan ng book reading apps, maari ng magkaroon ng access sa textsbooks at nobela ang mga bulag, visually- impared at may learning disabilities.

ScanLife Barcode, QR reader at Talking Tag LV

Kung nais mamili o di kaya ay para lamang malaman kung tama ba ang makuhang jar sa ref. Maaring gumamit ng mga apps na ito, kailangan lamang na itutok sa camera ang QR code ng produkto at sasabihin ng app kung anong pagkain o bagay ang inyong makuha. Malaking tulong ito lalo na sa mga may kapansanan na naiiwang mag-isa sa bahay.

Para sa mga hirap sa pandinig: TapTap,  Braci at MyEarDroid

Nagbibigay babala ang  mga applications na ito sa malapit na tunog sa inyong paligid halimbawa ay ang busina, doorbell, firealarm,  o ‘di kaya ay tawag sa telepono. Magvivibrate o di kaya ay magfaflash ang screen kapag may natukoy itong  malapit na tunog. Lalabas sa screen ang pinagmumulan ng tunog at kung anong ingay ito.

Ava

Isang  portable translator. Maaari nitong itranslate sa text ang naririnig nitong salita, mas mabilis at madali kumpara sa pagsusulat. Hindi lamang sa isang kausap, kaya  rin nitong makipagsabayansa group discussions.

UHear

Isang hearing loss screen test app. Kung nais mong malaman kung nasa normal range pa ang iyong pandinig, idownload lamang ang app na ito.

Vox Sciences

Kung sakaling makatanggap ng voicemails, itatranslate ng app na ito sa text at isesend via SMS message at email ang mensahe.

Pedius

Isang voice recognition software. Kung halimbawa nakatanggap ng tawag ang isang bingi o mahina ang pandinig, maaring itranslate ng app sa text-format ang sinasabi sa kabilang linya. Sa app na ito walang third –party translator kaya mapapanatili ang privacy ng users nito at  ito rin ay libre.