Pinas News
MAINIT ang talakayan ngayon hinggil sa National Identification System matapos na maaprubahan ito ng Senado at Kongreso.
Makikinitang may malaking tsansang maisabatas ang national ID system bill ngayong taon na tinawag ding Philippine ID system (PhilSys) kumpara sa mga naunang pagtangka ng mga nakaraang pangulo ng bansa sa loob ng ilang dekada.
Unang sinubukang maitatag ang universal ID system ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1973 na tinawag na National Reference Card System. Layunin ng naturang sistema na mapalitan ang lahat ng mga existing identification systems na inisyu ng mga ahensiya ng gobyerno sa nag-iisang National Reference Card. Ngunit hindi ito naisakatuparan.
Makalipas ang dalawang dekada, nagpalabas si dating Pangulong Fidel Ramos ng Administrative Order (AO) No. 308, na nag-aatas na isakatuparan ang National Computerized Identification Reference System ngunit bigo rin itong maitatag dahil sa mga isyu kabilang ang paglabag sa privacy rights na iniharap sa Korte Suprema.
Tinangka rin itong maipatupad ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng inisyu niyang Executive Order No. 420, na layuning pag-isahin ang ID systems ng lahat ng mga ahensiya ng gobyerno at sa mga kumpanyang pagmamay-ari ng gobyerno sa pamamagitan ng multi-purpose identification (UMID) scheme. Kagaya ng naunang pangulo, kinuwestyon din ng petisyon sa korte ang naturang Sistema. Naging pabor nga ito sa korte ngunit nalatag naman ito ng limitasyon sa pagkolekta ng mga datus dahilan upang at nagbigay pa ito ng panigurong mahigpit na proteksyon sa kanilang kumpidensyalidad.
Sa kabila ng may pangamba ang ibang grupo na sumalungat sa pagpapatupad sa naturang batas dahil sa nagbabadyang privacy rights violation o sa seguridad ng mga personal data ay may positibong maibibigay ang PhilSys kabilang ang proof of identity, may kapangyarihan na magamit ang karapatan at mga pribiliheyo na magagamit ang mga mahalagang serbisyo sa gobyerno.
Kabilang sa mahalagang serbisyo ang education, social protection, healthcare, banking at finance na maaaring magamit ng mga Pilipino kapag maisakatuparan ang PhilSys.
Ang tanong lamang kung nakahanda ba ang bansa na maiwasan ang pinangambahang paglabag sa privacy rights, seguridad sa datus, at iba pang mga negatibong isyu na inihaharap ng mga ibang grupo?n