Ang Anak ng Panginoon ay inihayag upang wasakin ang mga gawain ng demonyo. Ito ang kaliwanagan na tanging ang Hinirang na Anak lamang ang makapagbunyag at makapagwasak sa lahat ng mga gawain ng demonyo sa mga maling doktrina at pagtuturo na iniluklok natin sa ating mga puso. Inilaan natin ang ating buhay sa pagpupuri sa maling panginoon ng panlilinlang na si Satanas na si Lucifer ang demonyo.
Sa aking ministeryo, meron akong espirituwal na utos na ihayag ang katotohanan ng Salita ng Panginoon sa lahat ng tao, na walang takot at pagkiling. Ipinadala ako upang ihatid itong kaliwanagan sa lahat ng tao upang sa ganoon ay malalaman nila kung paano inibig ng Ama sila, kung paano kinahabagan ng Ama sila, kung paano Niya hindi nilisan sila, ngunit isang araw ay nagtayo ng pamantayan ng katuwiran upang masumpungan ng mga tao.
Sinasabi sa Salita ng Panginoon sa 1 Juan 3:8:
“Ang gumagawa ng kasalanan ay sa Diablo; sapagka’t buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang Diablo. Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng Diablo.”
Anomang sinabi ko ay hindi personal. Maaari itong makakasakit sa mga naniniwala ng maling pagtuturo, ngunit kagaya ng sinabi ko, wala sa mga ito ay personal. Ito ay espirituwal. Ito ay para sa kapakanan ng inyong kaluluwa. Kaya ipinadala ako hindi bilang isang utusan ngunit bilang isang Hinirang na Anak, matapat lamang sa mga Salita ng Dakilang Ama, sa pagkakaalam na meron lamang isang basehan ng kahatulan ngayon at sa mga huling mga araw – at ito ang mga Salita ng Dakilang Ama sa Pangako.
Sinabi Niya sa Juan 12:48 at Pahayag 20: 11-15
Juan 12:48
“Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw.”
Pahayag 20: 11-15
(11) At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila.
(12) At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
(13) At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa.
(14) At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.
(15) At kung ang sinoman ay hindi nasumpungan nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.
Ito ang kahatulan para sa bawat tao na lilipat mula sa buhay dito patungo sa kabilang buhay. Ang transisyon ng pisikal patungo sa espirituwal ay mangyayari at ang lahat ay haharap sa parehong batayan ng kahatulan –ang mga Salita ng Dakilang Ama. Walang ibang aklat sa mundong ito, wala iba pang Banal na Aklat ang maghahatol sa ating kaluluwa, tanging ang Pangako na isinulat at ipinadala sa atin ng Dakilang Ama. Iyan ang basehan ng kahatulan – ang mga Salita ng Panginoon na siyang ipinagkatiwala sa Hinirang na Anak.
Kapag kayo ay mamatay, haharap kayo sa parehong kahatulan. Haharap man kayo sa akin o sa Dakilang Ama, ang batayan ng kahatulan ay pareho. Parehong mga Salita ang babasahin. Parehong mga katanungan ang itatanong: Sinusunod mo ba ang Aking mga Salita? Iyan ang tanong na haharapin ng mga sangkatauhan.
Wala akong personal laban sa kaninuman. Ito ay kasalanan ng mga tao. Ito ang paglilinlang ng demonyo. Nilinlang ni Satanas na si Lucifer ang demonyo ang sangkatauhan dahil palagi niyang sinasalungat ang sinasabi ng Salita ng Panginoon. Gumawa siya ng kudeta ngunit natalo at itinapon sa mundo. Pagkatapos ay ginawa niyang kapalit ang tao at sa pamamagitan ng tao, ang pagbaluktot sa Salita ay nangyari. Ginamit niya ang kalooban ng tao, ang binhi ng serpente na nasa tao.
Nalinlang si Adan at Eba mula sa panahon na iyan, ang binhi ng serpente ay naitanim sa kanila at ito ang salarin kung paano tayo naging panginoon sa ating mga sarili, na ikinahulugan ang mabuti at masama ayon sa ating sariling kahulugan. Ngunit ngayon na narito ako, binubunyag ko ang lahat ng ito upang ituon ninyo ang inyong atensyon hindi sa mga doktrinang gawa ng tao at mga maling paniniwala. Ibinubunyag ko ito upang maituon kayo sa tunay na Kalooban ng Dakilang Ama. Iyan ang ating kaligtasan ngayon.
Kaya kung haharap kayo sa paghahatol, lakas loob kayong haharap sa Kanya at sabihin, “Sumunod ako. Ako ay nagsisi. Itinakwil ko ang pagiging panginoon. Hindi ko ikinahulugan ang mabuti at masama na ayon sa akin. Hindi ko ikinahulugan Kayo na ayon sa akin. Nakatuon ako sa Inyong Salita at ang Hinirang na Anak ang aking modelo. Ngayon, ako ay nalinisan at binanal mula sa lahat ng karumihan sa espiritu na siyang naglinlang sa akin at ako ngayon ay tunay na anak na lalaki o anak na babae ng Dakilang Ama.” Iyan ang kaligtasan.
ANG MALING PANINIWALA NG PAGSAMBA SA MGA DIYOS-DIYOSAN
Ipinagbawal ng ating Dakilang Ama ang pagsamba sa mga diyos-diyosan. Mababasa ninyo iyan sa Lumang Tipan. Lahat ng ito ay nasulat ngunit wala itong pagkiling dahil sa pagluklok ng tradisyon na gawa ng tao. At ang paglinlang na ito ay nagpatuloy hanggang ngayong araw. Ngunit kagaya ng sinabi ko, sa pamamagitan ng kahabagan at pag-ibig ng Ama, hindi Niya tayo nilisan nang mag-isa sa estado ng pagkasira. Nagtayo Siya ng batayan laban sa kaaway. Kanyang lumikha ng isang Anak na sa huli ay naging Kanyang Naririnig na Boses, kungsaan sa walang takot at pagkiling ay inihayag ang Kalooban ng Ama sa inyong lahat.
Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi sa Exodus 20: 3-6…
(3) Huwag kang magkaroon ng ibang mga dios sa harap ko.
(4) Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa.
(5) Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;
(6) At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libu-libong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
Iyan ang hayag na babala na nagbabawal sa tao na sumamba sa mga nililok na imahe. Ngunit makikita natin na si Satanas na si Lucifer ang demonyo ay nagtagumpay sa paglinlang sa tao dahil kabaligtaran ang nangyari. Sinabi Niya, “Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan,” at bilyon-bilyong mga tao ngayon ay ginagawa mismo iyan. Ang ating maling debosyon at maling pagsamba ay naglagay sa ating harap ng isang maling panginoon, at akala natin na sa katapusan tayo ay maliligtas. Hindi tayo maliligtas.
(Itutuloy)