PINAS

Romeo, nanguna sa 2nd leg ng PBA All-Star Week

Ni: Noli C. Liwanag

NANGIBABAW at nanguna si Terrence Romeo ng Smart All-Stars para talunin ang Luzon All-Stars sa score na 152-149 sa second leg ng 2018 PBA All-Star Week na ginanap sa Batangas City Sports Center.

Nakapagtala si Romeo ng kabuuang 48 points, limang rebounds at siyam na assists.

Mayroong 26 points at 13 rebounds naman ang nagawa ni June Mar Fajardo habang 20 points, nine rebounds si Troy Rosario at 17 points naman si Roger Pogoy.

Gumawa naman ng kasaysayan si Jio Jalalon na nagtala ng triple-double sa All-Star Game na mayroong 12 points, 11 rebounds at 10 assists na nahigitan si Willie Miller noong 2007.