VIRAC Airport pormal nang pinasinayaan ang bagong rehabilitated Passenger Terminal Building (PTB) sa Virac Airport sa Catanduanes.
Ito’y matapos na sumailalim ang naturang paliparan sa rehabilitasyon simula pa noong January 2016.
Ang inagurasyon ay pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade, kasama si DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Manuel Antonio Tamayo, at CAAP Director General Jim Sydiongco.
Natapos ang rehablitation project na nagkakahalaga ng P39-M pesos nito lamang May 14.
Nasuspinde ang proyekto nito noong May 23, 2016 dahil sa pagdagdag ng ginawang retrofitting upang tiyakin na lalo pang pagtibayin ang gusali na orihinal na itinayo noon pang taong 1963.
Muli na naman itong natigil dahil sa tinamong pinsala ng gusali dulot ng Bagyong Nina noong December 2016.