Ni: Jomar San Antonio
WALA ng maisip na surpresa sa darating na anibersaryo ng inyong pagsasama bilang mag-asawa? Ito ang ilang ideya upang mapasaya ang inyong kapareha para sa isang taong pagmamahalan.
LUTUIN ANG INYONG WEDDING MENU
Sabi nga sa sikat na quote, “the way to a man’s heart is through his stomach.” Walang tatalo sa muling matikman ng inyong asawa ang wedding menu na tunay namang magpapanumbalik ng kilig sa inyong pagsasama.
FIRST DATE SWEETNESS
Balikan kung paano niyo ginawa ang inyong first date: saan kayo nagsama o nagkakilala, ano ang inyong kinain o sinayaw, o ang inyong nagustuhan sa isa’t-isa.
PHOTOSHOOT
Trend ngayon ang pagkakaroon ng personal photoshoot para alalahanin ang inyong nabuong pagmamahalan. Ang iba nga ay may tema pa sa kanilang shoot na tunay namang sweet tingnan.
LOVE PLAYLIST
Magsayaw o kumanta sa inyong favorite lovesong playlist at samahan ng wine o ng kung ano pang sweet na bagay.
ILABAS ANG ART
Maraming mag-asawa ngayon ang nagpipinta o gumagawa ng art nang magkasama. Maliban sa nakare-relax ito ay nakikita nyo pa ang ibang kakayanan ng inyong kapareha at pagkatapos ay i-display ito bilang remembrance.
BAGONG TRIP
Gumawa ng bagay na bago sa regular na araw ng kayo lang—out-of-town trip, sine, dinner, o kahit date lang sa park basta maipagdiwang ninyo ang isang taong lumipas ng may pagmamahalan ng walang ibang iniisip o sagabal.
NOSTALGIA
Manuod ng inyong wedding video o album tapos magbigay ng regalo na may sentimental value kumpara sa ibang bagay. Dito ay tiyak na muling mabubuhay ang inyong pagmamahalan.
Ang pagmamahalan ay hindi nasusukat sa bilang ngmga taong magkasama kayo, kungdi sa mga taong naaalala niyo ang matamis na pangakong binitawan sa isa’t-isa nang ikasal kayo sa harap ng altar.