NAGBABALA ang otoridad sa Japan na posible pang tumaas ang bilang ng mga nasawi sa mga pagbaha pag-guho ng lupa dulot ng mga pag-ulan.
Ayon sa report, nasa 85 katao na ang naitalang nasawi habang nasa 58 indibidwal naman ang patuloy pang pinaghahanap.
Karamihan sa mga naitalang nasawi ay sa lugar ng Hiroshima and Ehime Prefectures.
Mayroon ding nareport na mga namatay sa Okayama, Hyogo, Kyoto, Shiga, Fukuoka, Kochi, Gifu, Yamaguchi at Saga Prefectures.
Sinasabing nasa 2 milyong katao ang apektado ng kalamidad.
Ayon kay cabinet secretary Yoshide Suga, dahil sa malakas na pag-ulan sa bansa umapaw ang mga ilog hanggang sa mga kalsada.
Ang baha na may halong makapal na putik ang unti-unting lumalamon sa mga bahay gusali at ibang ari-arian asa mga apektadong lugar.
“The record rainfalls in various parts of the country have caused rivers to burst their banks, and triggered large scale floods and landslides in several areas,” ani Cabinet Secretary Yoshihide Sug.
Ayon kay Prime Minister Shinzo Abe, limampu’t apat na libong (54, 000) mga rescuer personnel ang ipinadala sa mga napinsalang lugar upang tumulong sa mga apektado at maghanap sa mga nawawalang biktima.
“Rescue efforts are a battle with time. The rescue teams are doing their utmost,” ayon kay Shinzo Abe, Prime Minister, Japan