SA isang bayan ng Pampanga na tinawag na Betis, may mga magagaling na mga craftsman ng kahoy na gumagawa. Minsan ay umiikot sa mga kabahayan sa bawat nayon. Kapag meron kayong punong kahoy ng sampalok o mangga sa inyong bakuran ay kanilang itong suriin at tanungin kayo, “Pwede ba ninyo itong ibenta sa amin?” Ito ay para sa kanilang inanyuan na mga imahe. Kanilang lilukin ang malaking katawan ng puno sa isang imahe na kasing laki ng tao. Kahit ang maliliit na mga sanga ng puno ay ginawa nilang maliit na mga Santo Niño.
Itong mga craftman ay napakahusay at talagang makagawa sila ng mga estatuwa na napakaganda. Bibilhin ito ng mga tao at dadalhin nila ito sa kanilang bahay at ilagay ito sa kanilang altar at yuyukuran nila ito. Iyan ay kahangalan at kahibangan. Pagkatapos ay iisipin ninyo na tutungo kayo sa langit sa paggawa ng ganyang bagay? Ito ay ganap na salungat sa nais ng Ama na gawin ninyo.
Nakatayo ito sa harapan ninyo. Hindi ito kumikilos dahil kinabitan ninyo ito ng mga pako. Pagkatapos ay itinuro ninyo ito sa inyong mga anak at pamilya na yumuko dito sa bawat umaga at bawat alas-sais ng gabi. Kayo ay dumalangin sa isang puno ng sampalok.
Ang Jeramiah 10:8-9 ay nagsasabi:
(8) Kundi sila’y pawing tampalasan at hangal turo ng mga dios-diosan, yao’y kahoy lamang.
(9) May pilak na pinukpok na dinala rito mula sa Tarsis, at ginto mula sa Uphaz, na gawa ng manggagawa at ng mga kamay ng panday; azul at kulay ube ang kanilang damit; gawang lahat ng mga bihasang manggagawa.
Ito ang tumpak sa paglala-rawan ng mga huwad na mga idolo. Ang mga ito ay gawa ng inanyuan na imahe at pagkatapos ay gina-yakan ng ginto, pilak at ubeng damit.
Jeremiah 10: 14-15:
(14) Bawa’t tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa’t panday ay nalagay sa kahihiyan sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka’t ang kaniyang larawang binubo ay kabulaanan, at hindi humihinga ang mga yaon.
(15) Sila’y walang kabuluhan, gawang karayaan: sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon sila ay mangalilipol.
(9) Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakaka-kita, o nangakakaalam man: upang sila’y mangapahiya.
(10) Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan na di pakikinabangan sa anoman?
(11) Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila’y mangatatakot, sila’y mangahihiyang magkakasama.
(12) Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol, at gumagawa sa mga baga, at inaayuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok, at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig: oo siya’y gutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya’y hindi umiinom ng tubig, at pata.
(13) Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaayuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay.
(14) Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya’y nagtatanim ng puno ng beto, at yao’y kinakandili ng ulan.
(15) Kung magkagayo’y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawan inanyuan, at pinagpapatirapaan.
(16) Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya’y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya’y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako’y naiinitan, aking nakita ang apoy:
(17) At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga’y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, iligtas mo ako; sapagka’t ikaw ay aking dios.
(18) Hindi sila mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka’t ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila’y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang mangakaunawa.
(19) At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako’y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? Magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy?
(20) Siya’y kumain ng abo: iniligaw siya ng nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang kabulaanan sa aking kanang kamay?
Hindi nila ito inalintana at marami sa kanila ay mga propesyunal – mga doktor, mga hamahawak ng PhDs. Kaya nga minsan, namumuhi sa sinabi nilang, “Nalinlang si Quiboloy. Kulto si Quiboloy.” Ako lamang ang nag-iisang itinalaga sa lupa upang buksan ang inyong mga mata. Kapag humarap kayo sa Ama sa kahatulan at babasahin Niya ang mga Salitang ito sa inyong harapan, ano ang isasagot ninyo? Huwag ninyong sabihin sa akin na sasabihin ninyo, “Ako ay PhD?”
Sinabi ni Isaiah na kung ang mga taong ito ay matalino, bakit hindi nila ito maisip? Nariyan na ito. Akala ninyo na kayo ay matalino at napakagaling ngunit kapag ihahayag ko ito, naramdaman ninyo ang pagka-estupido at kahibangan. Kaya kinamuhian ninyo ako dahil sinabi ko ang katotohanan. Ngayon na napakinggan ninyo ako, kapag naharap ninyo ang inanyuang imahe, sasabihin ng inyong konsensya, “Hoy, estupido! Tinigilan na iyang kaugalian na ‘yan! Hindi ito makapagliligtas sa iyo.”
Ako lamang ang makagagawa ng ganito dahil hindi ako takot sa demonyo at ng kanyang paglinlang. Ako ay inatasan ng Ama na maging prangka. Ito ay para sa kaligtasan ng inyong kaluluwa.
Ang Isaiah 44:20 ay nagsasabi sa inyo na “Siya’y kumain ng abo: iniligaw siya ng nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang kabulaanan sa aking kanang kamay?” Iyan ay isang kasinungalingan at kasuklam-suklam
Kapag dumating kayo sa salitang kasuklam-suklam, nangangahulugan ito ng pagsamba ng huwad na panginoon, ng inanyuang imahe, gawa ng bato o kahoy, na ginayakan ng ginto, pilak at dinamitan ng kulay ube at asul.
(Itutuloy)