Perfect, ganito ang pagkakasulat ng ilang pahayagan sa ginawang performance ni Massot at Savchenko.
MAS madaling sumuko kapag mas lamang na ang talo kaysa sa panalo, ngunit hindi ito ang pinaniniwalaan ni Aljona Savchenko, isang Ukraine figure skater. Sa kanyang edad na 34-anyos hindi binitiwan ni Savchenko ang kanyang pangarap na makapag-uwi ng ginto sa Olympics, ito ay sa kabila ang mas tumataas na kompetisyon dahil sa mga bagong batang atleta.
Sa kanyang ikalimang pagkakataon sa Olympics, ginawa ni Savchenko ang lahat ng makakaya ng sa gayon sa kanyang muling pag-uwi hindi lamang karangalan ang kanyang dala, kundi ang mataas na pangarap para sa bansa lalo pa’t hindi gaanong binigyan ng halaga ang ice skaters athletes sa Ukraine.
“I never give up, all my life I’ve been fighting.”
Pagdating ng tamang oras
Pinanganak noong 1984 sa Ukraine si Savchenko, kwento niya noong bata pa lamang siya gustung-gusto niya ang pakiramdam na sumasayaw sa yelo. Para sa kanya hindi lamang sport ang figure skating kundi isa ring sining.
Unti-unti hindi na lamang libangan ang figure skating para kay Savchenko, nang mapanood niya sa telebisyon ang mga figure skating competitions gaya sa Olympics, nabuo ang kanyang pangarap na balang araw ay makasali at makapag-uwi ng gintong medalya.
Taong 2002, sa edad na 18-anyos sumabak siya sa kauna-unahang pagkakataon sa Olympics na ginanap sa Salt Lake City Games, Ukraine. Bitbit ang bandila ng kanyang bansa, nagpakitang gilas si Savchenko at ang kanyang partner na si Stanilav Morozov. Puno ng pag-asa at pagmamahal na pinasok ng duo ng ice skating rink, at lumabas uwi ang 15 pwesto.
Noong taong 2003, lumipad patungong Germany si Savckenko para maghanda sa 2006 Olympics, ngunit sa ikalawang pagkakataon hindi siya muli nakapag-uwi ng medalya. Taong 2010 muli siyang sumali sa Olympics, sa wakas nakapag-uwi ng bronze ang duo at noong 2014, kasama ang kanyang partner na si Robin Szolkowy nasundan muli ito ng isa pang bronze medal.
Sa puntong iyon naisip ni Savchenko na panahon na ito para bumitaw sa pagsali sa Olympics, hanggang sa biglang dumating ang malaking pagkakataon na makapareha si Bruno Massot, isa sa mga tinitingala dahil sa husay sa figure skating.
Ginugol ng pagkapares ang apat na taon para sa pagsasanay at noong 2018 lumipad patungong Pyeongchang si Savchenko at Massot, ito na ang ikalimang pagkakataon ni Savchenko sa Olympics.
Sa unang round, nasa ika-apat na pwesto ang partner skater. Sa puntong ‘yon nabawasan ang kumpiyansa ni Massot na masungkit pa ang ginto, kadalasan kasi senyales na ang first round kung sino ang makapag-uwi ng ginto.
“It was hard for me, but Aljona was there for me. She said: ‘It is not finished. We still have the free programme to come,’” kwento ni Massot.
“I got the gold medal in my head. I said I don’t want my partner Savchenko to come back with another bronze medal. She deserved this gold medal.” Dagdag niya.
Sa second round ng laro ang free programme stage, iisa lamang ang hangad ng magkapares ang makakuha ng mataas na score para maitaas sila mula sa ika-apat na pwesto.
“I said to Bruno ‘We will write history today.’ And then everything happened as I had imagined, and it came true,” pagbabalik-tanaw ni Savchenko.
“Nothing is over until everything is over,” Savchenko
Nakakuha ng score na 159.31 sina Savchenko at Massot ang score na ito ang kasalukuyang pinakamataas na score sa kasaysayan ng pairs figure skating.
Savchenko at Massot. Hindi na napigilan ng magkapareha na maging emosyunal matapos ang performance.
Person of the Year
Matapos ang pinakitang dedikasyon sa larangan ng sports, ginawad ng Icenetwork ang titulong 2017-2018 person of the year si Savchenko.
Ito rin ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympics ng bansang Alemanya, simula 1952.
“It is my moment, we celebrated New Year’s together and we said, ‘2018 will be our year,’ and it became our year.’
Pay it forward
Matapos ang tagumpay, nais ibahagi ni Savchenko ang kanyang mga natutunan sa figure skating. Sa ngayon nakalaan na ang kanyang lakas at oras para mag-coach ng mga bagong henerasyon ng mga figure skaters.
“I like to share my knowledge with skaters who are already there, who have potential, and who I feel I can help. The best (approach) is always to create what fits the athletes best and how they feel, not what we created for ourselves. We have to see what style they have, what they’re good at and what they’re not good at, what choreographic style they feel confident with”