HALIMBAWA ng isang empleyado ng bangko na magiliw na kinakausap ang isang customer habang nag-aalok ng pang-pinansyal na payo.
Ni: Kristine Joy Labadan
TINAASAN na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang benchmark rate nang dalawang beses ngayong taon, na sa kalahatan ay may 50 basis points upang i-contain ang matuling pag-akyat ng inflation rate.
Ang mga konsyumer na nagbabayad ng mortgage ay maaari nang maasikaso nang mas maayos ang kanilang mga pera sa pamamagitan ng pagsasa-ayos ng interest rates sa mas matagal na panahon, saad ng presidente ng isang bangko.
Ang mga ilang kliyente ng bangko ay nagkaroon na ng negosasyon patungkol sa fixed rates sa loob ng tatlo hangang limang taon, ayon sa Philippine Business Bank president at CEO na si Rolando Avante. Dagdag pa niya ay ang ilang nagpapahiram ay pumapayag sa fixed rates na hanggang sampung taon.
“It’s best for clients… fixing their interest rates so that it will not have an impact on their cash flow,” komento ni Avante sa ANC’s Market Edge kasama si Cathy Yang.
SI Deputy Governor Diwa Guiniguindo habang pinapakita ang bagong serye ng monetasyon.
ANG MGA EPEKTO SA IYONG LOANS
Si Liezel Cenas na isang Pilipinang kolektor sa New Zealand, ay kinakalkula ang kanyang sweldo upang ipambayad sa mas-tataas pa niyang bayarin sa kanyang condominium, sa harap ng pagtaas ang halaga ng pagpapahiram sa halos lahat ng bansa sa ngayon.
Si Cenas na nagbitiw sa kanyang trabaho sa isang bangko sa Pilipinas upang magtrabaho sa ibang bansa at sa kasalukuyan siya ay nagbabayad ng P7,400 kada buwan para sa kanyang condominium at may natitirang 26 na taon pa para bayaran niya ito ng buo.
“I have to restructure my budget since it’s a fixed expense. I have to look into changing my variable expenses such as clothing and food,” pahayag ng 36 anyos.
Ang Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay makikipagkita sa anim sa kabuuang 17 ekonomista na pinagbotohan ng Bloomberg na umaasa ng pagtaas.
Ayon sa mga analyst, inaasahan nila na magsimulang taasan ng BSP ang borrowing costs ngayong taon ng mas mataas sa 100 basis points. Ang nagtatakda nito ay hindi pa naitataas ang benchmark rate mula noong Setyembre ng taong 2014.
Ang pagtaas ng borrowing costs ay malaki ang posibilidad na pumatak sa mga bayarin ng mga konsyumer katulad ng bahay at kotse, ngunit hindi raw ito mararamdaman agad, ayon sa mga analyst. Ang kompetisyon ng mga bangko para makapanghikayat ng mga humihiram ay nakakaimpluwensiya rin sa interest-rate setting, dagdag nila.
“I wouldn’t think we consumers are the victims if it happens. We just have to do our part as citizens to be more wise financially,” sabi ni Cenas.
PANAHON NG PAGBABAGO
Ang transition period bago ang ginawang hakbang ng Bangko Sentral ay sumasalamin sa market rates na maaa-ring tumagal ng 12 hanggang 24 na buwan, sabi ng First Metro Securities consultant na si Aaron Say.
Maliban sa benchmark rate na itinakda ng Bangko Sentral, isa din ang kompetisyon sa pagkakaroon ng parteng ginagampanan sa loans ng mga konsyumer, ayon kay Say.
“At the end of the day, increasing rates on the bank level is a business decision,” sabi ni Say. Ang mga konsyumer ay may malaking pagkakataon na manghiram sa mga bangkong nag-aalok ng mas mababang interest rate, dadag pa niya.
“If their compensation adjustment is expected to rise faster, then there is no need to downgrade the type of vehicle or house they want to buy,” pahayag ng BPI lead economist na si Jun Neri.
“But if the rise in rates will mean tighter budgets, they have to consider a downgrade or an outright postponement of their plans,” dagdag pa niya.
Kung tumataas man ang interest rates o hindi, sabi ni Say, ang mga konsyumer ay marapat na isaalang-alang ang “primordial rule” sa panghihiram.
“Kapag utang, kailangan itatapat mo ‘yan sa kakayanan mo magbayad. Sa tumaas man o hindi ang interest rates dapat pag humiram ka ‘yung kaya mong bayaran,”
Sa kabilang banda, ang Bangko Sentral Governor na si Nestor Espenilla ay nagsabing ang inflation ay may kinalaman sa mga inaasahan. Ang BSP ay ginagamit ang inflation bilang basehan sa pagtatakda ng interest rates.
MGA KARAGDAGAN PANG KAALAMAN
Ang relasyon sa pagitan ng interest at inflation ay may kinalaman din sa employment rate sa bansa. Ang mababang interest rates ay pinapadali at pinapamura ang makapagpahiram ng pera, dahilan ang isang indibidwal at kumpanya na gumastos pa. Itong paggastos na ito ang isa sa nagpapaandar sa ekonomiya na nagagawang pagalawin ang pera na maaaring magtagal sa mga bank holdings papuntang retailers, manufacturers at service providers.
Ang kahihinatnan nito ay ang pagtaas ng hiring dahil sa ang mga nagtitinda na mayroon nang maraming kustomer ngayon ay lalabas upang makahanap ng mga trabahador. Bunga nito ay ang pagsikip ng labor market kung saan itinataas pa ang mga sweldo habang nagkakaroon ng kompetisyon sa talento kung saan lahat ay yumayaman. Ang mga trabahador na magiging mayaman kalaunan ay siya naman mag-uumpisa ng proseso ng paghanap at pag hire ng mga bagong trabahador.
Narito pa ang maaaring maganap, kung saan mas mabilis na tumataas ang halaga ng paggasta ng konsyumer kumpara sa paggawa ng produktong ipagbibili sa kanya na siyang magiging dahilan upang magkakaroon ng paggalaw sa kasalukuyang balanse ng mga paktora na nakaaapekto sa inflation.
Ang kalalabasan nito’y mas tataas ang halaga ng pera ng mga konsyumer relative sa dami ng mga produkto sa pamilihan. Ang mga nagsitaasang presyo ay mapupunta naman sa pagtaas ng sweldo na magiging para sa mga mayayaman at sa kabilang banda ay itataas pa ang presyo ng mga bilihin. Ito ang sanhi ng inflation na sinusubukang kontrolin sa pamamagitan ng pagtaas ng interest rates para mabawasan ang paggasta.
Sa kasalukuyan at base sa kasaysayan, ang magkauganay na relasyon ng inflation at employment ay totoo ngang nangyayari kung kaya’t bilang resulta ng mataas at pirming employment rate ng mga nakaraang taon, ang mga bangko ay inumpisahan nang taasan ang interest rates sa pagsisikap na manguna sa inflation cycle na ito.