KARNE ang pangunahing pagkain sa Samgyupsalamat na talagang papatok sa lasa ng mga kostumer.
Ni: Crysalie Ann Montalbo
sinong hindi mag-aakala na ang hilig ng mga milenyal sa panonood ng Koreanovela ay magbubukas pala ng malaking oportunidad sa mga nagbabalak na magnegosyo.
Mula sa mga kinakikiligan na Korean aktor at aktres ay talagang hindi na maikakaila ang malaking impluwensya ng Koreanovela o K-Drama sa karamihan lalong lalo na sa kasalukuyang henerasyon. At sa panonood nila ay unti-unti rin nilang natutuklasan ang mga interesanteng aspeto ng kultura ng bansang Korea na hindi pa napapamalas ng husto dito sa Pilipinas bagama’t maraming Koreano na ang nagustuhan na ang paninirahan dito sa ating bansa.
MAYROONG built-in griller at exhaust duct na nakahanda para sa bawat mesa. Dito ipinapakita ng Samgyupsalamat ang serbisyong may mataas na kalidad at lubos na pagpapahalaga sa bawat kostumer.
ANG HIWAGA NG SAMGYUPSAL
Isang malaking bahagi na isinasaalang-alang ng mga taong nagbabalak magnegosyo ay kung nauuso ba ito o napapanahon. Kaya’t hindi na nag-alangan ang iilan na gumawa ng bagong pagkakakitaan na kukuha sa atensyon at papatok sa puso ng mga milenyal na hindi lang kinahihiligan ang panonood ng K-Drama, kundi sa mga gusto pang mas makilala ang kultura ng South Korea. Ito ay ang isa sa pinaka popular sa Korean cuisine — ang samgyupsal.
Para sa kaunting kaalaman, ang samgyupsal o samgyeopsal ay isa sa pinaka sikat na pagkain sa Korea. Maaari kang kumain nito nang nasa bahay ka lamang o pwede ring pumunta sa mga Korean restaurant kung magsasama ka ng pamilya o maraming kaibigan. Sa samgyupsal, hindi karaniwang nakahatid na sa’yo ang pagkain. Bagkus, ikaw mismo ang magluluto ng iyong mga kakainin.
Nakahanda ang tong, gun-ting, at ang grill na paglulutuan ng samgyupsal. Sa una’y hindi ka magiging pamilyar sa mga dapat gawin pero kapag ito ay iyong babalik-balikan ay mapapaisip ka na kagaya mo na rin ang mga karakter na napapanood mo sa iyong paboritong K-Drama.
Karne ang patok na pagkain sa samgyupsal kaya malaking hakbang ito sa pag-unlad ng negosyo lalo na’t mahilig rin ang maraming Pilipino sa karne.
ANG negosyong Samgyupsalamat ay nakalaan sa mga nais makaranas ng isang mahalagang bahagi ng kultura sa Korea.
SIMULA NG KWENTO
Sa pagkabuo ng hiwaga ng samgyupsal ay siya ring umusbong ang Korean restaurant na Samgyupsalamat. Nagmula ang pangalan ng restaurant sa Korean word na “samgyupsal”, ibig sabihin ay “pork belly” at ang salitang Filipino na “salamat.” Tila pinaglalaro ang dalawang lengguwahe na kapwa nagbabahagi ng dalawang kultura.
Ang Samgyupsalamat Restaurant ay pagmamay-ari ng YHK F&B Corporation. Sila ay nag-aalok ng serbisyong unlimited sa pagkain ng samgyupsal.
Tulad ng maraming istorya, nagsimula din sila sa pagiging simpleng restaurant lang. Sa bawat araw ay kaunti lang ang kanilang mamimili. Dumaan rin sila sa iba’t-ibang pagsubok lalo na sa usaping pinansyal.
Ngunit ang lahat ng ito ay hindi naging hadlang upang ipagpatuloy ang kanilang nasimulan. Mula sa kanilang maliliit na bilang ng kostumer ay marami na ang pumipila sa kanila ngayon. Imbes na alalahanin nila ang bawat problema, sila ay nagpasyang hindi magpapadala rito. Bagkus ay itinuon nila ang kanilang atensyon sa kung paano nila mabibigyan ng kasiyahan ang bawat kostumer na dumadayo sa kanilang restaurant.
Pagdating sa kanilang serbisyo, pinag-iigihan nila ang pagpili ng karneng ibibigay nila sa kanilang mga kostumer, gayundin ang mga side dishes kahit ito’y pwedeng ulit-ulitin ng maraming beses. Pinapanatili rin nilang komportable ang mga tao sa kanilang paligid at ang kaayusan ng pasilidad sa lugar. Para sa kanila, ang opinyon at kasiyahan ng isang kostumer ay hindi dapat binabalewala, sa halip ay dapat itong pinahahalagahan.
ANG BUNGA SA KASALUKUYAN
Sa pagsisimula ng Samgyupsalamat noong Hunyo ng nakaraang taon, ay talagang bumenta ito sa puso ng maraming Pinoy at sa kasalaukuyan ay nakapagpatayo na ng pitong branches o sangay sa iba’t-ibang lugar at lima pa na sumasailalim pa sa renobasyon ngunit tiyak na magbubukas din ngayong taon.
MGA BENEPISYO MULA SA NEGOSYO
Ayon sa Samgyupsalamat, maraming benepisyo ang maaaring makuha sa pagi-ging bahagi ng pagpapalawak ng kanilang restaurant.
Una, mas malaki ang pagkakataong magtagumpay dahil mayroon ka nang pagbabasehan at hindi mo na kailangang mag-umpisa ng panibago.
Pangalawa, ang Samgyupsalamat ay isa sa mga kilala na ngayon kaya sa kanila’y sigurado ang tagumpay mo.
Pangatlo, madali kang makakakuha ng pagkakagastusan sa negosyo dahil sa pagpapatibay nila ng kanilang magandang reputasyon.
At ang panghuli, makikinabang ka rin sa malaking kita kung lalapatan ito ng magandang stratehiya sa pagbebenta.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG
May mga bagay na dapat din na isaalang-alang bago pasukin ang mundo ng pagnenegosyo. Nagbigay ng tips ang Samgyupsalamat Restaurant sa mga gustong makibahagi sa kanilang franchise.
Siguraduhin gagawin ito bilang iyong pagmamay-ari at alam mo sa sarili na kaya mo itong hawakan. Kung ikaw ay walang alam sa mga nangyayari, wala itong patutunguhan.
Alamin ang kakayanan na makipagtrabaho sa Samgyupsalamat Restaurant at lagi mong isaalang-alang na ito ay para sa iyong interes din. Upang mas mapunan ang iyong kamalayan ay ini-rerekomenda ang pagbisita sa iba pang bilihan para maob-serbahan ang operasyon at ang paghahanda.
Pag-aralang mabuti ang mga nakatala sa kasunduan upang hindi makalimutan ang mga dapat sundin sa pag-franchise ng Samgyupsalamat Restaurant.
Pag-aralan mabuti kung tugma ba ang Samgyupsalamat Restaurant sa mga nakatalang alituntunin, pati na rin ang mga regulasyon na dapat sundin sa pagpili ng lokasyon.
Huwag itong kalilimutan. Ang pagkakaroon ng magandang lokasyon ay susi sa anumang restaurant. Magkaroon ng pagsusuri ng maigi sa pagpili ng lugar at suriing mabuti kung ang negosyong gustong simulan ay akma sa pagpupwestuhan nito.
Para sa mga interesadong magfranchise ng Samgyupsa-lamat, maaari lamang magpadala ng mensahe sa samgyupsalamat@gmail.com o tumawag sa kanilang landline, (02) 949-5935.
Maaari ring bisitahin ang kanilang website sa http://www.samgyupsalamat.