Ni: Shane Elaiza E. Asidao
Sa datos ng World Bank, umaabot sa halos 1.2-kilogram ng basura kada isang tao ang tinatapon sa loob lamang ng isang araw. Mas naaapektuhan nito ang mga bansa na walang maayos na waste disposal system kung saan tinatapon lamang ang mga basura sa mga unregulated dumpsite o di kaya sinusunog na lamang—dahilan upang pag-mulan ng malubhang sakit at pagkakaroon ng masamang epekto sa kapaligiran.
Sa kabilang banda, isa rin sa pinaka-malaking problema ang polusyon sa plastik. Ang plastik ang pinakamatagal na matunaw na basura. Naiiwan ito ng halos ilang taon dahilan upang magsilbing malaking source ng polusyon sa mundo.
Ayon sa Plastic Soup Foundation, umabot ng halos 311 bilyong kilo ng mga plastic ang nagawa noong taong 2014. Tumataas ito ng halos 8 porsyento kada taon. Dahil dito, nagkakaroon ng mala-king tsansa na ma-ipon ito at ma-uwi sa karagatan.
Kaya naman nagkaroon ng ideya ang ilang mga entrepreneurs sa Pilipinas na magsagawa ng mga produktong eco-friendly. Kabilang sa mga ito ang mga kumpanya gaya ng Sip PH, The Bamboo Company, Ritual PH at Ultra Super Green. Sila ang mga matatalinong negosyanteng iniisip ang kapakanan ng kapaligiran at mahikayat ang madla sa pagsisimula ng Buhay-Zero Waste.
Ito ang tinatawag na SPS duo set. Mapupunta ang kalahati ng iyong binayaran sa SPS flagship program ng Sip PH kung saan tinuturuan ang mga guro sa pagdadala ng environmental education upang maituro sa kani-kanilang silid-aralan.
Sip PH
Tone-toneladang plastics ang tinatapon kada taon kung saan na-u-uwi ang karamihan sa mga ito sa karagatan, na nagiging dahilan upang ma-lagay sa peligro ang buhay ng mga nakatira rito. Kaya naman gumawa ng alternatibong solusyon ang Sip PH sa pamamagitan ng pagbebenta ng reusable stainless-steel straw at gawa sa kawayan na cutlery set.
Maraming mamimili ang tumatangkilik sa kanilang produkto. Sa katunayan, ang mga mamimili mismo ang nagbibigay ng suhestiyon sa mga kainan, cafes at ilang mga establisamiyento na magkaroon ng eco-friendly na produkto. Kaya naman nagdesisyon ang pamunuan ng kumpanya na magkaroon ng collaboration sa ilang mga cafe sa bansa.
Ayon sa isang panayam ni Pocholo Espina, CEO ng Sip PH, “If we get these businesses to start doing their part, then we create an environment to change.”
Maaaring makakuha ng mga reusable stainless-steel straw ng Sip PH sa ilang piling café gaya ng Serenitea at ‘Jambajuice.
Higit pa rito, mabibili ang produkto ng Sip PH sa kanilang online store.
Kayang patagalin ng Lakbawayan Tumbler hanggang 36 oras ang inumin. Pwede itong gamitin sa eskwelahan, opisina, gym o kahit saan.
The Bamboo Company
Maliban sa paggamit ng mga reusable stainless-steel straw at bamboo-made cutlery set, kailangan mo rin ng environment-friendly na kagamitan para sa iyong personal hygiene.
Isa ang The Bamboo Company sa mga nagbebenta ng mga toothbrush gawa sa kawayan. Kilala ang kawayan bilang nabubulok na uri ng basura kaya hindi ito makakadagdag sa matinding problema sa polusyon. Higit pa rito, may natural na ‘anti-microbial properties’ ito na makakatulong sa kalusugan ng iyong ngipin.
Kamakailan lamang, nagdagdag sila ng bagong produkto na tinatawag na Lakbawayan Tumbler. Lagayan ito ng malamig o mainit na tubig na maaaring gamitin kahit saanman magpunta, Kaya nitong panatilihin ang lamig ng iniinom sa loob ng 36 na oras at 12 oras naman tatagal ang mainit na tubig. Dahil ito sa vacuum metal design ng nasabing produkto.
Dagdag pa rito, sa bawat bili ng Lakbawayan Tumbler, makakatulong ka sa pagprotekta sa mga balyena at dolphin ng Pilipinas dahil nagbibigay ito ng donasyon sa Balyena Organization Philippines.
Maaaring bumili ng mga produkto ng The Bamboo Company online.
Ritual PH
Sa gitna ng matataas na establisamiyento ng Makati City, mayroong nagtitinda ng lokal at eco-friendly na produkto gaya ng Muscovado Sugar, Coconut Sugar, Cacao Nibs, at iba pa.
Kilala sila bilang Ritual PH.
Mayroong tinatawag na Kalingag powder na produkto ang Ritual na napapagaling ng ilang mga sakit sa tiyan, ginagamit rin bilang panluto ng karne at pampalasa sa kinakain.
Kabilang rin sa kanilang produkto ang ilang mga bath-and-body products gaya ng liquid soaps, serums, mga langis, insect repellent at ilang mga panglinis sa bahay gaya ng dishwashing liquid at detergent soap.
Bukas sila mula 11 ng umaga hanggang 8 ng gabi.
Matatagpuan ang Ritual PH sa 2nd floor Internationale Building, 926 Arnaiz Avenue Makati City.
Ultra Super Green
Hindi lamang kagamitan sa bahay, pansarili at pagkain ang naisip na ideya ng mga entrepreneurs upang magkaroon ng eco-friendly environment at maging hakbang para solusyunan ang matinding problemang kinakaharap ng mundo sa polusyon bagkus mayroon ding mga produktong organic na maaari mong kainin.
Isa sa tinatangkilik ng madla ang organic products ng Ultra Super Green. Naglalaman ito ng samu’t saring vegan, petcare, cosmetics at veggie snacks.
Inalagaan, pinatubo, eco-friendly at binebenta sa murang halaga ang ilan sa mga puwedeng ilarawan sa kanilang mga binibentang produkto.
At tsaka, mayroon din silang free taste para rito. Isa rin sa nakakakuha ng atensyon ang kanilang panghihikayat sa mga customers na magdala ng sariling eco-bag kapag mamimili.
Mahahanap ang Ultra Super Green sa Elizabeth Hall, Ground Floor, Katipunan Avenue. Loyola Heights, Quezon City. Mayroon din silang Social Media Accounts tulad ng Facebook at Instagram.
Ilan lamang ito sa mga tindahan ng eco-friendly products sa bansa. Marami na rin ang nagsimula at nagsisimulang mag-negosyo ng mga produktong makakatulong hindi lamang para sa sarili ngunit pati na rin sa ikakaunlad ng kalusagan ng ating tinitirhan.
Lagi lamang pakakatandaan na maging maayos, responsable at matutong isagawa ang 3Rs o Re-use, Reduce at Recycle.