PINAS

DIY black heads remover at facial mask-in-one

 

Ugaliing magfacial scrub, isang beses sa isang linggo para maiwasan ang pimple breakout at para maalis ang blackheads.

Ni: Ana Paula A. Canua

Kung nag-aalangan na gumamit ng pore strips at facial masks dahil sensitive ang inyong balat, maaring sundin ang mga natural na paraan  para maalis ang black heads at manumbalik muli ang inyong malinis at makinis na  kutis.

 

  1. Mag-facial steam para bukas ang pores. Isalin ang kumulong tubig sa isang malaking bowl, gamit ang tuwalya itaklob ito sa ulo hanggang balikat para hindi makawala ang stream. Magsimula sa Facial Steam. Tiyakin na nasa katamtamang layo at ipikit ang mata, itapat sa mukha ang stream sa loob ng lima hanggang sampung minuto. Pagkatapos, banlawan ang mukha ng maligamgam na tubig.
  2. Magexfoliate gamit ang baking soda. Mahalaga ang mag facial scrub isang beses sa isang linggo dahil bukod sa black heads, napapantay din ang kulay ng ating kutis at naiiwasan ang pimple-breakout. Ihalo ang dalawang kutsara ng baking soda sa kaunting  tubig hanggang sa maging paste ito. Ipahid ang mixture sa ilong na karaniwang may blackheads, tiyakin na laging  circular motion ang paglilinis ng mukha. Patuyuin muna ang mixture bago banlawan.
  3. O hindi kaya ang oatmeal scrub. Paghaluin ang dalawang kutsara ng oatmeal, tatlong kutsara ng plain yogurt at katas ng lemon o kalamansi hanggang sa ma-ging paste ito. Ilagay ito sa mukha at hayaan ito ng sampung minuto hanggang sa matuyo  bago banlawan ng maligamgam na tubig
  4. Egg white mask. Ibukod ang puti ng itlog, ito ang gawing facial mask. Pagkatapos linisin at patuyuin ang mukha, ipahid ito. Kapag natuyo ang unang layer, maaring dagdagan pa muli ito ng panga-lawa hanggang pangatlong layer. Kapag naramdaman na humihigpit na ang kapit ng mask sa balat ibig sabihin naalis din ang blackheads at dumi sa inyong pores. Pagtuyo na saka banlawan ng maligamgam na tubig ang inyong mukha. Agad na mararamdaman ang malambot at mas malinis na kutis, bukod pa riyan nawawala rin ang wrinkles sa inyong mukha dahil sa “facial lift effect ng egg mask.”