PINAS

Load expiration ng Globe, aabot na ng isang taon

Pinas News

LOAD expiration aabot na ng isang taon simula ngayong araw, July 5, ay aabot na ng isang taon ang expiration ng lahat ng prepaid cellphone load ng Globe Telecom.

Ayon sa Globe, ang pagbibigay ng one year expiration sa cellphone load ay alinsunod sa Memorandum Circular (MC) na inilabas ng mga telecommunication authorities.

Disyembre ng taong 2017 ng inilabas ng National Telecommunications Commission (ntc), Department of Information and Communications Technology (dict), and Department of Trade and Industry ang guidelines sa cellphone load sa pamamagitan ng MC #0-5-12 2017.

January 6 ng taong kasalukuyan nang ipinatupad ng Globe ang one year expiration ng prepaid load na nagkakahalaga ng tatlong daang piso pataas, ngunit hindi agad naipatupad sa load na bababa ng tatlong daang piso.