PINAS

Janine, mapapanood sa Victor Magtanggol

Ni: Crysalie Anne Montalbo

HINDI alintana ang pagkagalak ng Kapuso aktres na si Janine Gutierrez nang sinabi sa kanya na mapapasama ito sa higanteng tele-fantasyang na talagang pinag-uusapan ngayon, ang “Victor Magtanggol.”

Ayon sa aktres, excited siya dahil nakakatuwang makita niyang inadapt sa Philippine setting ang Norse mythology na nakaka-attract ng interes ng maraming tao dahil tumatalakay ito sa superheroes, myths at gods.

Pinangarap niya ang makasama dito dahil nakasanayan na niyang mapanood ang iba pang tele-fantasya tulad ng “Mulawin” at “Dyesebel”.