PAGKATAPOS ng baha at pagkahiwa-hiwalay mula sa tore ng Babel, ang mundo ay nasa proseso ng repopulasyon ng paganong naniniwala sa trinity, na sa simula ay nanggaling sa Babilonya. Nang maghiwalay ang mga orihinal na taong Babilonya sa buong kapuluan ng mundo, kasama nilang dinala ang kanilang sistema ng relihiyon at kanila itong ipinahayag sa sarili nilang mga lengguwahe. Gayunpaman, ang kabuuang katangian ng trinity system ay nanatiling pareho. Kaya, ang trinity ay naging internasyunal na relihiyong pagano na lumaganap sa buong mundo, mula sa pinagmulan nito, si Nimrod ng Babilonya. Iyan ang pinagmulan ng Trinity.
Kaya, mula kay Semiramis ay dumating ang bagong klase ng paganism. Ilan sa mga relihiyong ito ay ipinagpatuloy ang pagsamba sa araw, buwan at mga bituin bilang mga panginoon, ngunit ang pinakamahalaga, ito ay nagdudulot ng tatlong dios. Kaya mula doon ay si Nimrod, Semiramis, at Tamus ang naging holy family o banal na pamilya. Ang kanilang mga pangalan ay binago.
ANG PAGLAGANAP NG RELIHIYONG TRINITY
Ang relihiyong Trinitarian ay lumaganap sa buong mundo. Ang mga mamamayan ng Griyego at Roma ay nakuha ang relihiyon mula sa Phoenicia at Ehipto na kapwa ay bahagi ng empiryo ni Nimrod. Lumaganap ang relihiyong pagano na sumasamba sa trinity sa buong Europa, kaya ang mga Dutch sa Englatera, Norseman, Danes, mga Norwegian, at mga German silang lahat ay may parehong tatlong diyos, magkaiba lamang ang mga pangalan. Pagan-Siberia ay naglalarawan din sa trinity. Nagpapahayag ito ng isang katawan tatlong ulo nito kagaya ng makikita sa isang medalya na nakalagay sa imperial cabinet ng lumang St. PeterSburg. Naglalarawan din ang India ng kaparehong trinity sa ilalim ng pangalan ng eko devata trimurti o “one god – three forms.” Sa Hapon, ang mga Budista ay sumasamba sa isang Buddha na may tatlong ulo sa kaparehong porma sa ilalim ng pangalan ng San Pao Fu.
Ang trinity ay kinilala sa lahat ng mga bansa ng mundo, nagpapatunay na ang trinity ngayon ay dumating mula sa paganism ng sinaunang mundo.
Ang paniniwala ng Trinity ang siyang gumawa sa pagsamba kay Maria. Isang malaking pagbabagong nangyari sa tatlong diyos ng Babilonya. Ang kanilang tatlong persona ay naging walang hanggang ama, ang espiritu ng diyos na isinilang sa katauhan ng taong ina at isang banal na anak, ang bunga ng engkarnasyon. Kaya natural na lamang na kapag ipinakilala ang Kristiyanong trinity, ay hahantung pa hanggang Mariolatry (pagsamba kay Maria) na naging mahalagang bahagi ng simbahan ng Katoliko Romano.
Ang Mariolatry ay isa lamang na natural na byproduct ng doktrinang Trinitarian ng tatlong persona na siyang ang Ama, Anak at Banal na Espiritu. Kapag itinuring ninyo ang Banal na Espiritu bilang hiwalay na persona na ang katangian lamang magsisilang sa lahat sa kaganapan at kaamuan, pagkatapos ang taong iyan ay madaling magkonekta sa pagkaina. Iyan ang pagsamba kay Maria.
Meron lamang isang labasan – ang pagtanggap sa mensahe ng pagsisisi ng Hinirang na Anak mula sa mga bulaang doktrina.
Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi sa 1 Taga-Corinto 6: 9-11:
b-9 O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake.
b-10 Ni ang mga mangnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.
b-11 At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni’t nangahugasan na kayo, nguni’t binanal na kayo, nguni’t inuring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios.
1 Taga-Corinto 10: 14:
“Kaya, mga minamahal ko, magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan.”
1 Juan 3:8:
“Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagka’t buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang diablo. Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng diablo.
Ibinunyag ko sa inyo ang mga gawa ng demonyo. Si Satanas na si Lucifer ang demonyo ay isang antikristo. Anumang bagay na lumalaban, pinapalitan, binabaluktot, tinatakpan at isinasantabi ang Salita ng Ama ng ay gawain ng demonyo. Narito ako bilang Hinirang na Anak upang wasakin ito. Ito ang aking ministeryo. Walang personalan dito. Itong lahat ay espirituwal dahil ministeryo ko ito upang iligtas kayo. Kapag hindi ko ginawa ang aking ministeryo, mananagot ako sa inyo sa huling mga araw.n
(Wakas)
Kung ikaw ay pinagpala sa mensaheng ito, sumulat kay Pastor Apollo C. Quiboloy, P.O. Box 80118, Davao City Central Post Office, Davao City, 8000 Philippines o sa email: info@kingdomofjesuschrist.org. Mapanonood si Pastor Apollo C. Quiboloy sa Sonshine TV Channel 39 Manila at Channel 43 Davao at sa www.acqkbn.tv, www.sonshinetvradyo.com,
www.kingdomofjesuschrist.org at sa ACQ-Kingdom Broadcasting Network stations sa buong Pilipinas at buong mundo sa pamamagitan ng limang malalaking international satellite system. Maaari ring mapanood ang kanyang mga pangangaral sa www.youtube.com.
Siya rin ay mapakikinggan sa Sonshine Radio DZAR 1026 Manila, DXAQ 1404 Davao at sa lahat ng Sonshine Radio stations sa buong Pilipinas, maging sa www.sonshineradio.com. Para sa inyong mga katanungan, tumawag sa (02) 453-2516 Manila o sa (082) 234-2866 to 67 Davao.