MAHIRAP bang humiwalay sa inyong kaugalian? Kung isinalang-alang ninyo ang kaligtasan ng inyong kaluluwa, hindi mahirap sa inyo na magising ngayon din at magsabi, “Ito ay kalokohan!”
Ang Jeremiah 10:5 ay nagsasabi:
“Sila’y gaya ng puno ng palma, na binilog, at hindi nagsasalita: kinakailangang pasanin, sapagka’t hindi makalakad. Huwag ninyong katakutan ang mga yaon, sapagka’t hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti.”
Isipin na lamang kung gaano kayo natatakot sa mga ganito. Nirespeto ninyo ang mga ito. Hindi kayo makadadaan sa harap nila kung walang paggalang. Kapag kayo ay dumaan sa inyong idolo, kayo ay yumuyukod, at hindi nga ninyo nirespeto ang Salita ng Ama.
Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi na ang mga inanyuang mga imahe ay hindi makagagawa ng masama ni ng mabuti. Huwag mangatatakot sa kanila.
Kapag ang mga Salitang ito ay binasa sa harapan ninyo, mamumula kayo dahil nararamdaman ninyo na kayo ay estupido. Gagawin kayong estupido ng demonyo ngunit akala ninyo kayo ay matalino kapag ginawa ninyo ang ganyang mga bagay. Ang demonyo ay isang panginoon na mapanlinlang. At kapag ako ay dumating ay nagsalita ng katotohanan, ang demonyo ay bubulong, “Siya ay isang kulto.” Ngunit sa katotoha-nan, ang inyong mga nakaugalian ang siyang mas higit pa sa kulto. Hindi lamang ito kulto. Ito ay karumal-dumal sa paningin ng Ama na siyang maghahagis ng inyong kaluluwa sa impiyerno.
Pahayag 9:20:
“At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonyo, at sa mga diosdiosang ginto, at pilak, at tanso, at bato, at kahoy; na hindi nangakaka-kita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man.”
MARAMI ANG HINDI MAGSISISI SA KANILANG IDOLATRIYA
Kapag ako ay maluwalhati at ang lahat ng nasa Arka na kasama ko ay magluluwalhati. Ang salot ay mahuhulog sa lupa. Ang malaking tribulasyon ay magaganap at ito ay makakaapekto sa lahat sa inyo. Milyon-milyon ang mamamatay sa mga salot. Makikita ninyo ang luma-lakad na patay sa mundo. Ngunit, tayo ay hindi maaapektuhan sa ganyan.
Ngunit itong mga tao, kahit na makita nila ang mga salot na dumarating, ay hindi magsisisi ng kanilang kasamaan at ng kanilang pagsamba ng kasamaan.
Anong pagkakalarawan ang gusto ninyo kaysa diyan? Ito ang ginagawa ngayon, ang kaugalian na akala nila ay makapagliligtas sa kanila, ngunit hindi pala.
Kaya narito ako ngayon. Ako ang nag-iisang boses na sumisigaw sa ilang hinggil dito. Ako ay hindi miyembro ng relihiyon o ng denominasyon. Hindi ako tapat sa anumang mga gawa ng tao na mga batas. Matapat lamang ako sa Salita ng Dakilang Ama dahil itong mga Salita ay siyang maghahatol sa inyo sa huling mga araw.
ANG ATING PANGINOON AY ISANG MAPANIBUGHONG PANGINOON
Ang ating Panginoon ay isang mapanibughong Panginoon at ang ating pagsamba ay dapat sa Kanya lamang. Kanyang inatas na gibain ang lahat ng mga inanyuang mga imahe.
Sa Exodus 34:13-14, ay Kanyang sinasabi:
b-13 Kundi inyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpupu-tolputulin ang kanilang mga haligi at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera.
b-14 Sapagka’t hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka’t ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:
Ito ang mga Salita ng Panginoon. Kapag kayo ay naliwanagan, huwag ninyo hayaan na ako ang gigiba sa mga diosdiosan ninyo. Kayo ang dapat gumawa nito dahil sa una’t una, kayo ang naglagay sa mga ito. Huwag ninyo akong hintayin. Huwag matakot. Tigilan na ang maling pagsamba. Mga kapatid, nagsasayang lamang kayo ng inyong hininga at panahon. Ako ang kaliwanagan sa bansang ito.
Ang Exodus 23: 24 -25 ay nagsasabi:
b-24 Huwag kang yuyukod sa kanilang mga dios, o maglilingkod man sa mga yaon, o gagawa man ng ayon sa kanilang mga gawa, kundi iyong iwawaksi at iyong pagputulputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala.
b-25 At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios, at kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig; at aking aalisin ang sakit sa gitna mo.
Kung meron kayong inanyuang bato sa inyong bakuran, gibain ito at sa halip ay magtanim ng mga bulaklak. Ito ang mga buhay na mga bagay na mas makapagpapasalamat kayo sa Panginoon dahil sa Kanyang nilalang. Ngunit itong mga diosdiosan? Sila ay karumaldumal sa paningin ng Dakilang Ama.
Isaiah 2:18-19….
b-18 At ang mga diosdiosan ay mapapawing lubos.
b-19 At ang mga tao ay magsisipasok sa mga yungib ng malalaking bato, at sa mga puwang ng lupa, sa harap ng kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan, pagka siya’y bumangon upang yaniging may kapangyarihan ang lupa.
Ang Panginoon ay isang mapanibughong Panginoon. Ang ating pagsamba ay nararapat sa Kanya lamang. Kanyang inatas na gibain ang lahat ng mga inanyuang mga imahe kaya huwag matakot. Marami akong mga kaibigan na hindi makalalayo mula rito dahil naipasa ito sa kanila. Ito ay naging negosyo na gumagawa ng pera sa kanila. Ngunit, ang banal na interbensyon ay darating para sa inyong kaluluwa. Kaya pinadala ako ng Ama at hinirang ako upang makikilala ninyo ang Kanyang mga Salita.
ANG PINAGMULAN NG SISTEMA NG TRINIDAD
Ang Paganismo ay pumasok sa tunay na pagsamba sa Panginoon sa pamamagitan ng Kristiyanidad simula noong 70 A.D. Ang unang pagan trinity ay nagsimula sa Babilonia. Ang konsepto ng Trinity Godhead System ay nagsimula sa isang lungsod na tinawag na Babilonia. Simula sa sinaunang panahon, ang Babilonia ay pinili ni Satanas na maging kapital ng kanyang masamang operasyon mula sa kanyang mga kuwartel.
Pagkatapos ng baha, ang la-laki na pinangalanang Nimrod ay lumitaw sa eksena ng kasaysayan. Ang kanyang pa-ngalan ay nangangahulugan, “magrebelde tayo.” Kanyang pinangunahan ang pagtatag ng unang malaking sibilisasyon, ang Babilonia. Kanyang pina-ngunahan silang magrebelde laban sa Panginoon.
Si Nimrod ay may napakalaking kapangyarihan na siya ay naging panginoon sa mga mata ng tao. Nang siya ay namatay, ang kanyang asawa, si Semiramis ay umako na kung wala si Nimrod, maaaring mawala ang kapangyarihan mismo sa kanya. Kaya gumawa siya ng isang magaling na plano.
Nagbuntis si Semiramis at kanyang sinabi sa lahat na ang bata sa kanyang sinapupunan ay walang iba kundi si Nimrod, na naisilang muli. Ito ang simula ng malaking kabalakyutan – ang konsepto ng dios Ama-Anak, ang kauna-hang hindi matarok na banal na Trinidad at ang hindi maipaliwanag na hiwaga. Sa paganong trinidad, si Nimrod, ang hari ang unang persona. Si Simiramis bilang reyna ang siyang ikalawang persona at si Tamus, ang kanilang anak, ay ang ikatlong persona.
(Itutuloy)
Kung ikaw ay pinagpala sa mensaheng ito, sumulat kay Pastor Apollo C. Quiboloy, P.O. Box 80118, Davao City Central Post Office, Davao City, 8000 Philippines o sa email: info@kingdomofjesuschrist.org.
Mapanonood si Pastor Apollo C. Quiboloy sa Sonshine TV Channel 39 Manila at Channel 43 Davao at sa www.acqkbn.tv, www.sonshinetvradyo.com, www.kingdomofjesuschrist.org at sa ACQ-Kingdom Broadcasting Network stations sa buong Pilipinas at buong mundo sa pamamagitan ng limang malalaking international satellite system.
Maaari ring mapanood ang kanyang mga pangangaral sa www.youtube.com. Siya rin ay mapakikinggan sa Sonshine Radio DZAR 1026 Manila, DXAQ 1404 Davao at sa lahat ng Sonshine Radio stations sa buong Pilipinas, maging sa www.sonshineradio.com. Para sa inyong mga katanungan, tumawag sa (02) 453-2516 Manila o sa (082) 234-2866 to 67 Davao.