Ni: Vick Aquino Tanes
kakaiba talaga ang mga Pinoy. Alam n’yo bang isang barbero ang kilala sa Hollywood dahil sa kanyang kasikatan sa panggugupit?
Hindi lamang ng pang-Hollywood stars ang pinapaganda ni Filipino-American hairstylist Mark Bustos na naging kliyente niya ang mga bigating sina Norah Jones at Marc Jacobs at iba pang entertainers.
Pero mas naging matunog ang pangalan ni Bustos dahil sa lingguhan nitong charitable missions na magbigay ng libreng gupit sa mga homeless na taga-New York.
Nililibot ni Bustos ang mga kalye sa New York tuwing weekends para magbigay ng libreng gupit sa mga homeless na nakagawian na niya mula nang bumisita siya sa hometown ng pamilya niya sa Pampanga noong 2012.
Ayon kay Bustos, nasa 12-anyos pa lamang siya nang unang mamulat sa kahirapan, nag-imbento umano siya ng barbershop sa isang garahe at inimbitahan na niya ang mga batang homeless, dito na siya nag-umpisa na manggupit nang libre at napagtanto niya na kahit saan siya magpunta sa pamamagitan ng talentong bigay sa kanya at pares ng gunting ay magagawa niyang makapagpasaya ng mga tao.
Itinuloy ni Mark ang libreng gupit na karamihan ay sa mga mahihirap na taga-ibang bansa.
“From the moment I did it in the Philippines, I knew that I could do this anywhere. I could just bring my scissors with me anywhere and make people happy. That’s what I do for a living is I make people happy,” paliwanag ni Mark.
Nabatid na nasa anim na taon nang nagbibigay ng libreng gupit ang Manhattan-based hairdresser na si Bustos tuwing Linggo sa mga miyembro ng New York City homeless community.
At sa kasalukuyan ay naglilibot siya sa iba’t ibang panig ng bansa para magbigay ng inspirasyon kung paano niyang binabalanse ang kanyang hairstyling career at ang boluntaryo niyang gawain.