PINAS

Sarah G., muling magpapakitang gilas

Pinas News

AARANGKADA muli sa isang pelikula ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo sa isang Philippine adaptation ng pelikulang ‘Miss Granny’ na pumatok noong 2015.

Makakasama niya rito ang mga Kapamilya actor tulad nina Xian Lim at James Reid.

Aniya, may mga mabibigat na eksena kaya’t pinag-igihan niyang mabuti ang kanyang role bilang si Audrey, isang matanda na bumalik sa pagkabata.

Ayon sa kanya, may tumutulong sa kanyang acting coach dahil para sa kanya, iba ang galaw ng mga kababaihan noong 70’s. At malaking pagsubok ang bagong proyekto dahil matagal na siyang hindi nakakagawa nito.

Showing na ang “Miss Granny” sa darating na ika-22 ng Agosto, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.