PINAS

Tatlong OFW na nailigtas sa Malaysia, pinagkalooban ng livelihood assistance

Pinas News

TATLONG babaeng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pinagkalooban ng livelihood assistance ni Senador Cynthia Villar matapos mailigtas mula sa prostitusyon sa Malaysia.

Ang tatlong babae na nais itago ang kanilang pangalan ay na repatriate mula sa Malaysia sakay ng Air Asia Flight YM 5428 noong Martes, July 24 at agad naibalik sa piling ng kanilang pamilya.

Ayon kay Villar, biktima ng illegal recruiter na nagngangalang Rea Cervantes ang tatlo.

Pinangakuan aniya ng magandang trabaho at malaking sweldo sa Malaysia ang mga ito ngunit sa KTV Bar ang bagsak kung saan pinipilit silang pagtrabahuin bilang GRO.

Maliban naman sa hindi nakatatanggap ng sweldo ang mga ito ay binugbugbog at ginutom pa umano sila at hindi rin pinapalabas.

Sa ngayon ay pinakikilos na ni Senador Villar ang mga kinauukulang otoridad upang papanagutin sa batas ang recruiter at ang mga kasabwat nito.