Pinas News
MASAYANG nag-uwian ang madlang pipol na nakasaksi sa laban ng mga Filipino mixed martial arts (MMA) fighters na pinangunahan ng LAKAY Team sa 81st ONE Championship na ginanap sa SM Mall of Asia (MOA) Arena, Pasay City, kamakailan.
Sa main event ng ONE: Reign of Kings, tinalo ni Kevin “The Silencer” Belingon (LAKAY Team) ng Baguio City si 2-division ONE World Champion Martin “The Situ-Asian” Nguyen (Vietnam/Australia) sa pamamagitan ng unanimous decision after five rounds.
Dahil sa magandang performance sa buong five rounds ni Belingon sa circle cage nakuha nito ang ONE Interim Bantamweight World Championship title.
Sa Lightweight bout, panalo si Eduard “Landslide” Folayang ng LAKAY Team kontra kay Aziz Pahrudinov (Russia) sa pamamagitan ng Unanimous Decision (UD) after three rounds.
Napakasiglang performance din ang ipinamalas ni Joshua “The Passion” Pacio (LAKAY Team) para sa Strawweight bout at tinalo si Pongsiri Mitsatit sa pamamagitan ng Submission (Armlock) sa round one (3:37 minutes).
Sa Strawweight bout, panalo sa pamamagitan ng Unanimous Decision (UD) after three rounds si Rene “D’ Challenger” Catalan kontra kay Stefer Rahardian (Indonesia).
Mga wagi sa ONE, Reign of Kings: Lightweight: Shinya Aoki defeats Shannon Wiratchai (TKO-Strikes); Welterweight: Renzo Gracie defeats Yuki Kondo (Submission-Rear Naked Choke);
Lightweight: Garry Tonon defeats Rahul Raju (Submission-Rear Naked Choke); ONE Super Series (Muay Thai) Catch Weight (72.5kg): Chris Ngimbi defeats Armen Petrosyan (Split Decision).
ONE Super Series (Muay Thai) Bantamweight: Panicos Yusuf defeats Han Zi Hao (Unanimous Decision); ONE Super Series (Muay Thai) Catch Weight (68.0kg): Chamuaktong Fightermuaythai defeats Brown Pinas (Unanimous Decision); Featherweight: Xie Bin defeats Sor Sey (Submission-Guillotine).
NOVI SAD, CHAMPIONSA FIBA3x3
KAMPEON ang Novi Sad (Serbia) sa FIBA 3×3 World Tour Saskatoon Masters na ginanap sa Canada. Tinalo ng Novi Sad ang Liman Tesla Voda sa score na 20-18.
Si Dušan Domovic Bulut ay nagtala ng 6 points, habang ang teammates na sina Marko Savic at Dejan Majstorovic ay tig-seven points.
Nag-uwi ang Novi Sad ng US$30,000 check at pasok na sa WT Bloomage Beijing Final 2018 sa Oktubre 27-28. Ang Novi Sad ay may 13th title na sa FIBA 3×3 World Tour.
Final Standings: 1. Novi Sad (SRB) 2. Liman Tesla Voda (SRB) 3. Saskatoon (CAN) 4.Winnipeg AP (CAN) 5. Zemun (SRB) 6. Montreal (CAN) 7. Old Montreal (CAN) 8. Minnesota 3Ball (USA) 9. Ulaanbaatar (MGL) 10. Vitez Ecos Romari (BIH) 11. Riga (LAT) 12. Princeton (USA).
NBAPH-3×3 SAMOA
BABALIK ang National Basketball Association (NBA) sa gaganaping NBA 3X Philippines sa Agosto 25-26 sa MOA Music Hall, Pasay City.
Sa pamamagitan ng AXA, tatampukan ng NBA player, isang NBA legend at slam dunk champion ang pagbabalik ng NBA 3×3 sa Pinas.
Sa ikawalong sunod na taon, itatampok sa liga, batay sa international grassroots event platform ng NBA ang mga mahuhusay na batang players para sa 3-on-3 tournament.
Gaganapin ang NBA 3X PH 2018 preliminary tournament sa North Luzon sa Agosto 11-12 at Metro Manila sa Agosto 18-19. Ang mangungunang koponan ay papasok sa finals.
Naghihintay ang competitive 3-on-3 tournament sa division na boys (under-13, under-16, under-18, at open category), girls (under-18 at open category), isang exhibition game naman ng ilang TV at movie