Ni: Troy Gomez
Mas magaan na ngayon sa bulsa para sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng hearing aid.
Ito ay matapos ilunsad ng earAccess, isang kumpanya mula Canada ang Access 1 at Access 2 dito sa Pilipinas.
Ang Access 1 at Access 2 ay isang uri ng makabagong hearing aid.
Ito ay magaan dalhin, digital, programmable, at hindi halata ang pagkakakabit sa tenga.
Tinatayang aabot sa labing tatlong araw ang battery, at higit sa lahat ay nasa pitumpung porsyento na mas mababa ang presyo nito kumpara sa ibang brand ng hearing aid dito sa pilipinas.
Ayon kay Audra Renyi, Founder at Chief Executive Officer ng earAccess Incorporated, nais niyang matulungan ang mga nangangailangan ng hearing aid sa bansa sa pamamagitan ng kanilang dekalidad na produkto na may mababang presyo.
Ang Access1 at Access 2 ay maaring bilhin sa lahat ng Watsons chain store sa bansa.