SINASABI ko ang mga salitang ito paulit-ulit dahil lahat kayo ay interesado na pumunta sa langit. Ang mga mamamayan sa Kaharian ay nalalaman ito. Malalaman ito ng lahat ng mga karamay sa buong mundo. Nais kong magtungo sa mga pintuan ng impiyerno dahil hindi nila ito alam. Nais kong magtungo sa mga pintuan ng kadiliman ng kasalanan at sabihin sa kanila, “Narito ako. Narito sa akin ang liwanag. Narito sa akin ang pag-ibig ni Jesus Christ na magliliwanag sa mga puso sa pamamagitan ng pagsisisi.”
Kaya kinamuhian ako rito ng demonyo; kinamuhian niya ako ng husto. Gagawin niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang pigilan ako, ngunit hindi niya ako mapipigilan dahil hindi mapipigilan ang pag-ibig.
ANG PAG-IBIG AY BABASAG SA MGA BATAS NG KALIKASAN
Si Jesus Christ ang huwaran ng pag-ibig ng Panginoon. Siya ay naglakad sa ibabaw ng tubig. Wala sinumang makalalakad sa ibabaw ng tubig ngunit nagawa ito ni Jesus Christ.
Kanyang sinuway ang batas ng kalikasan nang Siya ay namatay, Siya ay nabuhay na muli.
Kanyang sinuway ang batas ng kalikasan nang ang birhen ay nagsilang na walang ama sa pisikal.
Kanyang binasag ang batas ng kalikasan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga ibong itim kay Elijah nang wala sinumang makapagdala sa kanya ng pagkain. Ang Pag-ibig ng Panginoon ay makagagawa ng mga himala na higit pa sa ordinaryo. Si Jesus Christ ang huwaran ng ganyang klase ng pag-ibig nang Siya ay dumating.
Si Jesus Christ ay aking Ama sa Espiritu na siyang dumating dito. Ano ang Kanyang ginawa?
Ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi, “Siya ay dumating na gumagawa ng anumang ikabubuti. Siya ay tumungo sa maalikabok na baybayin ng Galilee at Nazareth, ginagamot ang pilay, pinapalakad ang pilay; ginagamot ang maysakit, pinagaling ang taong may sakit na palsy, binuhay ang patay.”
At ang mga tao ay sumunod sa Kanya na may mga matang mapanibugho, lalo na sa mga taong matakaw sa kapangyarihan. Gumawa sila ng masamang balak sa kani-kanilang sarili, “Mahihimok Niya ang buong mundo sa Kanya.”
Walang ginawang masama si Jesus Christ datapuwat ay nahihibang ang mga tao na patayin Siya. Bakit? Dahil hindi inibig ni Satanas ang Salita ng Panginoon. Si Satanas ay puno ng kamuhian. Kaya may nangyaring digmaan sa langit sa Pahayag 12. Ang digmaan ay hindi nagsimula sa sanlibutan; ito ay nagsimula sa langit. Ang mga demonyo na nasa inyo ngayon ay dating mga anghel. Ang mga anghel na ito ay nagrebelde, pinamunuan sila ni Satanas na si Lucifer ang demonyo. Siya ay itinapon dito sa sanlibutan, at kanyang nilinlang ang ating unang mga magulang, na sina Adan at Eba. Tayo ay nagmula sa lahi ni Adan at Eba. Ating namana ang kanilang mga kasalanan. Ngunit ngayon ang Ama ay muling nagdulot ng iba pang miyembro mula sa makasalanang lahi ni Adan. Ako ito.
Paumanhin na lamang kung lagi kung tinutukoy ang aking sarili. Pero sino ang maaari kong tukuyin? Kayo? Hindi ko ‘yan magagawa dahil hindi kayo itinalaga para riyan. At ipagpatawad na wala akong tagapagsalita para sa aking sarili.
Ngunit kung gusto ninyo malaman kung ano ang nangyari na iba sa aking mensahe ng kaligtasan, itanong ito kay Atty. Torreon. Siya ang aking tagapagsalita para sa mga ekstrakurikular na mga aktibidad ng Hinirang na Anak. Ngunit pagdating sa kaligtasan, itanong sa Anak. Sasabihin ko sa inyo ang ganap kung ano ang tungkol sa kaligtasan.
Ano ang dinala ni Jesus Christ dito sa sanlibutan? Kanyang dinala ang kapangyarihan ng pag-ibig. Siya ba ang nagsasabi rito? “Walang may lalong dakilang pagibig kaysa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan.”
Sinabi nila, “Si Pastor Quiboloy ay matatakot na mamatay dahil mayaman na siya ngayon.”
Hindi ninyo ako kilala. Ang inyong kaalaman sa akin ay karnal kung iyan ang sinabi ninyo. Kung ang Ama ay magsasabi sa akin na magpunta sa bundok na walang mga bahay at mamuhay kasama ng mga katutubo, kaagad ay tutungo ako doon at hindi na ninyo ako muling makikita.
Ganyan ko kamahal ang paggawa sa Kalooban ng Ama. Ang mga materyal na bagay, mga pinansyal na mga bagay –ay walang kabuluhan sa akin kung hindi ko magagamit ang mga ito para sa kaluwalhatian ng Ama.
Kunin ninyo ang lahat, ngunit huwag kunin ang pag-ibig dahil hindi ninyo makukuha ang pag-ibig. Ang aking relasyon sa aking Dakilang Ama, sa pagitan sa Kanya at sa akin ay wagas na pag-ibig at aking pinalaganap ang pag-ibig na iyan sa inyong lahat dahil ako ay naging naririnig na boses at tagapagsalita. Siya ay nasa akin. Ako at Siya ay iisa.
Dinala ni Jesus Christ ang Rebolusyon ng Pag-ibig dito sa mundo, at kinamuhian Siya nang matindi ni Satanas. Ang Kanyang mga taga-akusa, ang mga Pariseo at mga lider sa relihiyon ay sumunod sa Kanya sa bawat hakbang. “Pagmasdan natin Siya at ating pakinabangan ang bawat mali na Kanyang magagawa!” Katulad lamang ito sa nangyari kina Shadrach, Meshach, at Abednego. Katulad lamang kay Daniel. “Pakinabangan natin ang mga kamalian at atin siyang lansihin. Kapag nalansi na siya, ay magiging katapusan na Niya.”
JESUS CHRIST, ANG HUWARAN NG PAG-IBIG
At tunay nga, isang araw, mula sa grupo ng labing dalawang apostoles, habang sila ay kumakain ng hapunan, ang Salita ng Panginoon ay nagsasabi na si Satanas na si Lucifer ang demonyo na dumating sa anyo ng espiritu, ay pumasok kay Judas.
Habang kumakain si Judas kasama ni Jesus Christ, nakita Niya ito kay Judas. Sinabi Niya, “Ikaw ay pinangangabawan ni Satanas. Gawin mo na ang kailangan mong gawin.”
Pagkatapos ay tumakbo si Judas sa mga taong namimintas sa ating Panginoong si Jesus Christ, at sinabi niya, “Sasabihin ko sa inyo kung saan Siya. Bibigyan ko kayo ng palatandaan.” Hindi kilala ng mga sundalo ang mukha ni Jesus Christ dahil magkakahawig ang mukha ng mga Hudyo. Dito ay binigyan ng tatlumpung pilak si Judas.
At sa kalagitnaan ng gabi, habang nagdadasal si Jesus Christ sa Gethsemane, ang mga sundalo ay dumating bitbit ang mga sulo. Nasa unahan nila si Judas. At nang lumabas si Jesus Christ mula sa Garden matapos ang mahabang dalangin ay sinalubong Siya ni Judas at binigyan niya ito ng tinatawag nating halik ni Hudas. “Sinuman ang aking hahalikan, Siya iyon.”
At dinampot ng mga sundalo si Jesus Christ, inaresto Siya, Siya na walang ginawang kasalanan. Kanila Siyang dinala. Kanila Siyang hinarap sa mga tao. Kanila Siyang kinondena. Nilagay nila Siya sa poste ng pagpaparusa. Kanila Siyang kinoronahan ng mga tinik.
Nakarating ako sa Jerusalem ng apat na beses at ang mga tinik sa ulo ni Jesus Christ ay tinawag na Jerusalem Vine. Makikita ninyo ito na tumutubo sa mga dalampasigan ng Galilee. Ang mga tinik ng halamang ito ay kasing haba ng pomelo at matigas, ngunit pinilipit ito upang maging korona.
Itutuloy…