PINAS

Liman Tesla Voda, panalo

Ni: Noli C. Liwanag

KAMPEON ang Liman Tesla Voda (SRB) sa FIBA 3×3  World Tour Utsunomiya Masters 2018 na ginanap sa Japan noong July 28-29.

Ang Serbian squad ay nakabawi sa pagkakatalo sa Saskatoon Masters, ang number 2 team ay tinalo ang Amsterdam Inoxdeals (NED) sa final.

Nakuha ni Stefan Kojic ang score na 6 points, samantalalang ang teammate na si Stefan Stojacic ay 4 ang score at kinilalang MVP matapos na magtala ng third-best 27 points.

Sa third all-time Masters title ng Liman Tesla Voda ay nakapag-uwi sila ng US$30,000 cheque at sasabak sa Bloomage Beijing Final, na gaganapin sa October 27-28.