PINAS

Heart, buong tapang na hinarap ang mga pagsubok

SI Heart Evangelista at ang kanyang outfit nang siya’y dumalo sa SONA.

Ni: Crysalie Ann Montalbo 

MASASABING loyal pa rin talaga ang Philippine TV actress na si Heart Evangelista matapos nitong i-renew ang kanyang exclusive contract sa Kapuso Network.

SHOWBIZ CAREER NI HEART

Ayon kay Heart, nagpapasalamat siya dahil sa ibinibigay na oportunidad ng GMA Network sa kanya. Masaya rin ang aktres dahil ang kanyang paglipat ng istasyon ay naging susi upang mas umangat ang kanyang showbiz career.

“Sobrang happy to be a Kapuso. Even if I don’t have a contract I think I’ll be a Kapuso. I’m very content with my life, I’m very happy where I am and I’m very excited for what I have and what I will be doing with GMA,” sabi ni Heart.

Handa na kaya siya sa mga maaaring maging proyekto?

“Yes always naman ready and I think the difference now is I don’t want to plan things so much. I just wanna go with the flow and GMA has always been very understanding with schedules, they’re not selfish. So when there is a change of plans then that’s when we discuss. But now I wanna work and we’ll see what happens.”

Bukod sa pagiging sweetheart actress, may mga iba pang proyekto na inaasikaso si Heart kaya’t nagpunta siya ng France para rin mabigyang oras ang sarili.

“Masaya. I think it was a much needed trip and it’s very productive. It was also good kasi hindi rin ako pumunta do’n para magdepress-depress-an. I also went to work, that’s something I also like, it keeps my mind off of things, so I really enjoyed,” sabi ng aktres.

“I shot for an endorsement for this French brand which is really nice because it was my first ever endorsement outside the Philippines. I also shot something in the U.S., so it was really an experience,” dagdag pa nito.

Inamin rin ni Heart na sa likod ng pagpunta niya ng Paris ay ang pag-audition niya sa pelikulang “Crazy Rich Asian” kasunod ng mga ispekulasyon na nakita siya ng best-selling author na si Kevin Kwan.

“I actually auditioned for Crazy Rich Asians, that’s my little secret and I almost got the part actually, that’s what he (Kwan) told me,” sabi ng aktres.

Tinanong siya kung anong role ang ginampanan niya noong audition subalit tinanggi niya ito.

“No! No! I’m shy. But I made sure na in case na ma-leak ‘yung audition tape ko hindi nakakahiya. I hired a crew, tinape (tape) ko siya like a telenovela. Nakakatuwa. It was an experience and it’s funny because sobrang na-appreciate nila ‘yung audition tape ko.”

KASAMA ni Heart Evangelista ang asawang si Senator Chiz Escudero.

TAPANG NG PUSO

Matatandaang nag-anunsyo ng pagbubuntis si Heart sa asawang si Senator Francis “Chiz” Escudero.  Marami ang natuwa at nagalak sa magandang balita.

Subalit nito lamang Hunyo, inanunsyo niya sa kanyang Instagram post ang pagkawala ng kanilang unang baby.

“At this week’s doctor appointment, just as we hit the three-month mark, we found out that her heart stopped beating,”

“For some it might be early on but for us, we were so ready to meet you, little one. Carrying you made me feel like a completely new person. Just the thought of you taught me what unconditional love feels like,” pahayag ni Heart.

Pinaliwanag ng doktor sa kanya na walang may kasalanan sa pagtigil ng buhay ng bata.

“The doctor told me that there really wasn’t anything we could’ve done, that this happens to a higher percentage of first time moms. I know this is true because so many of you have been open with sharing your experiences. Your kindness and positivity in sharing about your own miscarriages remind me to be strong. I am so grateful for all your love throughout this entire journey.”

Ngunit sa kabilang banda, ang tapang ni Heart ay hindi nawala sa kabila ng mga hinarap niyang problema. Nagpapasalamat pa rin siya sa Panginoon dahil sa mga biyayang natatanggap niya.

“Of course, that’s why I’m very happy, I’m very blessed in a way that I have work that’s always different and it takes me to places. And I’m very grateful. I was never doubtful. I never questioned God with what he wanted for me, so whatever is given to me I’m very thankful. So I was very happy that the Paris trip happened. Timely din siya para sa’kin.”

“Siguro, ‘yon ‘yong lesson ko kasi before I’m such a planner with my life and sometimes you forget that the number one planner should be what God wants and what He wants for you. So for me, whatever He wants for me I will just live life and enjoy each moment and not think about what I want to do but what he wants for me.

SUPORTADO NI CHIZ

Buti na lang at hindi gaanong nahirapan si Heart sa pagharap ng pinakamahirap na sitwasyon na dumating sa kanyang buhay dahil sa suporta ng kanyang asawa na si Chiz.

“He’s very happy and siya rin ‘yong nagpu-push sa akin, Sabi niya saken, ‘I think it’s time for you to work and whatever happens, will happen so continue your life.’ I’m very lucky that I have someone who´s very supportive, hindi controlling with my time, allows me to spread my wings,” aniya ni Heart.