DOST Secretary Fortunato De La Peña with Hillary Diane Andales.
Ni: Noli C. Liwanag
PAMBANSANG Araw ng Kabataan ang Agosto 12, na ipinasa ng Kamara bilang House Bill 7749. Sa panukalang inakda ni Rep. Sarah Jane Elago, tungkulin ng Estado na itatak sa kabataan ang maging makabayan at lumahok sa mga gawaing pampubliko at sibiko.
Tuwing Agosto 12, ginaganap ang “International Youth Day”, bukod dito hinuhubog ang mga kabataan hindi lang sa basketball, volleyball, boxing at iba pang palakasan, maging sa olimpiada ng patalinuhan sa agham at matimatika ay magagaling ang mga Pinoy.
PISAY, HUMUHUBOG NG KABATAAN
PATULOY na humuhubog ng mga kabataan ang Pisay o Philippine Science High School, kung saan ginanap kamakailan ang presscon ng Campaign for 2018 Department of Science and Technology-Philippine Science High School System (DOST-PSHS) National Competitive Examination (NCE), kung saan ipinakilala nina PSHS exec. dir. Lilia Habacon; dep. exec. dir. Dr. Rod Allan De Lara; supervising admin. officer Ed Briones; at Science and Technology Information Institute (DOST-STII) dir. Richard Burgos, ang mga natatanging mag-aaral ng PSHS.
“Home of the Olympiad Champions” ang Pisay, na nagsimula noong 1964, bilang flagship campus. Taun-taon, ang mga mag-aaral ay aktibong sumasali at nananalo sa national at international competition tulad ng Mathematical Oympiad, Chemistry Oympiad, Physics Oympiad, Earth Science Oympiad, Oympiad in Informatics, at Geography Oympiad.
OLYMPIAD CHAMPIONS
MADARAGDAGAN pa ang mga kabataang magbibigay karangalan sa Pinas, dahil sa pagbubukas ng pinto upang maging Philippine Science High School scholar! Ang Pisay ay tumatanggap na ng aplikante para sa 2018 PSHS-NCE hanggang Setyembre 14, 2018, at ang entrance examination ay gaganapin sa Oktubre 20, 2018.
Bukod dito, pinatunayan ng mga mag-aaral mula sa PSHS na kayang makipagsabayan sa international competition tulad nina: Liza Jovellanos at Samantha Nicole Gaw na wagi ng gold mula sa 6th Malaysian International Young Inventors Olympiad 2017.
Panalo rin ng gold at silver sina Gabriel Alteza, Emmanuel Sabado, Isabela Lomibao at Zulieka Barles sa ginanap na Singapore Int’l Mathematics Olympiad Challenge, noong Hulyo 2017.
Kumolekta ng pilak si Kyle Patrick Dulay sa 58th Int’l Mathematics Olympiad noong July 2017 sa Rio de Janeiro, Brazil. Silver din ang inuwi ni Mikhail Angel Torio sa 2017 Int’l Earth Science Olympiad, noong Setyembre 2017 sa Côte d’Azur, France, at sa 21st Singapore National Olympiad in Informatics noong Marso 2018.
Sa 49th Int’l Physics Olympiad noong July 2018 sa Lisbon, Portugal, wagi ng bronze sina Mikhail Angel Torio (PSHS-Main Campus) at Charles Jerome Bartolo (Central Luzon).
Samantala, sina Israel Aguba at Juluis Macling (Main Campus) ay nanalo ng bronze medal sa katatapos na 50th International Chemistry Olympiad, noong July 19-29, 2018 sa Slovakia & Czech Republic.
MGA natatanging mag-aaral ng PISAY.
WAGI SA 8th ASEAN+3 STUDENT CAMP
NANGUNA ang mga batang Filipino scientist ng Philippine Science High School-Cordillera Administrative Region at nakuha ang gold medal sa 8th ASEAN + 3 Student Camp and Teacher Workshop for the Gifted in Science (ACGS), ginanap sa Beijing NO.35 High School, China.
Ayon sa DOST, tinalo nina Caleb Joshua Abrazaldo, Grade 11, at Rei Arion Videl Buena, Grade 10, ang mga katapat mula sa 12 bansa sa robot soccer operation skills.
Sina Abrazaldo at Buena ay best performance sa workshop category na sinubok sa recitation, speed in disassembling and assembling a soccer robot, at poster presentation.
Panalo rin sina Adrian Charles Tiu Lao, Kristine Marie C. Jardiolin at Elizabeth Rae S. Peralta (Ilocos Region Campus), na nag-uwi ng silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod.
PANALO SA 6th ASEAN+3 JSO
GINANAP ang 6th ASEAN Plus Three Junior Science Odyssey (APT JSO), noong Hulyo 10-15, 2017 sa FPT University, Hoa Lac High-Tech Park, Hanoi, Vietnam.
Sa JSO, panalo sina Elizabeth Peralta, Adrian Lao at Sophia Dondo (PSHS Ilocos Region Campus), at nakuha ang 6th Placer-Performance in Poster Presentation; Performance in Physic Laboratory Skills (Silver medal); (Bronze) Performance in Chemistry Laboratory Skills; (Silver) Performance in Biology Laboratory Skills; at bronze (Elizabeth Peralta) in Performance in Project Pitching.
GRADE 12 STUDENT, WAGI NG $250,000
WAGI ang Grade 12 student ng Philippine Science High School- Eastern Visayas Campus ng grand prize sa 3rd Breakthrough Junior Challenge noong Disyembre 3, 2017 (December 4, Manila) sa NASA Ames Research Center, Silicon Valley, California, USA.
Si Hillary Diane Andales, tubong Tacloban City ay nanalo ng $250,000 (P12,670,000 college scholarship) sa naturang science competition.
Ang $100,000 (P5,069,000) ay pambili ng mga gamit sa school laboratory na ipinangalan kay Andales. Samantalang ang $50,000 (P2,530,000) prize ay para sa science teacher ni Hillary Diane. Pinarangaln si Andales bilang “Mga Bagong Rizal: Pag-Asa ng Bayan.”