ANG koronang tinik na ginawa ng mga Romanong sundalo para kay Jesus Christ ay mas maliit kaysa Kanyang ulo. Kinailangan nilang itali ang panali sa magkabilang gilid upang kung kanila itong ipatong sa Kanyang ulo ay maaari nila itong mahila pababa upang ang mga tinik ay babaon sa Kanyang balat at sa Kanyang laman, magreresulta ito ng pagbulwak ng dugo at pamamaga ng Kanyang mukha.
Kaya sinabi ni Isaiah, “Siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.” Ang Kanyang katawan ay namamaga dahil sa mga palo. Ang kanyang ulo ay namamaga dahil sa mga tinik. Pagkatapos ay iniharap Siya sa mga tao na parang Siya ang pinakamasamang tao sa kanilang panahon.
Sa panahon na ang Palestine ay nasa ilalim ng pamumuno ng Roma, hindi mapapako sa krus ang isang tao maliban na lamang kung ito ay isang pangunahing mamamatay-tao. Ngunit kanilang inilagay doon si Jesus Christ, Siya na huwaran ng tunay na pag-ibig ng Panginoon. Siya ay kagaya ng isang tupa na dinala patungo sa katayan. Wala siyang sinabing salita. Siya ay nakatayo doon, ang tunay na manipestasyon ng pag-ibig.
Kanilang dinala Siya sa poste ng kaparusahan. Siya ay tinalian at pinilit na lumuhod. Pinili nila ang isang pamalo na may pitong kalawit na bakal na may tatlong ulo sa bawat kalawit. Bawat sandali na humahataw ito sa katawan, ito ay tatagos sa balat at laman, at kapag ito ay hinila pabalik, sasabay ang balat at laman sa mga kalawit.
Maraming mga latay sa Kanyang katawan at halos hindi na Siya makakahinga. Kanila Siya itinayo. Kanilang pinapapasan ang mabigat na krus sa Kanya at inilakad patungo sa Kalbaryo. Sinabi nila, “Sa wakas!”
Sinabi ni Satanas, “Sa wakas! Natalo ko na ang sarili kong kaaway. Narito na siya. Siya ay mamamatay na.”
Sila ay nagtatawanan. Sila ay nagkakasisiyahan sa laylayan ng impiyerno. Ang kanilang tawa ay umaalingawngaw sa buong teritoryo ng kadiliman, “Natalo natin ang Hari ng pag-ibig. Ipalaganap natin ang kamuhian. Ipalaganap natin ang kadiliman sa buong mundo. Tayo ay malaya na dahil Siya ay mamamatay na.”
Ang mga ahente na ginamit ni Satanas ay ang mga sundalo ng Roma. Pinangingibabawan ni Satanas silang lahat kabilang ang mga pinunong pari at mga lider ng relihiyon. At narito dumating ang aking Ama sa Espiritu, naglalakad.
Nang makarating Siya sa Kalbaryo, kanilang inilapag ang krus at inihiga nila Siya sa ibabaw nito. Ipinako sa Kanyang mga kamay at sa Kanyang mga paa ang siyam na pulgadang pako.
Isipin lamang –isang koronang tinik, nakahubad, mga pako sa Kanyang mga paa at mga kamay. Pagkatapos ay itinayo ang krus, nakahilig ng kaunti sa harapan. Ito ay idinisenyo upang ang mga pako sa kanyang mga kamay ang siyang susuporta sa buong bigat ng katawan. Sa ganitong posisyon, ang tao ay hindi mamamatay dahil sa kawalan ng dugo. Sa ganitong posisyon, mamamatay ang tao dahil sa hindi normal na pagtibok ng kanyang puso.
Namatay si Jesus Christ dahil sa sakit sa puso dahil inibig Niya kayo at Kanya ako inibig. Sa ganitong paraan Siya namatay.
At habang Siya ay nakabitin, Kanya pang iniligtas ang isang nagsabi, “Panginoon, alalahanin ako kapag Kayo ay tutungo sa paraiso.”
At sinabi ni Jesus Christ, “Makakasama ka sa akin sa Paraiso ngayon.”
Ano ang Kanyang sinabi sa mga taong tumatawa sa Kanya? “Panginoon, patawarin sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”
Ang taong napakaamo at walang kalaban-laban sa krus, ang huwaran ng pag-ibig. Kaya inibig ko si Jesus Christ.
ANG HINIRANG NA ANAK AY ANG IDEYOLOGO NI JESUS CHRIST
Nang ako ay sumunod sa Kanya, ako ay naging ideyologo ni Jesus Christ. Hindi Niya ako binalaan. Hindi Niya ako isinumpa. Hindi Niya ako tinututukan ng 45 na kalibre na baril at nagsasabi, “Sumunod sa akin o papatayin kita.” Hindi Niya iyan ginawa.
Ito ay dahil sa Kanyang dedikasyon ng pag-ibig na ialay Niya ang sarili na siyang nagtulak sa akin upang sabihin, “Ito ang tunay na Tagapagligtas ng mundo. Susunod ako sa Kanya, hindi lamang sa salita, ngunit susunod ako sa Kanyang Kalooban sa walang hanggan.”
Nang naroon Siya nakapako sa krus at huminga Siya sa huling hininga at Kanyang isinuko ang Espiritu, ang impiyerno ay nagdiriwang, “Wala na Siya! Wala na Siya!”
Siya ay patay na nang Siya ay ibinaba mula sa krus. Sumaya ang Imperyo ng Roma dahil ang taong ito na siyang nagbigay ng impluwensya sa marami ay patay na sa wakas.
Kanilang inilagay ang Kanyang katawan sa isang libingan, na binantayan ng mga sundalo. Ngunit sabihin ko sa inyo, ang pag-ibig ay susuway at babasag sa batas ng kalikasan.
Sa ikatlong araw, ang malaking bato na siyang itinakip sa libingan ay gumulong at doon ay lumabas muli ang katawang yaon sa maluwalhating anyo. Siya ay nabuhay na muli sa ikatlong araw. Kanyang sinuway ang batas ng kamatayan. Siya ay lumuluwalhati. Ito ang pag-ibig sa kasukdulan.
Binisita ni Maria ang libing, si Jesus Christ ay wala roon. Nabigla ang mga sundalong Romano at ang Empiryo ng Roma at sila ay nagsabi, “Anong nangyari? Ninakaw siguro ng mga apostoles ang Kanyang katawan.”
“Hindi, hindi nila ninakaw ang Kanyang katawan. Siya ay nabuhay na muli.”
May isang ateista sa Amerika na nagsabi, “Ang Panginoon ay patay.” At may isang taong nagsabi, “Kung ang Panginoon ay patay, sino itong nananahan sa aking kaluluwa?”
Kagaya rin sa akin. Kung Siya ay patay, sino si Jesus Christ na ang mga Salita ay buhay sa aking puso ngayon?
WALA NANG MAKAHIHIGIT NA BATAS KAYSA PAG-IBIG
Walang batas na mas mahigit pa kaysa batas ng pag-ibig.
Alam ba ninyo kung ano ang sinabi ni Jesus Christ? “Ang mga bunga ng espiritu – pag-ibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan. (Mga Taga-Galacia 5:22-23)
Kapag kayo ay umibig, kayo ay humigit sa lahat ng batas ng tao. Walang batas na mas higit pa kaysa batas ng pag-ibig. Walang batas na maglalagay ng hangganan sa pag-ibig. Kapag inibig ninyo ang isang tao, walang batas na tataliwas dito, na titigil dito.
Dumating ako mula sa relihiyon at denominasyon. Ang dati kong denominasyon ay napakateritoryal. Kung kayo ay nasasakop sa ganitong teritoryo, hindi kayo makapupunta sa kabilang teritoryo. Iyan ang kanilang bylaws.
(itutuloy)