PINAS

Sue Ramirez, nananatiling positibo sa buhay

Sue Ramirez, nananatiling positibo sa buhay

Ni: Crysalie Ann Montalbo

INIHAHANDOG ngayon ng Cignal Entertainment at Idea First Company ang pelikula na kung saan ay walang fake news at walang bashers. Ito ay “Ang Babaeng Allergic sa WiFi” na pinagbibidahan ng young Kapamilya actress na si Sue Ramirez kasama si Jameson Blake at Markus Paterson.

LOUD AND PROUD

Ipinagmamalaki ni Sue ang kanilang pelikula lalo na’t ito ay isa sa mga bibida sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula ng Agosto 15 hanggang Agosto 21. Sinabi niya rin na mamumulat ang mga manonood sa kakaibang tema na ito, kung saan ay ipapakita kung ano nga ba ang panahon noong wala pa ang social media.

“I would say it’s a wonderful movie. Ang daming emotions na ilalabas. It would bring out ‘yung youth side mo and ipapaalala sa ‘yo nung wala pang technology, nung wala pang cellphones, ibabalik tayo doon ng pelikulang ito,” pahayag ni Sue sa entertainment press.

Bukod pa rito, hindi lang ito basta-bastang karaniwang uri ng kwento.

“Ang daming mga unexpected twist and turns na kahit kaming mga actors at mga tao dito sa pelikula na ito ay nagulat,” kwento niya.

Inamin niya na dumating rin ang pagkakataon na naiisip niyang tumigil muna sa paggamit ng social media.

“Sometimes it’s nice to stay away from social media, to stay away sa online world and go back to the world that we live in talaga — walang fake news, wala ka mababasa na fake accounts, walang bashers, ‘yung mga tao lang na nagmamahal talaga sa iyo. Parang ang sarap nya balikan,” giit ni Sue.

ISA ang “Ang Babaeng Allergic sa WiFi” sa mga nabibilang na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood mula Agosto 15 hanggang 21.

SAGOT SA BASHERS

Sa showbiz career ay hindi na talaga mawawala ang samu’t saring bashers. Sa sitwasyon ni Sue, paano niya kaya hinaharap ang mga ito?

 “There’s a deeper and wider explanation for things and I think people should open their minds to it,” paglilinaw niya.

Para sa kanya, masaya siya sa naging desisyon na magpa-ikli ng buhok at wala naman siyang nakikitang problema.

“Isa siguro ‘to sa mga bagay na nagpasaya sa’kin, ‘yung haircut ko na ‘to. High school palang ako gusto ko na siya i-try, ngayon lang talaga nagkaroon ng chance,” banggit niya.

Binuwag niya rin ang mga kontrobersya  na siya ay “malandi” diumano dahil sa pagpo-post ng mga larawan na naka-bikini.

Ayon sa kanya, gusto niya lang naman talaga mag-swimming kasama ang kanyang mga kaibigan.

“I don’t really think it’s a big deal. I don’t really sexualize my body at all, wala po akong malisya. It’s just [that] everybody has a body,” ayon sa kanya.

“Malandi daw ako kasi naka-two-piece ako. Wow! Okay, sige. Thanks po,” dagdag ng aktres.

Para kay Sue, wala na siyang magagawa kung lagi siyang pag-uusapan.

“Wala eh. Wala na tayong magagawa. Palalampasin na lang natin,” she said. “We could hope for the better na sana they could find the positivity inside themselves para mas may magandang sabihin or mas magandang pagtuunan ng pansin.”

“Stay positive na lang sa mga taong nagkocomment.”

KASAMA ni Sue ang rumored boyfriend na si Joao Constancia sa nakaraang Star Magic ball.

ALLERGIC SA LOVELIFE?

Kumusta naman kaya ang lovelife ng aktres?

Usap-usapan hanggang ngayon ang real score sa pagitan nila ng Boyband Ph singer na si Joao Constancia.

Noong 2017, inamin ni Joao na talagang gusto niyang mai-date si Sue.

At sa kanyang Instagram post nito lang Hulyo, sinulat niya ang birthday greeting para sa young actress bilang caption at sinamahan pa ito ng ‘I love you, Sue.’

Hindi naman itinanggi ni Sue na sila ay lumalabas ngunit hindi niya pa makumpirma ang totoong status nila.

“Lumalabas kami pero no pressure, kalma lang. Alam naman namin iyong priorities namin pareho.”

Aniya, lakas loob na nagpakilala ang Boyband ph singer sa kanyang pamilya.

“Okay naman po sila kay Joao. Siya po iyong unang naglakas ng loob na humarap sa family ko,” paglilinaw ng aktres.