Nais ni Rep. Mark Go na iangat ang bilang ng SIL ng mga empleyado
Ni: Eugene Flores
APRUBADO na sa kamara sa ikalawa nitong pagbasa ang House Bill 6770 na nagsusulong ng dagdag na Service Incentive Leaves (SIL) para sa mga empleyado sa ating bansa.
“The granting of such incentive boosts the morale and satisfaction of employees which is manifested in their increased productivity. Leave credits also minimize the risks of health and safety issues among employees which may be even costlier for both employers and employees in the long run,” sabi ni Baguio Representative Mark Go na siyang principal author ng house bill.
PAGBABAGO SA ARTIKULO 95
Naglalayon ito na baguhin sa Presidential Decree 442 o Labor Code of the Philippines ang artikulo 95.
Nakasaad sa bagong artikulo ang mga sumusunod:
“Article 95. Right to service incentive leave:
(a) Every employee who has rendered at least one year of service shall be entitled to a yearly service incentive leave of [five] TEN days with pay.
“(b) This provision shall not apply to those who are already enjoying the benefit herein provided, those enjoying vacation leave with pay of at least [five] TEN days and those employed in establishments regularly employing less than ten employees or in establishments exempted from granting this benefit by the Secretary of Labor after considering the viability or financial condition of such establishment.
“(c) The grant go benefit in excess of that provided herein shall not be made a subject of arbitration or any court or administrative action.”
SEC. 2. Implementing Rules and Regulations.- Within nine (90) days from the approval of this Act, the Department of Labor and Employment shall promulgate the rules and regulations implementing the provisions of this Act which shall take effect thirty (30) days after its publication in any newspaper of general circulation..
SEC. 3. Repealing Clause.- All laws, decrees, orders, rules and regulations and other issuances or parts thereof which are inconsistent with the provision of this Act are hereby repealed or amended accordingly.
SEC 4. Effectivity.- This Act shall take effect fifteen (15) days after its publication in the Official Gazatte or in any newspaper of general circulation.
Ayon kay Rep. Go, makakatulong ang service incentive leave upang maiangat ang morale ng mga manggagawa at pagiging produktibo nito sa trabaho habang nasisiguro na nasa maayos na kondisyon ang mga ito.
Sa kasalukuyan, wala sa batas na kailangang magbigay ng sickness at vacation leaves ang mga employer.
“With the increase in the number of leave credits in the form of sick or vacation leave credits left purely at the discretion of the employers, employees constrained by limited leave credits are left vulnerable to sickness, emergencies and other fortuitous events that would cost them a day of paid work,” aniya.
Formal na naihain sa kamara ang House bill 6770 sa pangunguna ni House committee on labor and employment chairman at Cagayan Representative Randolph Ting na siyang nag-sponsor ng nasabing bill.
Maraming kongresista ang pumabor sa ikalawang pagbasa ng house bill 6770
SENADO, ITINUTULAK DIN ANG PAGTAAS NG SIL
Sa pangunguna ni Senador Joel Villanueva, isinusulong din sa Senado ang Senate bill 1614 o ang pagtataas ng service incentive leave.
“Given the benefits of giving paid leaves to employees, this bill seeks to increase the mandatory five-day service incentive leave under the Labor Code to 10 days,” wika ni Villanueva na Chairman din ng Senate committee on labor and human development.
Binigyang diin din ng Senador ang benepisyo ng SIL sa kalusugan ng mga empleyado at ang positibong epekto nito sa produksyon ng gawain.
Sa inihain na Senate bill, maaring makuha bilang cash ang SIL na hindi nagamit o naubos sa loob ng isang taon.
Magkakaroon ng dagdag na ilang araw na SIL ang mga empleyado kung maisasabatas ang house bill 6770
OSHB, NAISABATAS NA
Bukod sa dagdag ng araw sa pagliban sa trabaho, tiyak na ikagagalak ng ibang emplyado ang pagpirma ni Pangulong Duterte sa Occupational Safety and Health Standards Law (OSHB) na magsisiguro ng mas malawak na seguridad para sa mga manggagawa.
Ayon kay Davao City 1st District Representative Karlo Nograles, chairman ng House appropriations committee, ang OSHB ay isa ring pagkilala at pagpupugay para sa mga manggagawang Pilipino.
Dahil sa ilalim ng OHSB ang mga employer gayundin ang mga contractor, project owner, subcontractor at ibang tao na may kontrol sa ginagawang proyekto ay magiging responsable sa mga aksidenteng magreresulta sa injury or pagkamatay habang nasa lugar ng pinagtatrabahuhan.
Magbebenepisyo ang mga manggagawa sa OSHB na magbibigay ng dagdag na seguridad sa mga ito.
Paiigtingin din ng batas na ito ang karapatan ng mga trabahador sa PPE o ang personal protective equipment at kinakailangan din ng mga medikal na suplay, kagamitan at pasilidad ang mga ito.
Sa kabuuan, may layunin itong magbigay ng sagarang proteksyon sa kahit anong banta sa seguridad ng mga manggagawang Pilipino.
“Para i-make sure ng employer na safe po ang lugar ng pinagta-trabahuan, at magiging liable po ang employer kung may mangyayari po.” Ang sabi ni Special Assistant to the President Christopher Go.
Nakasaad sa Republic Act 11058 na pinirmahan ng pangulo na aplikado ito sa mga establisyemento, proyekto, sites, maging ang Philippine Economic Zone Authority.
Malaki ang magiging tulong nito sa mga empleyado hindi lamang sa mga nasa opisina, maging ang mga manggagawang nalalagay sa peligro ang kaligtasan para lamang magawa ang trabahong kinakailangan.